Kris TV, mas pinahaba... mas pinasaya pa simula sa February 10!

Friday, February 7, 2014

Sa pagpasok ng bagong taon, ang ating kapamilyang Queen of all Media na si Kris Aquino, mas matindi pa ang mga pasabog na adventures at ekslusibong kwento na ibabahagi niya sa ating lahat.


At bilang bahagi na rin ng regalo niya sa mga manunuod ngayong birthday month niya, simula February 10 ay mas pahahabain pa niya ang pagpapasaya at pagpapaganda sa umaga ng bawat pamilyang Pilipino. Mapapanood na ang Kris TV mula 7:30 hanggang 9:00 ng umaga!
Mas bubuksan niya pa ang kanyang sariling tahanan, para mas maibahagi sa atin ang mga hindi malilimutang karanasan niya sa sama-sama nating bonding tuwing umaga.
Para sa unang big adventure ng mas pinahaba nating morning bonding, lilibutin ng Kris TV ang dalawa sa pitong emirates ng UAE, ang Abu Dhabi at Dubai! Pupuntahan ni Kris ang ilan sa mga must-visit food destinations hanggang sa mga must-try adventures.


Hindi pahuhuli si Kris na ma-experience ang 4x4 ride ng Dubai desert safari at water adventure ng Yellow Boat. Lilibutin din niya ang sikat na luxurious hotel, ang Burj Al Arab at ang bagong pasyalan na nagkahalagang 900 million pesos, ang Miracle Garden. Hindi rin mawawala ang food trip, kung saan matitikman ng Queen of All Media ang ilan sa best Middle Eastern dishes.


Para mas buo ang karanasan, makaka-bonding ni Kris ang mga Pilipino doon. Bibisitahin ni Kris ang Al Satwa, ang largest Pinoy community sa Dubai. Aalamin niya ang mga inspiring na kuwento ng pagsasakripisyo, pagtitiis at pagmamahal sa pamilya ng ating mga kapamilya OFWs.
At sa araw ng kanilang pahinga, isang sorpresa pa ang ipinahanda ni Kris! Lahat ng nakausap niyang kapamilya OFWs, tinreat niya sa isang hindi malilimutang Hot Air Balloon, na lilipad sa taas ng malawak na disyerto ng Dubai.


Mula sa Dubai, pinuntahan din ni Kris ang UAE capital na Abu Dhabi. Kasama sina Bimby at Josh, papasyalan nila ang largest indoor amusement park sa buong mundo, ang Ferrari World at buong tapang na susubukan lahat ng pinagmamalaking attractions ng nasabing amusement park.


Bukod dito, mas magiging malawak ang Kris TV online and on-ground experience sa ikatlong taon nito. Every year, puwede na kayong bumisita sa Kris TV Fun Finds Benefit Bazaar. Soon, puwede niyo na rin ma-download sa inyong mga mobiles ang Kris Aquino App. Sa pamamagitan ng 8-minuter downloadable content na ito, masisilip niyo na ang everyday life ni Kris sa likod ng kamera.

Dahil sa mas pinahabang bonding... 
"Paniguradong masaya muli ang kuwento natin, Kapamilya!"

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP