Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Sexy Actress, BUNTIS!

Thursday, January 31, 2013


Confirmed! Ang espekulasyon ng ilan na buntis ang isang sexy actress na kapansin-pansin ang pagtaba ngayon, confirmed! Nakakaloka ang balitang ito dahil si sexy actress at ang ama ng kanyang pinagbubuntis, parehong may hindi pa resolved na issues sa kani-kanilang ex! Hala, pag nagkabulgaran... Ano kaya ang magiging reaksyon ng exes nila?

Ayon sa akong very reliable source, ten weeks nang buntis si sexy actress. Very open naman sila ng kanyang boyfriend ngayon tungkol sa kanilang relasyon, pero nakapagtatakang ngayong buntis na siya... Saka sila maglilihim? Ang exes nila na nananahimik mula nang malantad ang kanilang relasyon, magsalita at umalma na kaya this time? Abangan natin ang paglabas ng identity ni sexy actress soon!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Daniel Padilla shoots music video of his Himig Handog P-Pop Love Songs entry, "Nasa Iyo Na Ang Lahat"!

Tuesday, January 29, 2013


Finally, after ma-delay ng konti because of his accident sa Princess and I Royal Championship, nakapag-shoot na yesterday ng music video para sa kanta niyang "Nasa Iyo Na Ang Lahat" si Daniel Padilla. Itong kantang ito na ininterpret ni DJ ay isa sa 12 super gandang love songs na kasama sa Himig Handog P-Pop Love Songs.

Very soon, ay ilalabas ko rin po ang mismong music video niya... at ng iba pang kanta / interpreters. Pero syempre, ang big night ay mangyayari po sa February 24 sa Mall of Asia Arena.

Boto na para sa pambato niyong kanta! Boto na for our baby boy Daniel! Balikan lang din ang nauna kong posts at makikita niyo at mapapakinggan dun ang lahat ng Himig Handog entries. Thank you my dearest Mark Coleta for taking these pictures for my blog.



CLICK NA para sa iba pang pictures!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : ASAP 18, Dinagyang in Iloilo!

Sunday, January 27, 2013

Thank you so much to my dear friend Leo Bernardo (@chineebop on Twitter) for these photos!







CLICK HERE for more!

Read more...

Apoy sa Dagat, sa February 4 na!

Read more...

Boto na for your favorite Himig Handog P-Pop Love Songs entry!

video

Heto naman po ang patikim ng 12 entries! Wala kayong itutulak kabigin dahil bawat isa, may ibang tama sa puso niyo! Promise!

AIZA SEGUERRA's "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa?"

video


TONI GONZAGA's "Kahit Na"

video


DANIEL PADILLA's "Nasa Iyo Na Ang Lahat"

video

BUGOY DRILON's "Pwede Bang Ako Na Lang Ulit"


video


JURIS's "Hanggang Wakas"

video

MARION AUNOR's "If You Ever Change Your Mind"

video

YENG CONSTANTINO's "Alaala"

video

ANGELINE QUINTO's "One Day"

video

JOVIT BALDIVINO's "Sana'y Magbalik"


video

KZ TANDINGAN's "Scared To Death"


video

WYNN ANDRADA's "Tamang Panahon"


video

ERIK SANTOS's "This Song Is For You"


video


Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Enrique Gil with Toni G... bukas sa The Buzz!

Saturday, January 26, 2013

Abangan po ang taped interview ni Toni Gonzaga sa tatlong stars ng Princess and I bukas, sa The Buzz! Sino nga ba ang "I" sa "Princess and i"? Abangan!



CLICK HERE for more photos!

Read more...

Sikat na aktor, feeling "God's gift to women" daw!

Friday, January 25, 2013

Nakakaloka naman itong nasagap kong balita tungkol sa isang sikat na aktor! Oo nga controversial lagi ang lovelife niya, pero never ko naman naisip na may 'other side' rin pala siya na medyo ka-turn off. Feeling daw ng aktor na ito, swerte ang mga babaeng nagiging girlfriend niya. Kasi ba naman, while talking to his ex-girlfriend... sinabihan ba naman niya si sikat na ex-girlfriend na "buti ka nga naka-4 months eh, si ______(isa pang sikat na ex-gf) naka-3 months lang." BOOM! Taray mo kuya! Ikaw na! Eh si present girlfriend kaya, mas swerte sa dalawang ex mo kapag umabot kayo ng 5 months naman? Hehehe!

Read more...

Happy 18th Anniversary ASAP!

Wednesday, January 23, 2013


video

Read more...

60+ MORE EXCLUSIVE PHOTOS from the Princess and I Royal Championship!

Monday, January 21, 2013

Overload na ito! Pero masisisi ba natin ang mga sarili natin kung super love natin sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Khalil Ramos at ang buong Princess and I family? Kaya para mas busugin ang mga mata natin, heto ang mas marami pang photos mula sa championship game kagabi! 

Maraming salamat Rochelle Veron (@rochirusan on Twitter) for these photos, and Kamille Abrenica ulit for your additional pics.

Uy, vote for darlasauler.com HERE ha, thanks! 









CLICK NA for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Team Gino wins Princess and I Royal Championship!

Pinatunayan kahapon ng Princess and I kung gaano sila kalakas sa buong bayan, nang mapuno nila ng bonggang-bongga ang Mall of Asia Arena para sa game 3 - Royal Championship ng labanan sa basketbal ng Team Gino ni Daniel Padilla at Team Jao ni Enrique Gil.

Champion ang team ni Daniel, sa pagtatapos ng laban sa scores na 100-94. Nataranta naman ang marami sa mga nagmamahal kay Daniel nang ma-injure ito during the game. Mabuti na lang at naka-recover din ang ultimate crush ng bayan. Pagkatapos ng game ay kaagad naman siyang dinala nina Direk Lauren Dyogi, ABS-CBN Entertainment Head for TV Production.

Syempre nasa laban din ang buong Princess and I family para suportahan ang kanilang mga kapamilya. Ngayon ang tanong, kung team ni Gino ang nanalo sa basketball, siya na rin kaya ang magwawagi sa puso ni Mikay? Abangan po natin sa nalalapit na pagtatapos ng Princess and I sa ABS-CBN Primetime Bida.

Samantala, heto po ang ilang photos mula sa laban kanina. Maraming, maraming salamat kay Kamille Abrenica (@superkamae on Twitter) for taking these pictures for my blog. And again, congrats DJ! At sa lahat ng maka-DJ, Enrique, Kathryn, KathQuen at KathNiel, please vote for my blog CLICK HERE - February 13 po ang huling araw ng botohan. Thanks so much!







CLICK HERE for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTO! Daniel Padilla, nasiko sa Royal Championship!

Sunday, January 20, 2013



Waaaaah! My baby boy dumugo ang nose ba? Huhuhu! Kathryn take care of him please! Pero on a lighter note, congrats sa napakahusay na laro Baby DJ!

More pics later (or tomorrow), abang lang dito! Thanks so much Kamille Abrenica for the photo!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Toni Gonzaga and Daniel Padilla, during the recording of their songs for the Himig Handog Love Songs!

Friday, January 18, 2013

Last Wednesday ay narinig na nating lahat ang 12 songs na kasali sa Himig Handog Love Songs, under Records! Para sa mga hindi pa alam ang lahat ng entries, narito po ang list :

1. Alaala, interpreted by : Yeng Constantino
2. Anong Nangyari Sa Ating Dalawa, interpreted by : Aiza Seguerra
3. Hanggang Wakas, interpreted by : Juris
4. If You Ever Changed Your Mind, interpreted by : Marion Aunor
5. Kahit Na, interpreted by : Toni Gonzaga
6. Nasa Iyo Na Ang Lahat, interpreted by : Daniel Padilla
7. One Day, interpreted by : Angeline Quinto
8. Pwede Bang Ako Na Lang Ulit, interpreted by : Bugoy Drilon
9. Sana'y Magbalik, interpreted by : Jovit Baldivino
10. Scared To Death, interpreted by : KZ Tandingan
11. Tamang Panahon, interpreted by : Wynn Andrada
12. This Song Is For You, interpreted by : Erik Santos


Tonight po ay lalabas na ang "Lyrics Video" ng mga entries, abangan na lang sa YouTube or sa website ng Star Records. Samantalang, ang mismong Himig Handog Love Songs album will be released naman on January 22 (Tuesday). Official Music Videos naman, na produced by different universities (YES! Kabugan ang universities!) ay lalabas na on January 26 (Saturday). 

Syempre pa, ang judgment day will be on February 24. Gaganapin ito sa SM Mall of Asia Arena, kung saan live na magpe-perform lahat ng interpreters. Syempre, sugod na tayong lahat para manood at sumuporta sa gusto nating interpretation at entry. 

Samantala, here are some behind-the-scenes photos mula sa recording nina Toni Gonzaga at Daniel Padilla ng songs na in-interpret nila. Thank you so much Rox Balaoro Santos for sharing the photos! 

Kayo, ano ang Top 5 songs niyo? At sino para sa inyo ang winner?



CLICK HERE for the other photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Sarah Geronimo and KC Concepcion in Brazil! #LatePost

Tuesday, January 15, 2013

Bago magtapos ang 2012, for the first time ay nakapag-travel abroad si Sarah Geronimo without her parents. Tila sign na ng fearless, braver and bolder Sarah G na makikita natin this 2013.

"Yung trip po namin sa Brazil, sobrang big step yun. Syempre may mga takot, may takot sa mga magulang ko, ako rin may takot din ako sa sarili ko. Pero talagang alam kong kailangan ko yun. Alam kong kailangan kong maramdaman ako lang. Yung walang yung mga magulang ko sa tabi ko," she said.

Kasama ni Sarah sa trip na ito to Brazil para manood din ng concert ni Madonna si KC Concepcion, na sinasabing bagong kaibigan ngayon ng Popstar Princess. Hindi naman nakakagulat na mangyari ito dahil pareho silang under Viva, at si Sarah ay super close friend / baby ng Megastar Sharon Cuneta, KC's mom. Kasama rin nina Sarah at KC ang ilang kaibigan from the industry tulad ni G-Force creative director na si Georcelle Dapat. Pero Sarah revealed na muntikan na palang hindi matuloy ang byahe nilang ito!

"Muntikan na po akong hindi matuloy kasi hindi ako pinayagan na ako lang. Mahabang diskusyunan, nakita rin nila na kailngan din naman at saka wala naman kaming gagawing masama, maaayos na tao naman sina KC. Walang dapat ika-worry," Sarah said.

Ibig bang sabihin, baby step na ang pag-travel niya without her family, na posible na siyang bumukod soon?

"Ay yun ang parang hindi ko muna po kaya yun, parang hindi ko pa ma-imagine pero eventually naman po makakarating din tayo diyan eh," pag-amin ni Sarah.

Thank you so much Teacher Georcelle Dapat, Gerrome Esguerra, Sarah G Live and Garlic Garcia for the photos! Syempre, thanks to my bebes Sarah Geronimo and KC Concepcion for allowing me to post these pictures here!

Please vote for darlasauler.com here - VOTE!




CLICK HERE for more photos!

Read more...

Derek Ramsay at Cristine Reyes, nagde-date na?

Sunday, January 13, 2013


Hindi pa man umaamin about their break-up sina Cristine Reyes at Rayver Cruz, bulung-bulungan na ang isyung dine-date na raw ngayon ni Derek Ramsay si Cristine. Matatandaang bago pa lumipat ng istasyon si Derek ay nagka-trabaho sila ng aktres sa pelikulang "No Other Woman." 

Sa interview nila ni Rayver ay itinanong ng The Buzz ang isyung ito kay Cristine at ito ang naging sagot niya :

"Siguro kasi nakikita po nila kami sa labas. Eh para sa amin naman wala namang masama dun kasi eversince kahit nung sila pa ni Angelica (Panganiban), kami, nagpupunta kami sa house nila, nagha-hangout kami dun. So wala naman siguro, siguro kaya rin nila kami nili-link ngayon... Hindi siya nanliligaw sa akin."

Para mas mabuo ang kwento, tinext ko si Derek Ramsay kagabi para tanungin din tungkol sa isyu,  sumagot siya sa akin kaninang madaling araw and here's what he said :
"Morning Darla. Sorry for the late reply. AA and I are friends, we aren't together like what everyone is saying."
Thanks D, for always trusting darlasauler.com.  

Read more...

"Matagal na kaming naghiwalay ni AA, last year pa," Rayver Cruz admitting break-up with Cristine Reyes!


Last year pa lang ay lagi nang usap-usapan ang hiwalayan daw nina Rayver Cruz at Cristine Reyes. Pero kanina lang sa The Buzz, nanggaling na mismo sa kanilang dalawa ang kumpirmasyon ng balita. Isang pag-aming kakaiba sa mga napanood at narinig nating showbiz hiwalayan dahil ang lakas maka-disente nung sabay silang humarap at okay pa rin sila after the break-up.

Grabbed from Rayver and Cristine's interview on The Buzz
"Oo, ang ahm... ang maganda dito kasi okay kami... matagal na kaming naghiwalay ni AA, last year pa. And we did our best dito sa relationship namin, and ah ganun siguro talaga di ba, hindi naman halos lahat ng relationships nagwo-work eh di ba?" diretsang sagot ni Rayver.

Bakit ngayon lang sila umamin kung matagal na pala silang hiwalay?
"Dinecide namin na nung naghiwalay kami, i-discreet na lang, wag na lang maingay, wag na lang siguro sabihin sa public kasi nagstart kami, nagstart kami, nag-start ang relationship namin sobrang daming na-apektuhan so feeling namin ganun ang tama... pero sa huli kasi ang dami nang nakakahalata. And, as being unfairly judged na naman sa mga nangyari, so nagdecide ako na dapat nang sabihin na natin. Pero mutual naman yung decision namin eh," sabi ni Rayver.

"Siguro bata pa kasi talaga kami... pareho eh, and parang gusto rin muna naming mag-focus sa work. Gusto naming mag-focus sa career namin," dagdag ni Cristine.

Ngayong hiwalay sila, nakakasiguro ba silang okay pa rin ang samahan nila?
"Para sa akin kasi syempre parte na yan ng buhay ko hanggang sa pagtanda," Rayver said.

"Syempre nandito pa rin ako para sa kanya and same, katulad din ng sa kanya, parte na rin siya ng buhay ko and, hindi ko babalewalain yung pinagsamahan namin. Anytime, alam naman po niya yun eh, nandito lang ako," sabi naman ni Cristine.

Read more...

"Dahil lang sa may nagustuhan akong isang babae everything is being blown out of proportion," Gerald Anderson on rumored relationship with Maja Salvador!

After posting about the Maja Salvador and Gerald Anderson, and the Maja-Kim Chiu issues here last Monday, sunod-sunod nang naglabasan ang photos nina Gerald and Maja kuha sa Misibis Bay. Hindi na rin maawat ang usap-usapan tungkol dito sa iba't ibang social networking sites, maigng sa taboids at kwentuhan ng bayan. Pero sa lahat ng ito, ang boses na lang ni Gerald ang gustong marinig ng lahat... And finally, exclusive on The Buzz ay nagsalita na ang aktor!


His version about the Misibis Bay sighting niya with Maja?
"Ayun may isang beses na parang nag-usap kami ni Maja, na parang isang trip to Davao, we were doing a promo for 24/7, tinatanong ko siya kung ano yung magagandang vacation spots na pwedeng puntahan. Tapos yun sinabi niya yung Misibis Bay. So ako naman wow mukhang exciting yan, then binanggit niya na pupunta siya kasama yung mga pinsan niya. She’s going dahil yun nga bridal shower. So sabi ko kelan, i'll get a group of my friends para marami tayo, we can all go. So ayun nga naayos na so after ng vacation ko kasama ng pamilya ko we all went there."

Nililigawan niya ba talaga si Maja?
"Ah… ah yun nga… siguro… can I… explain ko na lang. So yun nga nagkasama po kami sa Misibis bay and we went there as friends po talaga. And totoo po yan. Kahit bago pa nun di kami masyado magkatext and that was the first time na nagkasama kami na ganun na yun with group of friends. And during po sa ibang activities po namin, yung swimming, yung mga ginagawa ng mga tao sa beach parang nakita ko sa kanya na parang masaya siyang kasama. Yung charming, mabait yun nga nag-eenjoy akong kasama siya. So when we came back being single, na matagal na rin akong single, siya din single siya at that time. So anong masama kung yayain ko sya na lumabas or anong masama kung pwede kaming magkaroon ng pagkakataon para mas makilala ang isat isa. Yun nga lang inunahan ng maraming tao na meron na agad mga naninira, accusations. Ewan ko it got blown out of proportion agad. Na ni hindi pa kami nagde-date o na hindi pa kami lumabas na kami lang dalawa. But are you asking me na… yeah I love to kung bibigyan nya ko ng chance."

Ipinaalam nga ba ni Maja kay Kim ang hangaring panliligaw ni Gerald?
"Yeah I think that nangyari yun out of respect. Siguro kasi yung friendship is everything... and to them… and sa personal life ko hindi po ako mabubuhay kung wala yung mga kaibigan ko, hindi nga kaibigan ang tawag ko sa kanila they are part of my family. Kaya alam ko rin na sensitive din po ang sitwasyon na ito."

Anong masasabi niya sa tila nasirang friendship nina Maja at Kim?
"Tulad po ng sinabi ko kanina friendship is everything napakaimportante nyan. Yun nga alam kong sensitive ang sitwasyon I believe na magiging maayos din to. Magiging maayos siya depende sa maturity ng bawat isa na kasama sa sitwasyon na to."


Mas naging sensitive ba ang issueng ito because Kim was his ex-girlfriend?
"Oh no, yung sa kin kasi... kumbaga magti-3 years na po kaming hiwalay ni Kim. Almost three years na. Since yung three years na yun I’ve never been happier para sa kanya sa lahat po ng blessings niya. Sa lahat ng success and happiness na meron siya ngayon and at the end of the day alam kong ganun din naman siya. Emotions can take the best of us pero…"

Reaction niya when Kim allegedly said na 'kilala ni Maja si Gerald'?
"Lahat naman tayo may opinyon and that's our right di ba karapatan natin yun kung anong gusto nating sabihin kung anong gusto nating iparating sa mga tao karapatan natin yun. Hindi naman ako nagpainterview ngayon para iexplain yung pagkatao ko sa mga tao, sa inyo. I know who I am kumbaga everyday of my life kumbaga I just try to be the best person I can. Ayun it’s her opinion and wala po tayong magagawa dyan."

Kim and Maja unfollowing each other on Instagram, his take?
"Like I said kanina po magiging maayos din to one day, magiging maayos din to pero it depends sa maturity namin we have to face this like adults. Hindi na po kami mga bata... we make decisions everyday and we have to face the consequences like adults."

Message to his fans, their fans?
"I love them all, sa mga bad and good comments I love them all. Kumbaga isa ho akong very understanding person and I understand yung passion nila dahil yun din ang passion ko for work. But you know there’s always na lagi pong may… hindi naman wall, may distance na… there's something for me and there's something for them. Mayroong para sa akin and mayroong para sa inyo."

What does he want to tell himself?
"Just be happy. Be happy sa lahat ng aspeto sa buhay kumbaga ako as a person gusto ko lahat ng tao sa paligid ko masaya. And I’ll do everything para mangyari yun and ginagawa ko rin yun sa mga taong di ko kilala. And that feeling is the best feeling in the world."

Nagkaroon ba sila ng proper closure ni Kim?
"Opo. Importante din po sakin yun. Opo."

Message for Maja?
"Alam niyo po mas malakas sa 'kin yun eh. Kumbaga mas malakas sa 'kin yun. Siguro ano sa pamilya niya, sa mga tao sa paligid niya, sa pamilya ko I’m sorry. Dahil lang sa may nagustuhan akong isang babae everything is being blown out of proportion at maraming nadadamay. But ang mensahe ko lang ay stay strong, stay strong lilipas din to. And magiging mas mabuti tayong tao after this."

Will he stop pursuing Maja?
"No. You know... tulad po ng sinabi ko di po ko bata and I make decisions on my own kumbaga mali man yun o tama,panininidigan ko."

Read more...

"Basta masaya ako pag nandyan siya," Kim Chiu on status of her relationship with Xian Lim!

Tuesday, January 8, 2013

Photo grabbed from Kim Chiu's Instagram account.
Kim Chiu said in her The Buzz interview, that after spending 3 days in Hong Kong with her family... nag-Subic pa sila dito and sumunod si Xian Lim sa kanila to spend the post-Christmas break with her. 

"Sumunod siya. Sabi niya 'sama naman ako sa inyo,' ayun. Pumunta siya sa Subic kasama niya yung mga kapatid ko. Naki-post Christmas siya sa amin," were the exact words of Kim.

So, na-meet na ng buong family niya si Xian?
"Oo, nakilala na siya."

Kinilig siya sa gesture na ito ni Xian, spending time with her and her family?
"Ano, syempre nakakatuwa din na hindi na siya nahihiya sa pamilya ko."

Is this a proof that pursigido pa rin ang aktor sa panliligaw sa kanya?
"Ayoko naman sabihin, na sa akin galing, pero nararamdaman ko naman na nandyan pa rin siya. Hindi siya napapagod. And then ewan ko, basta masaya ako na okay sa pamilya ko, okay siya sa family ko. Tinatanggap niya kahit anong sabihin ko."

So what's the real score? Ang matamis niyang "OO" na lang ba ang hinihintay ni Xian?
"Ayoko naman sa akin manggaling, pero hindi ko alam. Basta masaya ako pag nandyan siya, saka di naman siya nagfe-fail na mapasaya hindi lang ako pati ang family ko."

Ayaw ni Kim na sa kanya manggaling... So let's all wait for Xian's interview and baka meron na siyang i-reveal about the real score between him and Kimmy. Love you Kimmy!

Read more...

UPDATE AGAD-AGAD : The Alleged Gerald Anderson & Maja Salvador Misibis Bay photo!

Monday, January 7, 2013

Thank you to my maaasahang followers on Twitter! Eto may nag-tweet agad ng diumano'y Misibis photo nina Maja Salvador and Gerald Anderson, kasama ang kanilang friends. I have been to Misibis Bay at naipalabas pa namin sa Kris TV ang pagpunta namin dun, nang tiningnan ko yung ibang photos na kadikit ng photos na ito sa Christmas / New Year album ng Facebook fanpage ni Maja, mukhang sa Misibis nga kuha ang mga iyon. 

Now, who has more information about this issue? Tweet or email me lang. 

Meanwhile, please vote forwww.darlasauler.com as Pinoy Blog Newsmaker of 2012 here --> http://polldaddy.com/poll/6798607/





Sent from my iPhone

Read more...

Gerald Anderson and Maja Salvador, dating? Maja and Kim Chiu, not following each other on Instagram na?

First night ko now here in Korea, but I feel that I have to post this...

Bago pa mag-2013, ang dami nang nagtatanong sa akin if true na dating now sina Maja Salvador at Gerald Anderson, dahil spotted diumano sila sa Misibis Bay last December. Honestly, hindi ko alam ang totoo. 

I asked Maja on Twitter via Direct Message if the rumor is true, na she's going out now with Gerald. I requested for a statement and she replied, "haha". I tried to make her elaborate her "haha" but she said it is not true. 

Until last night, someone tagged me in a Twitter post thanking Maja and Gerald at isa pang kasama diumano nila, sa pagpunta nila sa Anix's House of Kare-Kare (I don't know where this is located). Syempre immediately I sent Maja a text message, and she said na I should try this Anix's Kare-Kare kasi masarap daw food dun. I asked the the person who posted the Tweet to send me a photo but I didn't get any.


And then today, sunod-sunod ang tanong na nakukuha ko sa Twitter. Bakit daw in-unfollow diumano ni Kim Chiu - na ex-girlfriend ni Gerald, si Maja sa Instagram, na alam ng lahat na best friend niya at kasama pa sa seryeng Ina, Kapatid, Anak. I checked the IG account of Kim and wala na nga sa mga fina-follow niya si Maja. I checked Maja's di ko sure kung hindi niya na rin ba fina-follow si Kim.

UPDATE : Been receiving tweets, allegedly Maja unfollowed Kim first (last Saturday), and Kim unfollowed her naman after (Monday).

Mas lalo tuloy akong na-intiga sa isyung ito. Kayo po ano ang nalalaman niyo? May photos ba kayong magpapatunay sa alleged Maja-Gerald thing? Ako naman po, as soon as makausap ko sila at magbigay sila ng mas malinaw na statements, I will update you agad. Meanwhile, please vote for darlasauler.com here - http://polldaddy.com/poll/6798607/ 



Sent from my iPhone

Read more...

"Yung hindi mapapagod na ipaglaban ako, hindi isasama yung trabaho ko sa personal na buhay ko, kasi package ako... kasama ko yung pamilya ko," Sarah Geronimo on the next man that she'll love.

Sunday, January 6, 2013

First week pa lang ng 2013, pero ginulat na agad ni Sarah Geronimo ang lahat sa kanyang pagiging palaban at open tungkol sa kanyang nararamdaman, nang humarap siya sa ilang myembro ng media sa ginanap na thanksgiving party niya for the press and some supporters. 


This year, she said that she wants to be more involved when it comes to handling her career.
"Gusto ko po mas maging involved sa pagtakbo ng career ko. Mas gusto kong nakakausap ko yung manager ko na si Boss Vic (Del Rosario of Viva), para alam ko yung tinatakno ng career, para hindi yung trabaho lang nang trabaho. Pero syempre meron pa rin pong guidance ng mga magulang, kasi sobrang importante talaga ng guidance. As long as nakikita kong may tama rin naman po ako, importante ng ipaglaban ko rin po ng maayos."

Today, January 6 ay may shooting si Sarah para sa third movie niya with John Lloyd Cruz, ang "It Takes A Man And A Woman." Bahagi ba ng pagbabagong makikita sa kanya this year, ay ang pagiging palaban niya na pati sa pagsabak sa first onscreen kiss niya with John Lloyd?
"Yun po, hindi ko po masasagot. Basta ano po, abangan na lang po. Basta po kailangan pag-usapan. Ready na ba yung mga supporters ko? Ready na ba ako? Half of my heart ready na, pero parang half of my heart hindi pa. Pero naniniwala naman ako sa galing ng direktor namin."

Aside from being more involved with the handling of her career, ano pa ba ang goals inya this 2013?
"At 25 hindi pa rin po ako college graduate, parang nahuli talaga ako pero sobrang pinasasalamatan ko po kasi may trabaho po ako. Passion ko po talaga yung trabaho. Peri unti-unti po matatapos ko rin yung pag-aaral ko. Maswerte ako dahil nakapasok na nga sa Open University (University of the Philippines Open University)."

Is she willing to talk about her failed romance with Gerald Anderson now?
"As much as possible hindi ko na lang gugustuhin pang pag-usapan. Baka two years from now pwede na nating pag-usapan (laughs). Hindi pa po ako komportableng pag-usapan pa."

Knowing how generous Gerald is to the previous special women in his live, did the actor give her a gift last Christmas?
"Wala! Wag na po nating pag-usapan yun. Wag na, tama na. Tama na naman."

Diretsahang tanong, is she lonely?
"Hindi naman po. Hindi naman po. Masaya po kasi maganda yung career, kumpleto ang pamilya ko. Pero syempre hindi ko naman made-denty na lahat naman po tayo meron tayong something na kinalulungkutan o hinahanap. Kailangan maging kuntento tayo para maging happy talaga tayo, tunay tayong masaya."

Ano ang estado ng puso o ng buhay niya ngayon?
"Nasaang stage ako ngayon? Okay naman, thankful ako sa Diyos lahat ng nangyayari it happens for a reason. Saka since day 1, pinagdasal ko naman ito na kung ito talaga ay para sa akin, Lord, go! Pero kung hindi... Kung hindi talaga, kita ko na hindi talaga."

Did she find it hard to let go?
"Opo. Saka lalo na kung may paniniwala ka sa isang bagay o sa isang tao, pero once may makita ka na makakasira nun, ayaw mo nang magbulag-bulagan pa."

Regrets?
"Magsisinungaling po ako kung sasabihin kong walang regrets. Katulad ng sinabi ko po, sana mas ginuard ko yung puso ko."

What will she look for now in a man, kung sakaling may manliligaw na agad ulit sa kanya?
"Tulad ng dati, yung hindi mapapagod na ipagbalan ako, hindi isasama yung trabaho ko sa personal na buhay ko. Kasi package ako, package ako. Kasama ko yung pamilya ko. Kailangan yung lalaki, yung manligaw sa akin alam niya yun, alam niya na meron akong tatay at nanay na nagpo-protekta sa akin."

Her stand on her family being blamed for her failed romance? Sa usaping ito, hindi naiwasan ni Sarah ang maging emosyonal.
"Nanginginig ako! Tama na po, huwag niyo nang isisi sa mga magulang ko yung nangyari. Dahil hindi niyo po alam yung mga totoong nangyari kasi ang sakit sakit po para sa mga magulang ko, lalo na sa nanay ko, na masyado nang bina-bash. Kasi kung ano lang yung nafo-form sa utak nila na kwento, yun na yung pinaniniwalaan nila agad. Pero hindi nila alam kung ano yung mga pinagdaanan namin. Pinagdaanan ko. Bahala na ang Diyos kung sino man yung mga taong involved dito, alam niya alam ko... yung mga totoong nangyari."

For the last time, closed book na ba talaga ang love story nila ni Gerald?
"Oo, oo. May mga bagay na ayaw natin pong ipilit."

Is she ready to fall in love again this year?
"Parang hindi naman tamang panahon pang mag-entertain pa ng bagong manliligaw. Sa lahat naman ng pinagdaanan ko, sana naman matuto na talaga ako. Ayoko na nung history repeats itself."

Her prayers? Her hopes para sa susunod na chapter ng lovelife niya?
"Lahat naman po tayong mga babae gusto na kung sino yung mamahalin natin, yun na talaga, pang-forever na. Basta kung will naman ng Diyos na ibihay sa akin yun, kung yung next boyfriend ko yung makakatuluyan ko, swerte ako. Pero kung hindi man, go pa rin!"


Meanwhile, sana po magawa niyong iboto ang darlasauler.com bilang Pinoy Blog Newsmaker of 2012. Pagkaboto po ninyo, magcomment lang po at ilagay ang inyong pangalan. Example : "Darla Sauler, I voted for darlasauler.com as Pinoy Blog Newsmaker of 2012!" Importante lang po yung name niyo, at kayo na bahala sa comment. Kapag nanalo po ang darlasauler.com, at isa kayo sa bumoto at nag-comment may chance kayong manalo ng $100 through an electronic raffle. Kaya go, vote na for darlasauler.com! 
I-click lang ito --> VOTE!

Read more...

EXCLUSIVE BTS PHOTOS : Daniel Padilla records for his second album!

Saturday, January 5, 2013

Para good vibes tayong lahat, lalo na ako, I am posting again photos of Daniel Padilla. Taken by Rox Balaoro Santos during the recording of DJ's second album, na paniguradong platinum na naman! These photos are for you KathNiels and Daniel-lovers! I really thank you, and love all of you because you truly know how to appreciate. Nakakatuwa dahil sincerely happy kayo tuwing may posts ako about them, kahit pa nakita niyo na sa ibang social networking sites some of the pictures. Happy 2013, and cheers to a more successful year for our idols!

Meanwhile, sana po magawa niyong iboto ang darlasauler.com bilang Pinoy Blog Newsmaker of 2012. Pagkaboto po ninyo, magcomment lang po at ilagay ang inyong pangalan. Example : "Darla Sauler, I voted for darlasauler.com as Pinoy Blog Newsmaker of 2012!" Importante lang po yung name niyo, at kayo na bahala sa comment. Kapag nanalo po ang darlasauler.com, at isa kayo sa bumoto at nag-comment may chance kayong manalo ng $100 through an electronic raffle. Kaya go, vote na for darlasauler.com! 
I-click lang ito --> VOTE!

Thank you so much Rox Santos for these pics!



CLICK HERE for other photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTO : Xian Lim, sumunod sa bakasyon nina Kim Chiu sa Subic!

Sa katatapos lang na holiday break, sama-samang nagpunta sa Hong Kong sina Kim Chiu at ang kanyang pamilya. Doon sila nagpasko. Pero pag-uwi nila dito, may extension pa ang bakasyon ng Primetime Princess dahil nagtuloy pa sila sa Subic. Hindi man nila nakasama si Xian Lim Hong Kong, sumunod naman ito sa kanila sa Subic! Here's a photo of them na magkakasama.


Abangan din po dito ang EXCLUSIVE Hong Kong pictures ni Kimmy with her sisters sa mga susunod na araw. Thanks to Lakam Chiu! Meanwhile, sana po magawa niyong iboto ang darlasauler.com bilang Pinoy Blog Newsmaker of 2012. Pagkaboto po ninyo, magcomment lang po at ilagay ang inyong pangalan. Example : "Darla Sauler, I voted for darlasauler.com as Pinoy Blog Newsmaker of 2012!" Importante lang po yung name niyo, at kayo na bahala sa comment. Kapag nanalo po ang darlasauler.com, at isa kayo sa bumoto at nag-comment may chance kayong manalo ng $100 through an electronic raffle. Kaya go, vote na for darlasauler.com! I-click lang ito --> VOTE!

Read more...

"Nanghihinayang ako na syempre hindi naging to its fullest potential," Gerald Anderson sa naudlot na panliligaw kay Sarah Geronimo!

Wednesday, January 2, 2013

Kasama sa malalaking pinag-usapang love stories last year ay ang kina Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Sa pagpasok ng bagong taon, naging mas bukas na si Gerald sa pagsasalita about his feelings tungkol sa pagkakalayo nila ni Sarah. 


"Nanghihinayang ako na syempre hindi naging to its fullest potential. Pero sobrang saya ko, and sobrang privileged ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon para makilala siya.At isa yun sa pinakamasayang moments syempre ng 2012 din. It was a great journey na proseso ng nakilala ko siya. I'm just really happy na naging close ko siya ng ganun," ang mahabang pahayag ni Gerald when asked kung may pagsisisi ba siyang nararamdaman sa ginawa niyang panliligaw sa Popstar Princess.

May kinalaman ba ang pagiging strict at protective ng parents ni Sarah sa natigil niyang panliligaw?
"Ganun talaga eh. Syempre anak nila yun eh. It's only normal maging ganun din yung reaction. Siguro naman totoo talaga yung sinasabi nila na there's always a right time for everything.Ayaw mo din pilitin yung sitwasyon pero yung kay Mommy Divine, sa Daddy ni Sarah, lahat normal yun."

Special pa rin ba si Sarah sa kanya?
"Oo naman. Oo naman. Kumbaga syempre naman sobra akong masaya sa mga pagkakataon na nakasama ko siya."

Does he miss her?
"Syempre. Iba naman na kumbaga dati magkasama kami sa set di ba? So nakakausap ko siya ng ganun."

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, magkasamang nagbakasyon!

First and pang-New Year post ko, KathNiels. Because I super fell in love with them last 2012. Thank you so much Mommy Min Bernardo and bebe Kathryn for the photos! Happy 2013 to all!


CLICK HERE FOR OTHER PHOTOS!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP