EXCLUSIVE PHOTOS : King of the Gil Dance Concert, the hottest ever!

Saturday, November 30, 2013

More videos to follow po! Abang lang!









CLICK HERE for more photos!

Read more...

Sexy and Topless Enrique Gil, King of the Gil Dance Concert

Read more...

Good luck Quen!!!

Friday, November 29, 2013


Minutes before the hottest concert ever! ❤️

Read more...

YOUTUBE buzz : Proposal na dinaan sa isang "Hostage Drama" set-up!

Thursday, November 28, 2013

Naloka ako sa proposal na ito ha! Kayo ano ang take niyo sa gimik ng set-up pagpo-propose ng guy? Video was uploaded on YouTube by (according to abs-cbnnews.com) producer Tootoots Leyesa, as of press time, almost 150,000 na ang views nito sa YouTube.

Warning : Profane language and Violent Behavior

Read more...

Melai is back on Kris TV!

Read more...

Dyesebel muling aahon mula sa karagatan! Ang kanyang mukha... masisilayan na sa 2014 sa ABS-CBN!

Tuesday, November 26, 2013

Dreamscape/ABS-CBN publicity and social media head Eric John Salut posted yesterday, na nakatakda na ang muling pag-ahon ni Dyesebel mula sa karagatan next year! Ang tanong - inaabangan at pinagbe-betan - ng marami ngayon, sino ang magsusuot ng mahiwagang buntot? Hehehe! 

Kayo sa tingin niyo sino ang bagong Dyesebel? Sino ba ang gusto niyo? Comment lang!

Photo form Eric John Salut's Instagram account

Read more...

D.Slambook : Ariella Arida, Miss Universe 2013 3rd Runner Up

Nag-Q&A muna si Ariella Arida for D.Slambook, 2 weeks bago siya lumaban sa Miss Universe 2013 hehehe. Thanks Marc Noveloso and Kamille Abrenica for shooting this.



Read more...

"It's always a Kim day," Xian Lim and Kim Chiu share their "love story" on Kris TV!


Maraming bagong nareveal tungkol sa kwento ng KimXi o nina Kim Chiu at Xian Lim, sa naging exclusive interview sa kanila ng Queen of All Media Kris Aquino, sa Star Awards Best Celebrity Talk Show na Kris TV. Pero sa lahat ng kwento nila, isa ang tumatak kay Kris...

Hindi alam ng marami, pero noong panahong nagluluksa sina Kim dahil sa pagpanaw ng kanilang ina, lumipad pala si Xian sa Cebu para damayan si Kim. Feeling daw niya kailangan kasi ni Kim ng someone... kahit hindi man siya yung someone na yun, basta alam niyang kailangan ni Kim ng kasama kaya't he wanted to be there for her.

"Ano ba yun! Wait ha... pagdating ko sa wake tumawag ako sa kanya, yun basta ang dami naming pinag-usapan. Maya-maya dun ako natulog, mga 6am paggising ko, nandyan na siya sa tabi ko," umiiyak na kwento ni Kim.

Sa interview ng dalawa ay lumabas na parehong hindi mahilig lumabas at makipag-sosyalan sina Kim at Xian. Masaya na sila sa company ng kanilang pamilya, at ng isa't isa. Kain sa labas at panonood ng sine raw ang paborito nilang gawin. Nakakatuwa ring mas makilala pa si Xian bilang isang napakabuting anak, na lahat ng gusto ng Mommy ay ibibigay at pagbibigyan hangga't kaya niya. Awww.

Napuno pa ng kilig ang studio nang tanungin ni Kris s Xian kung lagi bang pinagbibigyan din ang mga gusto ni Kim... at sagutin ito ni Xi ng, "it's always a Kim day." Lagi naman daw ang gusto ni Kim ang sinusunod niya. Haba ng hair mo Kimmy hahaha!

Naging malaking tulong daw ang isa't isa sa pananaw nila sa buhay. Sa dulo ng interview ay tinanong sila ni Kris kung ano ang naging impact o epekto nila specifically sa buhay ng isa't sa...

Xian said, "Well para sa akin, I wanna thank Kim kasi before I met her... I would go to church... per not as regular... Pero when I met Kim.. she got me going to Padre Pio, to praying... Parang ang dami mong issues in life, pero di dapat ganun sabi niya."

Kim said naman, "Dahil sa kanya nagopen up yung vision ko... open up yung sarili mo sa ibang tao. And tanggapin mo kung sino yung dadating sa buhay mo. Saka ngayon magaan yung pakiramdam na tawa ka lang ng tawa, carefree... pakialam ko ba sa kung sinong mga bashers dyan..."

The episode was sealed with Xian singing for Kim, his version of Enrique Iglesias's "Hero."

Read more...

Melason sinagot ang mga intriga sa nalalapit nilang kasal! Melai, inaming nagtampo sa mga kasamahan sa Banana Split!

Sunday, November 24, 2013


Hindi pa dapat ngayong taon ikakasal sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Pag-amin ni Melai kanina sa Buzz ng Bayan, totoong pamilya niya ang nagbigay ng pressure na ngayong taon ganapin ang wedding. Dahil ganun daw talaga sa probinsiya, hahabulin ng itak pag di pinakasalan ang anak na babae hehehe.

Bagamat ayaw ng magarbong kasal, dahil sa dami ng nagmamahal at sumusuporta sa kanila... Wala raw nagawa si Jason kundi sumunod na lang sa flow. Beige raw ang motif ng kanilang wedding, as suggested by Jason's dad (na sa pagkakaalam ko siyang gagawa ng gown ng bride), para raw sosyal.

Tungkol naman sa isyu ng pera - na kesyo baka raw hindi pa nila kayang suportahan ang kanilang magiging pamilya - aminado ang dalawa na nasasaktan sila, lalo na si Melai na extra sensitive raw ngayong buntis siya.


Totoo bang hindi nila ininvite ang kanilang mga dating kasama sa comedy show na Banana Split? 

Not true. Late lang daw ang labas ng mga imbitasyon, sa katunayan ay natanggap na nga raw ni Zanjoe Marudo ang imbitasyon. Nasa mga susunod na batch daw ang para kina Angelica Panganiban, etc. 

"Actually sa totoo lang ako Tito Boy may pagtatampo... Parang nagtatampo ako kasi parang ina underestimate nila si Jason (sa aspeto na kung may maipapalain ba sa kanya)," kumpisal ni Melai. Dagdag pa niya, "bahalang saging (ang kainin) basta loving." Si Angelica raw ang nakakatext ni Melai, pero nang inamin niyang sinabihan niya itong wag ganunin si Jason (underestimate) pero ginanun pa rin daw nila... Sa last pagtetext daw nila ay hindi na sumagot sa huli si Angelica. Hanggang ngayon daw, may tampo pa rin sa puso ni Melai. 

Sana maayos din ito. Magkakaibigan naman sila. 

Tungkol naman sa baby nila, hindi raw nagpakita ng kanyang kasarian si baby sa huling ultrasound kaya di pa nila alam kung girl or boy ito. Ayaw pa raw nilang magbigay ng baby name kasi una  raw muna nilang dinadasal na healthy ito paglabas. Sabi naman ni Jason nung una ay lalaki raw gusto niya, pero tuwing nakakakita raw siya ng little girls parang gusto na rin niya na maging girl ang baby nila kasi cute. 

When asked to describe each other in one word, Melai said Jason is RESPONSIBLE. Jason naman described Melai (and their baby) as a BLESSING. ツ 

December 9 na po gaganapin ang kasal ng dalawa, sa General Santos City. Sa halip na sa Kris TV, sa Buzz ng Bayan na po mapapanood ang exclusive coverage ng Melason : The Wedding. 



iP5s

Read more...

Buzz ng Bayan, November 24 2013

Friday, November 22, 2013

Read more...

Kris Aquino at The X-Factor Philippines, pasok sa Asian TV Awards 2013!

Thursday, November 14, 2013


Nominated ang Kris TV host na si Kris Aquino sa Asian TV Awards 2013, para sa kategoryng Best Entertainment Presenter or Host. Ito ay isang nominasyong kumikilala sa husay ni Kris sa hosting. Makakalaban niya sa nasabing category sina Bryan Wong ("Jobs Around the World") at Oli Pettigrew ("Kids Vs Film) ng Singapore, at sina Krit Sripoomseth ("Fan Pan Tae") at si Phanya Nirunkul ("Ching Roi Ching Larn Sunshine Day") ng Thailand. 

Ang X-Factor Philippines naman, nominated para sa Best Reality Show category. Ang awarding ay gaganapin sa Singapore sa December 5.

Good luck Kapamilyas!

Read more...

Kim Chiu also donates to Philippine Red Cross and Sagip Kapamilya for Yolanda victims!

Wednesday, November 13, 2013

Picture not mine. Grabbed from Kim's IG, CTO.
Nakakatuwa talagang malaman na ang mga sinusuportahan nating stars ay walang pagdadalawang isip na nagbibigay ng kanilang pagdamay sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo sa Visayas. Just today, Angel Locsin posted on her Twitter account na nagpadala na si Kim Chiu ng 100 sacks of rice sa Philippine Red Cross! Pero maliban dyan, may 100 sakong pang ipinadala ang ABS-CBN Primetime Princess sa Sagip Kapamilya. May pasunod din siyang 15, 000 1-Liter bottles of water na ibibigay din sa dalawang organizations na nabanggit, lahat para sa mga biktima ni Yolanda. Mabuhay ka Kimmy! Ang mga katulad niyong walang inihibisyong maggive back at mag-share, sanay mas pagpalain pa ng Diyos. 
100 sacks of rice donated by Kim Chiu sa PRC. Photo from Angel Locsin's IG

Read more...

Donasyon para sa Super Typhoon Yolanda victims, dagsa sa Sagip Kapamilya! Kris TV raises P30M worth of donations in less than 2 hours!

Kaninang umaga, in less than 2 hours ay nakalikom ang Kris TV sa pangunguna ni Kris Aquino ng mga donasyon, na umaabot ang halaga sa P30M. Patunay lang kung gaano kahandang tumulong ang Pilipino sa kapwa, sa oras ng pangangailangan. 


Nagbigay ang Samsung ng $500,000 o P21,840,450 (based on Oanda's currency exchange at the time this is posted). Nagbigay din si KC Concepcion ng personal niyang donasyong P5Million. Kasama rin syempre dito ang iba pang sponsors ni Kris at mga nagmagandang loob na indibidwal at companies.

Bukod sa efforts ng Sagip Kapamilya, nakakatuwang isipin na pati ang UN World Food Programme kung saan si KC ang ambassador sa Pilipinas ay nagsisimula na rin ang operasyon. May mga Hollywood stars na ring sumuporta sa kanilang Food Relief Programme kabilang na sina George Clooney, Elijah Wood, Alicia Keys, Mandy Moore and KC's fellow UNWFP ambassadors na sina Christine Aguilera at Drew Barrymore. Sana ang ibang local stars natin ay makapagdonate na rin dito kahit papaano. They can visit WFP DONATE and all their donations big or small will go directly to Yolanda. UNWFP is now flying their planes to air drop specially formulated food for emergency food relief and also communication equipment.

Thank you KC. And maraming, maraming salamat Kris Aquino for being a big instrument para maengganyong mag-share ang maraming kompanya at nakakaangat nating kababayan.
May mga nababasa akong bashers pa rin sa panahong ito, pwede po bang kesa mangbash eh tumulong na lang? Yung pagpapakita sa TV o pagpopost sa social media ng celebrities about their pagtulong, sa tingin ko po, ay effective na paraan para ma-encourage ang lahat ng mag-ambag din ng kanilang tulong sa paraang kaya nila. 

Read more...

National Prayer para sa lahat ng naapektuhan ni Super Typhoon Yolanda / Haiyan

Tuesday, November 12, 2013

HINDI NA PO NAMIN KAYA! TAMA NA PO!
Archbishop Socrates B. Villegas


Lord we are in great need. Like infants we cry to you, do not abandon us in our distress. We kneel in disbelief! How could you, dear Lord, have allowed this to happen to us who call on your holy name? Have you abandoned us Lord? Are you punishing us for our sins against you?

We have been crying for days and our eyes have run dry, but our grief is still very deep, our wounds keep bleeding and our hearts are confused and anxious. Our tears are not enough to wash away our sadness.

Tama na po! Hindi na po namin kaya!

Lord we believe in you and we trust in you in the midst of all these.

Today, we renew our faith and hope in you Lord. The super typhoon was strong but our faith in you in stronger. Houses have been blown away; lives have been swallowed by raging waters; winds have wrought us havoc leaving many orphans—but we will stand from the rubbles and change this nightmare into a new day of new hopes and new dreams and new visions. (Marami mang bahay ang nawasak, buhay na nilamon ng nagngangalit na tubig… marami mang naulila… muli kaming babangon mula sa pagkalugmok, at mula sa isang bangungot ay gigising sa isang bagong araw, dala ay bagong pag-asa, bagong pangarap at bagong pagtingin sa hinaharap.)

You can command the winds and the rains to cease. Please, Lord, spare us from more typhoons and storms and earthquakes! We feel bruised from all sides, battered from top to bottom and beaten up inside and out! Please consider our sufferings more than we can face. Tama na po!

But if it is your will that we endure all these calamities so that we may be cleansed and strengthened as a nation, we bow down to accept you holy and mysterious will. The only grace we seek is for you to assure us—that you love the Philippines; that you will never leave us orphans. Your love is more than enough for us to face all storms. With you dear Lord, we will look at the face of death and remain steadfast and unafraid because love is stronger even than death.
(Pero kung kalooban mo Panginoon, na malampasan namin ang lahat ng kalamidad na dumadating sa amin, para kami ay maging malinis at mas tumibay bilang isang bansa… buong pananalig naming itong tinatanggap. Ang tanging hinihiling namin Panginoon, nawa’y patuloy mong mahalin ang Pilipinas, at kailanma’y wag mo kaming pababayaan at uulilain. Ang pag-ibig mo Panginoon ay sapat na para makayanan naming harapin anumang bagyo. Kasama ka Panginoon, anumang pagsubok… kami ay magiging matatag… hindi matitinag… dahil alam naming ang pagmamahal mo, ay higit na mas makapangyarihan at malakas, kahit pa sa kamatayan.) 


Amen. Amen. May your will be done. Stay with us. Amen.

Read more...

ABS-CBN Christmas Station ID 2013 Recording Sessions

Thursday, November 7, 2013


Read more...

Buzz ng Bayan, November 10 2013

Tuesday, November 5, 2013

Read more...

KC Concepcion says she and Paulo Avelino enjoy their time together, but stresses she's still single!

I asked for KC Concepcion's reaction about Paulo Avelino's revelation last Sunday on Buzz ng Bayan, about him dating her. KC didn't reply to my text message, but instead posted this on Twitter :


There, ayan na ang sagot niya. Anyway, here's another cute photo of the two long before the pag-amin of Paulo. Someone tagged me sa photo na ito, na nasa Instagram posts din ni KC.


What can you say about them?

Read more...

Paulo Avelino reveals he's dating KC Concepcion!

Sunday, November 3, 2013

Sa isang Buzz ng Bayan Premium Exclusive interview ay for the first time naging open si Paulo Avelino about his break up with partner and mother of his kid, LJ Reyes.
Hindi man naging comfortable sa paglalantad tungkol sa detalye ng kanilang hiwalayan... ginulat naman ng Honesto star ang lahat nang bigla niyang amining nagde-date sila ngayon ni KC Concepcion.
Sa unang tingin bagay sila ha, ang yummy kaya ni Paulo.
Pero to set things straight, according to my very reliable source, hindi pa exclusively dating ang dalawa. Hehehe.
Kayo ano ang say niyo sa ugnayan nila?
Note: The photo is from KC's Instagram account. I just cropped it. Kasama nila sa orig picture her sisters and Sam Milby. When I saw this post I knew something's brewing na hahaha!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP