Da Possessed ni Vhong at Solenn, palong-palo sa takilya

Wednesday, April 23, 2014


KUMITA ng kamangha-manghang Php40M sa takilya ang Da Possessed ni Vhong sa tatlong araw lamang matapos ang mainstream theatrical release nito na naganap nuong Abril 19.

Grand comeback vehicle ni Vhong ang Da Possessed sa pelikula at kung i-babase sa tagumpay nito sa takilya nuong opening day nito, nalagpasan ng pelikula ang opening day box-office returns ng kanyang mga naunang pelikula na dinirehe ng direktor na si Bb. Joyce Bernal gaya ng Mr. Suave (2003), D' Anothers (2005), and Agent X44 (2007).

"Pagkatapos ng pinagdaanan ko at pinagdadaanan ko pa…yung suporta ng mga tao sa Da Possessed ang isa sa pinakamagandang nangyari sa akin," ayon kay Vhong. "Grabe and laki at sarap ng pagmamahal ng mga tao. Kulang ang thank you pero…thank you! Hehehe! Maraming maraming salamat sa lahat ng nanood at sa mga hindi pa, alam ko namang pinaplano na nila yun. Aaayyyyiiiieeeee!"

Isang perfect date movie din ang Da Possessed ngayong summer dahil featured dito sina Vhong at Solenn bilang pinakabago at pinakamaiinit na love team tandem sa bansa ngayon. Vholenn tandem na ang tawag kina Vhong at Solenn ng mga fans at kanilang mga taga-suporta. Kaabang-abang ang mga kilig moments ng dalawa sa pelikula at siyempre pa ang knailang mga nakakatawang mga eksena. Inamin naman ni Solenn na may crush siya kay Vhong sa tunay na buhay dahil sobra siyang attracted sa mga funny guys. "Nakapag-bonding kami ng todo habang nag-shooting kami ng pelikula," sabi ni Solenn.

Nagpahayag ng pasasalamat ang leading lady ni Vhong sa pelikula, si Solenn Heussaff sa lahat ng sumuporta at nagtiwala sa kanya sa proyektong ito, "I'm so happy and thrilled. The story is perfectly written and was easy laughing just reading it. With the execution of Direk Joyce, Vhong cast and the entire team, it became even more magical. So happy, blessed, honored to be part of this film and thankful to everything I learned from my director and co-stars shooting this movie. Congratulations Vhong, ikaw ang Da One!"

Labis na napamahal si Vhong sa masang Pilipino dahil sa mga "zero to hero" na mga karakter na kanyang ginampanan sa loob ng maraming taon. Masasabing si Vhong ang Pinoy na katumbas ng "every man" kung saan nakakarelate ang bawat Pilipino. Lalo pang lumakas ang mass-appeal ni Vhong nuong 2009 nung sumali siya sa groundbreaking daily variety show ng ABS-CBN na It's Showtime bilang isa sa mga pioneering hosts nito.

Tampok din sa Da Possessed sina John Lapus, Smokey Manaloto, Empoy, Beverly Salviejo, Lito Pimentel, Joy Viado, Aaliyah Belmoro, Matet De Leon, at Joey Marquez.

Showing ang Da Possessed sa lahat ng mga cinemas sa buong bansa.

For more updates about "Da Possessed" simply visit www.StarCinema.com.ph,http://facebook.com/StarCinema and http://twitter.com/StarCinema.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

recent viewers

copyright

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP