‘SUNDATE’ NINA JULIA, SAM AT ENRIQUE, DINAGSA NG LIBO-LIBONG FANS!

Wednesday, April 2, 2014


Dinumog ng libo-libong Kapamilya viewers ang “Mirabella” lead stars na sina Julia Barretto, Sam Concepcion, at Enrique Gil sa ginanap na “Mirabella Summer Sundate” kamakailan sa Ayala Fairview Terraces sa Quezon City. Bilang pasasalamat sa mataas na TV ratings ng kanilang programa, hinandugan nina Julia, Sam at Enrique ang kanilang fans ng mga nakakaaliw na production numbers at nakakakilig na sorpresa. Tampok din sa ‘Mirabella Summer Sundate’ ang buong barkada ng top-rating ABS-CBN fantaserye na sina Mika dela Cruz, Diego Loyzaga, Alora Sasam, Noemi Oineza, Nikki Bagaporo, Paulo Angeles, Ryle Santiago, Marinela Sevidal, at Alexa Macanan. Samantala, tiyak na patuloy na mahu-hook ang mga manonood sa “Mirabella” sa pagdating nina Jeremy (Enrique) at Terrence (Sam) sa buhay ni Mira (Julia). Paano babaguhin ng dalawang binata ang masalimuot na mundo na kinalakihan ni Mira? Matatagpuan na ba ni Mira sa kanila ang matagal na niyang hinahanap na pagmamahal at pagtanggap? Huwag palampasin ang teleseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, “Mirabella” gabi-gabi, bago mag “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Mirabella” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/MirabellaOnline at Twitter.com/MirabellaOnline.






*PR

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP