JAIRUS AT FRANCIS, MAY BAGONG KAAGAW KAY SHARLENE SA “WANSAPANATAYM”

Friday, April 4, 2014



Bagong problema ang susubok sa mga karakter ng Kapamilya teen stars na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao ngayong Sabado (Abril 5) sa pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Si Lulu at Si Lily Liit.” Sa kanyang paglalayas, makikilala na ni Lily (Sharlene) si Dondie (Paul Salas), ang dwendeng tumupad sa kahilingan ng kanyang mga magulang na magkaroon ng anak. Bilang kapalit sa kanyang pagtulong, kukunin ni Dondie si Lily at dadalhin ito sa kanyang kaharian upang doon na manirahan. Paano maililigtas nina Lulu (ginagampanan din ni Sharlene), Harvey (Jairus), at Adrian (Francis) si Lily kapag hindi ito pinalaya ni Dondie? Makakabalik pa ba si Lily sa dating buhay niya kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan? Tampok din sa ‘Si Lulu at Si Lily Liit’ sina Desiree del Valle, Assunta de Rossi, John Lapus, Ron Morales, John Medina, JB Agustin, at Nikki Bagaporo.  Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Manny Palo. Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng month-long special nina Sharlene, Jairus, at Francis sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, “Wansapanataym,” pagkatapos ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

recent viewers

copyright

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP