Kris TV First week of March

Friday, February 28, 2014

Read more...

Kris Aquino tries swimming and Zumba lessons, with Iza Calzado and Carla Abellana!

Wednesday, February 26, 2014

Read more...

Team Kramer and Carla Abellana on GGV!

Read more...

Starting Over Again soars high at the box-office!

Friday, February 14, 2014


STAR Cinema breaks new grounds once again as its Valentine offering, Olivia M. Lamasan’s Starting Over Again starring Piolo Pascual and Toni Gonzaga, soars high at the box-office.



Starting Over Again is a different kind of love story that is centered on estranged couple Marco (Pascual) and Ginny (Gonzaga) who meet for the very first after a painful break-up. Marco and Ginny are faced with the conflict of settling and resolving a major unfinished business without any guarantee and assurance of romantic reconciliation. The film, which is Lamasan’s 11th full-length feature film under Star Cinema, offers to give an alternative meaning to the phrase “starting over again.” 

This unforgettable romantic-drama is part of Star Cinema’s on-going 20th anniversary and it marks the very first big-screen collaboration between Piolo and Toni who first worked together on a popular TV commercial 13 years ago. The movie is profusely praised by film critics for its lyrical method of storytelling and for its witty and realistic dialogue as well as the superb characterization of all its characters. 

Starting Over Again made a whopping and record-breaking Php25M in the box-office on its first day, making it one of the most successful Valentine movies in the history of Philippine cinema. “In behalf of Star Cinema, Piolo and Toni, and all the men and women who worked behind the camera, I would like to extend our deepest gratitude for all the love and support. To God be the glory,” says director Olive Lamasan.

Starting Over Again also stars Iza Calzado, Joross Gamboa, Bryan Santos, Beauty Gonzales, Cai Cortez, and Edgar Allan Guzman. Starting Over Again is still showing in all cinemas nationwide.    
###

Read more...

Kris TV Bataan Roadtrip with Erich Gonzales and Pokwang

Read more...

Jodi Sta. Maria, World Health Organization's advocate! So proud of you Jods!!!

Wednesday, February 12, 2014


Walang tigil ang pagdating ng good news para sa mahal na mahal nating lahat na si Jodi Sta. Maria, after being chosen as Central Luzon's Choice for a TV Actress ng Paragala : The Central Luzon Media Awards, si Jodi rin ang napiling Philippine advocate ng World Health Organization. Well-deserved Jods!

Kaya naman, let's all support Jodi and WHO sa kanilang causes! Una na rito, itong pinost ni Jodi sa kanyang SNS accounts : 



Photos from Jodi's IG account.

Read more...

Kris Aquino, ipinagtanggol si James Yap sa isyung dala ng pagkatalo ng San Mig sa game 6!

Tuesday, February 11, 2014

Ikinagulat at ikinatuwa ng marami ang naging pagtatanggol ni Kris Aquino kay James Yap kanina sa Aquino And Abunda Tonight, laban sa isyung ipinatalo umano ng basketbolista ang game 6 ng San Mig laban sa Ginebra. 

Photo courtesy : Jasmin Pallera
Ayon kay Kris, sa haba ng panahong pinagsamahan nila ay nakilala na raw niya ang buong pagkatao ng dating asawa. Hindi raw nito gagawin na ibenta ang laro niya. Maging ang si Boy Abunda na sinabing wala siyang rason para maging fan ni James, ay hindi kinontra rin ang intrigang panglalaglag ng laro ng basketball superstar.

"Good luck James," dagdag pa ni Kris patungkol sa game 7 bukas. Kasunod nito ay binati na rin niya si James na nakatakdang mag-celebrate ng kanyang birthday sa Sabado, isang araw matapos naman ang birthday ng Queen of All media.

Ang saya na positive vibes lang di ba? 

Read more...

Karla Estrada defends son Daniel Padilla against unfriendly "fan/s"

Monday, February 10, 2014










I completely understand, and agree with Ate Karla. Kahit naman po gaano kasikat ang isang artista, tao pa rin po sila. Mas malaki nga ang kita nila, pero mas matindi rin naman po ang pagod at antok nila. AS IN. Kaya kung may chance namang mag-enjoy - at na-schedule ito ng maaga na wala namang nasasagasaang commitment, go! Ibigay na po natin sa kanila yun. Gusto niyo bang bigla na lang silang tumumba at mapa-quit sa showbiz dahil sa di nakayanang pagod o stress? Naku ako ayoko. I need them dahil napapasaya nila ako mapanood lang sila.

Agree?

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : The outdoorsy Daniel Padilla

The photos with the ATVs po ay sa isang event na pinuntahan ni Daniel Padilla. I heard may mga nagtampo po ata na mga supporters na nagpa-block screening kasabay ng event na ito. Maraming salamat po sa mga nagpa-screening, pero pasensya na po, matagal na pong na-sked itong event na ito na pupuntahan niya. Kaya sana po wag na po gawing issue. Thanks po ulit!




CLICK HERE for more photos! Thank you Mark Coleta for the pics!

Read more...

Angel Locsin for darlasauler.com

Friday, February 7, 2014

I love you Angel Locsin! So happy for you lalo na sa naganap sa Minute To Win It guesting mo! Woohoo!!!!

Read more...

Kris TV, mas pinahaba... mas pinasaya pa simula sa February 10!

Sa pagpasok ng bagong taon, ang ating kapamilyang Queen of all Media na si Kris Aquino, mas matindi pa ang mga pasabog na adventures at ekslusibong kwento na ibabahagi niya sa ating lahat.


At bilang bahagi na rin ng regalo niya sa mga manunuod ngayong birthday month niya, simula February 10 ay mas pahahabain pa niya ang pagpapasaya at pagpapaganda sa umaga ng bawat pamilyang Pilipino. Mapapanood na ang Kris TV mula 7:30 hanggang 9:00 ng umaga!
Mas bubuksan niya pa ang kanyang sariling tahanan, para mas maibahagi sa atin ang mga hindi malilimutang karanasan niya sa sama-sama nating bonding tuwing umaga.
Para sa unang big adventure ng mas pinahaba nating morning bonding, lilibutin ng Kris TV ang dalawa sa pitong emirates ng UAE, ang Abu Dhabi at Dubai! Pupuntahan ni Kris ang ilan sa mga must-visit food destinations hanggang sa mga must-try adventures.


Hindi pahuhuli si Kris na ma-experience ang 4x4 ride ng Dubai desert safari at water adventure ng Yellow Boat. Lilibutin din niya ang sikat na luxurious hotel, ang Burj Al Arab at ang bagong pasyalan na nagkahalagang 900 million pesos, ang Miracle Garden. Hindi rin mawawala ang food trip, kung saan matitikman ng Queen of All Media ang ilan sa best Middle Eastern dishes.


Para mas buo ang karanasan, makaka-bonding ni Kris ang mga Pilipino doon. Bibisitahin ni Kris ang Al Satwa, ang largest Pinoy community sa Dubai. Aalamin niya ang mga inspiring na kuwento ng pagsasakripisyo, pagtitiis at pagmamahal sa pamilya ng ating mga kapamilya OFWs.
At sa araw ng kanilang pahinga, isang sorpresa pa ang ipinahanda ni Kris! Lahat ng nakausap niyang kapamilya OFWs, tinreat niya sa isang hindi malilimutang Hot Air Balloon, na lilipad sa taas ng malawak na disyerto ng Dubai.


Mula sa Dubai, pinuntahan din ni Kris ang UAE capital na Abu Dhabi. Kasama sina Bimby at Josh, papasyalan nila ang largest indoor amusement park sa buong mundo, ang Ferrari World at buong tapang na susubukan lahat ng pinagmamalaking attractions ng nasabing amusement park.


Bukod dito, mas magiging malawak ang Kris TV online and on-ground experience sa ikatlong taon nito. Every year, puwede na kayong bumisita sa Kris TV Fun Finds Benefit Bazaar. Soon, puwede niyo na rin ma-download sa inyong mga mobiles ang Kris Aquino App. Sa pamamagitan ng 8-minuter downloadable content na ito, masisilip niyo na ang everyday life ni Kris sa likod ng kamera.

Dahil sa mas pinahabang bonding... 
"Paniguradong masaya muli ang kuwento natin, Kapamilya!"

Read more...

"Dapat po maging faithful tayo," Vhong Navarro on lessons learned matapos ang pambubugbog sa kanya.

Thursday, February 6, 2014

Nakalabas na sa St. Lukes si Vhong Navarro. At matapos ang mga legal actions na una niyang ginawa pagkalabas ng ospital, nagpa-interview muli sa media ang TV Host-Actor. Sa usapan nila ni Korina Sanchez na ipinalabas kanina sa TV Patrol, isa-isang sinagot ni Vhong ang ilan sa mga gustong malaman ng tao mula sa kanya.

Naglabasan na ang CCTV, at tuloy pa rin ang paninindigan ng kampo nina Deniece Cornejo sa version nila ng kwento. Anong reaksyon ni Vhong dito?
"Hindi ko po alam eh, yun po yung version nila eh. Basta po ako sinabi ko lang po kung ano ang totoo. At yung mga totoo po na yun ay meron tayong mga patunay, at hindi po ako nagsisinungaling."


Ano naman ang pagkakakilala niya kay Cedric Lee?
"Basta po ang alam ko sa kanya eh nameet ko siya sa isang party."

Kay Deniece Cornejo? 
"Kilala ko lang po si Deniece two years ago, nagkita lang kami sa isang store at ah, kinuha ko po nga yung number niya yun lang po."

May kasalanan ba siya kay Deniece?
"Wala po akong kasalanan kay Deniece, ang may kasalanan po ako sa girlfriend ko po, dun po ako nagkasala sa kanya po. Wala po akong kasalanan kay Deniece."

On the rape case filed against him?
"Kasi kita naman po sa CCTV wala po akong pwedeng rape-in dun, dahil po ang kasama ko dun dalawang lalaking armado. Kitang-kita po sa CCTV bumaba siya iniwan niya po ako dun, hindi po ako pwedeng sumunod sa kanya kasi po may nakatutok sa aking baril. At dinuct tape na nga po ako."

Anong kasalanan niya sa girlfriend niya?
"Kasalanan ko po na pumunta ako dun sa condo, na kahit po may girlfriend ako eh talagag... (natukso kang pumunta dun?) opo."

Motibo nina Cedric?
"Hindi ko po alam eh kasi una tinanong ko siya kung may boyfriend siya sabi niya wala. So hindi ko naman po alam kung boyfriend niya si Cedric... hindi ko alam... Basta ang alam ko lang na pwede kong gawin is sundin yung gusto nila, at may hawak pa silang video ko. Ito po yung video kong gulpi, eto po yung binaba nila yung pants ko... yun po yung pang-blackmail nila sa akin."

Saan siya humuhugot ng lakas para patuloy na lumaban para sa hustisya?
"Syempre po ang aking manager, si Direk Chito na hindi ako iniwan na laging nandyan sa tabi ko. Marami po eh, mga kaibigan ko po, pati po yung girlfriend ko na kahit ganito yung nangyari mas iniisip niya pa rin ako. Kaya sabi ko kung hindi ako magsasalita kung bibigay ko gusto nila feeling ko di pa rin ako matatahimik eh."

Wala na bang atrasan ang paglaban niyang ito?
"Wala na po. Wala na po talaga. Kahit po natatakot ako pero kailangan ko po ituloy to."

Nagkita na sila ng kanyang mga anak. Ano ang nangyari sa unang pagkikita at pag-uusap nila mula nang mangyari ang pambubugbog?
"Gusto kong maiyak, dahil sobrang miss ko sila, pero kailangan kong pigilan po kasi pag nakita nilang umiyak ako ibig sabihin parang ang weak ko eh. Kasi gusto kong pakita sa kanila na pagsubok lang to, pagdadaanan lang natin to at binigay sa atin ni God to dahil alam natin kaya nating lagpasan. Niyakap ko lang po sila ng mahigpit at sinabi ko, be strong." Dagdag pa ni Vhong, naniniwala raw ang mga anak niya sa kanya.

Lesson learned?
"Una po dyan wag na po tayong magtitiwala kahit kanino po dahil hindi po talaga natin alam kung sino ang kaibigan at hindi. At ewan ko po bago ko po ito sasabihin, alam ko po kasi nung bata eh sobrang mahilig po ako sa mga labas, sa mga girls... dapat po maging faithful tayo. Maging faithful po tayo. Kaya po sobrang humihingi ako ng tawad sa girlfriend ko, sobra sobra po."

Message to madlang people?
"Grabe po. As in grabe yung mga dasal na binibigay nila sa akin, yung paniniwala nila sa akin. Kaya kanina gusto kong umiyak paglabas ko pa lang ng St. Lukes kasi may mga naririnig akong matatanda, mga babae po... kasama mo kami sa laban, ang sarap pong marinig..."

Report and photo from TV Patrol, 6Feb2014

Read more...

Piolo Pascual and Toni Gonzaga on GGV

Wednesday, February 5, 2014

Read more...

PHOTO : Angel Locsin and Luis Manzano, super sweet in Batangas!

Monday, February 3, 2014

Photo from Mr. Bong Medel's Instagram account
Saw this posted sa Instagram account ng friend ng reunited couple na sina Angel Locsin at Luis Manzano, taken at "peninsula de punta fuego" as it appeared sa IG post. Their friend wrote "love is in the air" as caption for this photo, and tagged the two pa. Awww sweetness! Kilig ako. Sana po wala nang mangnega please? LOVE ito eh. Hindi na kailangan ng anumang paliwanag. Kayo ba pag na-in love, hindi puso ang nasusunod? Good vibes na lang. Thanks!

Read more...

Mang Gerry - Regine Velasquez's father, pumanaw na

Malungkot na balita ang natanggap natin ngayong hapon. Ito nga ay ang tuluyan nang pamamaalam ng ama ng ni Asia's Songbird Regine Veleasquez, na si Mang Gerry. Matatandaang ilang buwan na ang nakakalipas nang humingi pa si Regine ng dasal at suporta through her social networking accounts, para sa ama niyang may sakit.

1:39PM nang bawian ng buhay kanina si Mang Gerry. Nagpost na rin si Regine sa kanyang Instagram / Twitter account ng pamamaalam sa ama. Ang caption ng larawang pinost niya : "The leader of the band, Mang Gerry, joined his creator 1:39pm today. Thank you for praying for him during all these time that he has been fighting for his life. God bless you all."

Photo uploaded by Regine on her Instagram account

Nakikiramay po kami sa iyo at sa pamilya mo Ate Reg.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

recent viewers

copyright

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP