Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Thai Actress Baifern Pimchanok denies Mario Maurer is dating now!

Thursday, February 28, 2013

After kong i-post here yesterday ang ilang araw nang usap-usapan, tungkol sa alleged romantic relationship ngayon nina Kakai Bautista and Thai heartthrob Mario Maurer... Kanina ay nagtweet ang Thai model-actress na leading lady ni Mario sa hit film na "Crazy Little Thing Called Love" na si Baifern Pimchanok (Nam), and said that true na single si Mario. But false na he is seeing someone new now - like Kakai.

So nakakaloka. Ano na ba talaga ang true? Kakai denied it also. Pero some sources said na baka may something talaga. Oh well, let's wait na si Mario na magsalita. ツ

Read more...

UPDATED : Kakai Bautista, bagong girlfriend ni Thai heartthrob Mario Maurer?

Wednesday, February 27, 2013

Marami ang nawindang sa paglabas ng rumors na after ng break up nina Thai heartthrob Mario Maurer and his Thai GF, si Kakai Bautista na raw ang bagong girlfriend ni Mario. Matatandaang nagkasama at naging close ang dalawa, sa pelikulang ginawa ni Mario dito with Erich Gonzales, ang "Suddenly It's Magic." 

Ilang beses ko nang tinanong si Kakai kung may katotohanan ang balitang ito, at natatawa niya naman itong dineny. "We're good friends," ang sabi sa akin ni Kakai sa Twitter. Sinubukan na rin siyang interviewhin on cam tungkol dito, pero ayaw daw ni Kakai na pag-usapan ang isyung ito dahil nahihiya siya kay Mario.

Nagsimulang kumalat ang usaping ito dahil nabigyang malisya agad ng ilan ang mga pinost na pictures ni Kakai sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya si Mario. Kakai confirmed din naman sa akin, that she went to Thailand last week.

UPDATE : May nagsabi sa akin na DIUMANO, may sama ng loob ang ex-GF ni Mario kay Kakai. At DIUMANO, may chance raw na totoong may pagkakamabutihan now sa pagitan nina Kakai at Mario.

Photo from Kakai's Instagram account.

Read more...

MORE EXCLUSIVE PICS : Sarah Geronimo and Kim Chiu, backstage during the Himig Handog Finals Night!

Monday, February 25, 2013


CLICK HERE for the other pics!

Read more...

FIRST HERE, EXCLUSIVE! "Ang gaan sa pakiramdam... unexpected," Kim Chiu on pagkikita at pagyayakapan nila ni Sarah Geronimo sa Himig Handog Finals Night!

Mabilis na kumalat ang balita ng pagkikita nina Sarah Geronimo at Kim Chiu kagabi sa Finals Night ng Himig Handog P-Pop Love Songs. Isa si Kim sa hosts that night, and isa naman si Sarah sa mga judges. 

Nagkita raw ang dalawa backstage at according to my source, biglaan ang lahat. Nang magkita ay bigla na lang daw tinawag ni Sarah si Kim, at kasunod nga ay nagyakap na ang dalawa. Ang touching nung moment, lalo pa at naging teary-eyed sila pareho. 

Magkausap kami ni Kim and sobrang happy siya sa pangyayaring ito. "Ang gaan sa pakiramdam, uhm yun... unexpected," ang kwento sa akin ni Kimmy. Awww ang saya di ba pag love, love, love ang lahat! Abangan ang updates about this story, dito lang sa darlasauler.com!

Love you Kimmy, thanks so much!


Read more...

Himig Handog P-Pop Love Songs winners!

Sunday, February 24, 2013


SPECIAL AWARDS :
MOR Choice Award
1st - "Nasa Iyo Na Ang Lahat" by Daniel Padilla
2nd - "Pwede Bang Ako Na Lang Ulit" by Bugoy Drilon
3rd - "Scared To Death" by KZ Tandingan

Astig Tambayan Choice Award
1st - "Nasa Iyo Na Ang Lahat" by Daniel Padilla
2nd - "Hanggang Wakas" by Juris
3rd - "If You Ever Change Your Mind" By Marion Aunor

Star Records Buyer's Choice Award
1st - "Nasa Iyo Na Ang Lahat" by Daniel Padilla
2nd - "Scared To Death" by KZ Tandingan
3rd - "If You Ever Change Your Mind" by Marion Aunor

TFC Choice Award
1st - "This Song Is For You" by Erik Santos
2nd - "Nasa Iyo Na Ang Lahat" by Daniel Padilla
3rd - "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" by Aiza Seguerra

MYX Best Music Video Award
"Nasa Iyo Na Ang Lahat" by Daniel Padilla

GRAND WINNERS :
5th - "Kahit Na" by Toni Gonzaga
4th - "Scared To Death" by KZ Tandingan
3rd - "If You Ever Change Your Mind" by Marion Aunor
2nd - "Hanggang Wakas" by Juris

Best Song of the Year : "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" by Aiza Seguerra

Congrats po sa lahat! Congrats Roxy Liquigan of Star Records!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : KC Concepcion's Japan vacation 2013! #LatePost

Friday, February 22, 2013




CLICK HERE for more pics!

Read more...

EXCLUSIVE PICS! Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, Must Be Love!

Friday, February 15, 2013



I super love you Mommy Min Bernardo! Thank you!

O guys, patikim pa lang to ha... pero super kilig na right? Ang tanong... susuporta ba kayo sa launching movie nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo? At isa pang tanong, susuporta at manunuod ba kayo sa April 30 - Araneta concert ni baby boy Daniel? 

Leave your comments and let the world know gaano niyo ka-love ang KathNiel!

Read more...

PHOTOS : Ai Ai Delas Alas at Marian Rivera, kabugan sa Kung Fu Divas! Abangan!

Tuesday, February 12, 2013


CLICK HERE for more!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Sarah G Live Thanksgiving Party!

Monday, February 11, 2013

Kagabi ay nagpaalam na sa ere ang show ni Sarah Geronimo every Sunday night, ang Sarah G Live. Pero instead na malungkot ang lahat sa pagtatapos ng programa, very positive ang naging pananaw ng lahat. May mga nagsabi pa nga sa Twitter na kaya nagpaalam na ang Sarah G Live ay hindi na kasi basta Popstar Princess na lang si Sarah, kundi ganap nang Superstar. Buhos ang suporta ng mga tao kay Sarah, at bawat isa ay excited sa mga bagong projects na parating sa kanya. Una na nga rito ay pagiging judge niya sa bagong talent search ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines. At ang isa pa nga ay ang kahit ako excited na - ang kanyang sariling drama anthology! 

Kaya naman sa thanksgiving party ng programa kanina sa may Imo's Grille and Restaurant, ay labis ang pasasalamat ni Sarah sa lahat ng sumuporta at sumama sa kanyang journey sa Sarah G Live. Dumating sa party ang ABS-CBN bosses na sina Cory Vidanes and Direk Lauren Dyogi.

Thank you so much Gerrome Esguerra for the photos! And more power to you bebe Sarah! Here lang kami lagi to support you! 



CLICK HERE for more photos!

Read more...

"Hindi kailanman magiging balakid si Mariel sa aking trabaho," Robin Padilla on pagseselos ni Mariel sa mga eksena niya sa teleserye!

Naging usap-usapan ang muntikan nang paghihiwalay ni Robin Padilla at asawa niyang si Mariel nitong nakaraang week, dahil sa umano'y pagseselos ni Mariel sa mga eksena ni Robin sa teleserye nitong Kailangan Ko'y Ikaw. 

"Sa aking palagay dun nag-umpisa, na parang napakadami din ano kasi eh masyadong nabighani dun sa love scene na yun. Eh siguro parang nabundol siya, yun ang naganap," paliwanag ni Robin.

Pero dagdag ni Robin sa interview niya sa The Buzz, ipinapaalam naman daw niya kay Mariel ang mga eksenang ginagawa niya sa teleserye.

"Yung detalye kung paano nangyari parang ang hirap naman ikwento nun pero lahat ng ginagawa ko sa taping lalo na yung love scene nasasabi ko naman sa kanya yun. Open naman ang aming relasyon," sabi ng aktor.

Gayunpaman, naiintindihan niya raw ang naging pakiramdam ni Mariel.

"Madaling sabihin na maiintindihan mo pero pag nakita mo, iba yun naman eh. Kaya di ko siya masisi. Maraming punto na marahil eh may pagkukulang siya sa mga usapin na dapat ay naintindihan niya dahil nasa showbiz siya, pero dapat din nating tignan siya'y asawa ko pa rin na nagmamahal," depensa ni Robin.


Ayon sa reports, lumayas daw si Mariel sa kanilang bahay at iniwan ang kanilang wedding ring. Kaya umabot pa ito sa puntong pinuntahan siya ni Robin sa kanyang show sa TV-5, kung saan on air na isinuot ng idol ng masa sa kanyang asawa ang singsing. 

"Nangyari yung mga alam mo na, pangteleseryeng mga ganap madaling araw yun. Tapos ako naman maaga kong umaalis ng bahay papunta ng taping naiwan na siya, pero doon sa loob ng usapan na yun, solian na," kwento ni Robin.

"Siyempre hindi naman niya ginagawa yun kaya alam kong seryoso na. Saka ano na eh nagkasolian na eh ng mga ano eh… mabigat na. Pero di ko siya masisisi talaga. Ganun talaga kung ganun siya magmahal. Sana mapag-aralan din niya na matanggap ang mga bagay na ganun."

Pero hindi naman daw tumagal ang tampuhan nilang dalawa, salamat na rin daw dahil napauwi ni Kris Aquino - na siyang pinag-selosan diumano nito, si Mariel kay Robin.

"Oo ang lungkot ko na nun sabi ko wow. [long pause] Tinalo ko na ata yung mga ano sa dami ng naging asawa at nahiwalayan ako parang hindi na maganda. Hindi maganda sa lahat ng klaseng usapin. Kaya ano masayang masaya ko nung sinabi ni Kris na uuwi na."

"Matagal na suyuan yun kasi may pride din naman ako nung una. Sabi ko wala naman akong ginagawang kasalanan bakit naman ako hihingi ng paumanhin. Pero apektado na siya kasi eh. Pero okay na kami wala na kaming problema, okay na kami siguro pang ilang honeymoon na namin ito. Yun naman ang kasunod nun eh pagkatapos ng konting drama... Nangyayari naman yun sa lahat ng mag-asawa lalo na sa amin na ang aming pagsasama ay masasabing isang musmos pa. Ngayon pa lang niya siguro nananamnam na artista yung asawa niya."

Pero ang tanong ng marami, dahil ba rito ay wala nang love scenes o kissing scenes na gagawin si Robin sa kahit anong project niya?
"Bakit magiging bawal? Ganun kasama talaga yun at hindi kailanman magiging balakid si Mariel sa aking trabaho. Yun ang ginawa ko, ng isang asawang lalaking sinuyo ang asawang babae pero hindi ibig sabihin na ibabahag ko naman ang buntot ko para sa asawa ko hindi naman. Kailangan maintindihan din ng asawa ko ang aking punto. Ako artista dito sa KKI. Kung ano sabihin ng direktor, susunod ako. Kung maaapektuhan ang asawa ko, susuyuin ko siya hindi ako magsasawa."

Promo nga lang ba ito para sa teleserye niya?
"Leading lady ko ba si Mariel dito? Alam niyo sa edad kong ito, sa tagal ko sa pelikulang Pilipino at telebisyon, tatlumpung taon na ko dito. Kung tayo'y maglolokohan din lang wag na tayo mag-usap. Ako naman eh di pa naman ako kulang sa pansin. Di nga ko makachicks eh dahil sobrang maraming pansin."

Hindi kaya mabigyan naman ng malisya ang samahan nila ni Kris dahil sa insidenteng ito?
"Basta alam namin ni Kris kung ano ang hangganan namin, kung ano ang napanood ng ating mga kababayan dun ay ginagampanan lang namin ang aming mga papel. Sa edad naming ito hindi namin siguro, sabihin nating tatawirin namin yung ilog na mahirap languyin? Naku hindi. Masaya kami bilang magkaibigan yung ganito kami."

Sa mga nangyaring ito kina Mariel at Robin, mas lalo pang kapana-panabik ang mga susunod na tagpo sa Kailangan Ko'y Ikaw. Wala na kayang selosan na mangyari kapag moment naman nina Robin at Anne sa serye? Abangan natin, at patuloy na manood ng KKI sa bago nitong oras - after Apoy sa Dagat sa ABS-CBN Primetime Bida.

Read more...

Kathryn Bernardo at Ella Cruz, magkaaway nga ba dahil kay Daniel Padilla?

Sunday, February 10, 2013


Mula nang lumabas ang isyu tungkol sa posibleng pagsasama raw sa project ng Aryana star na si Ella Cruz at ni Daniel Padilla, agad ding pumutok ang usap-usapang ka-alitan na diumano ni Ella ngayon ang ka-loveteam naman ni Daniel na si Kathryn Bernardo. Pero sa isang interview, Ella denied na magkaaway sila ni Kathryn. 

"Wala po kaming issue ni Kathryn, friends po kami. Kasi may gumagawa rin ng issue na may something kami, pero wala po. Sana po kahit paano, ma-clear ‘yung issue na hindi kami magtatambal ni Daniel, kung sakali man, looking forward po ako diyan," sabi ni Ella.

Pero as of now po, ay wala pa naman akong naririnig na project na pagsasamahan nina Ella at Daniel. Sa pagkaka-alam ko naman KathNiel pa rin.

Read more...

The Kris TV GenSan SPECIAL, next week na!

Friday, February 8, 2013

video

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP