SEN. CHIZ, KINUMPIRMA ANG PLANONG KASAL KAY HEART!

Tuesday, April 29, 2014




Bagama't lantaran ang pagtutol ng mga magulang ni Heart Evangelista sa relasyon nila, kinumpirma pa rin ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na pakakasalan niya ang aktres.

“Gusto ko siyang pakasalan. May inaayos lang akong konti pang gusot sa akin. Sana sa hindi malayong hinaharap ay maayos na ‘yon, para maging ganap na ‘yong aming ugnayan,” pahayag ni Sen. Chiz sa “Tapatan Ni Tunying” na mapapanood ngayong Huwebes (Mayo 1).

May mga balitang sa susunod na taon na magaganap ang kasal ng dalawa. Ibinahagi ng senador na kasalukuyan niya pang nilalakad ang church annulment niya sa asawa na si Christine Flores.

Ayon kay Sen. Chiz, matindi ang pagmamahal niya kay Heart na kasintahan niya ng halos dalawang taon at hindi niya ito maikukumpara sa mga nagdaan niyang relasyon.

“’Yong hinahanap ko, nakamit at naabot ko na ‘yon ngayon. Kaya wala pang kapantay o wala pa kong naranasang ganitong pakiramdam,” paglalahad ng senador.


Huwag palampasin ang “Tapatan ni Tunying” (TNT) ngayong Huwebes (Mayo 1), sa bago nitong oras na 4PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter at Instagram, o i-like ang www.facebook.com/TNTunying.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP