"EXPERIENCE DANIEL," MAGSISIMULA NA SA ABRIL 20!

Monday, April 14, 2014




Siguradong 100% Daniel Padilla ang mae-enjoy ng lahat sa "Experience Daniel" mobile show na eksklusibong mapapanood nang libre ng ABS-CBNmobile subscribers sa iWanTV application sa kanilang mga smartphone simula Abril 20 (Linggo).

Sa loob ng 30 araw tuwing 6 PM, mas makikilala ng fans ang Teen King ng Philippine showbiz sa pamamagitan ng iba't ibang eksklusibo at orihinal na materyal na itatampok sa "Experience Daniel" mobile show, kabilang ang isang espesyal na dokumentaryo tungkol sa paglalakbay ni DJ (palayaw ni Daniel) bilang isang musikero--mula sa mga pinagdaanan niya bilang baguhang singer hanggang sa maabot na niya ang estado ng pagiging isang multiplatinum recording artist ng Star Records. May updates rin kaugnay ng mga preparasyon ni DJ para sa kanyang upcoming concert, pelikula kasama ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo, at tours sa ibang bansa.

Tampok rin sa mobile show ang livestreaming ng D.O.S. (Daniel On Stage) concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Abril 30 (Miyerkules), at behind-the-scene shots at exclusive interview habang ginagawa ang bagong album ni DJ na pinamagatang "I Heart You."

Ang "Experience Daniel" mobile show ay handog sa Kapamilya fans ng Star Digital, ang pinakabagong sangay ng Star Creatives Group ng ABS-CBN.


Huwag palampasin ang "Experience Daniel" mobile show mula Abril 20 hanggang Mayo 20 sa iWanTV app ng ABS-CBNmobile. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP