ANNE CURTIS, bumirit “DYESEBEL” album!

Tuesday, May 6, 2014


Panibagong 'dream come true' para kay Anne Curtis ang mapabilang sa singers na tampok sa official soundtrack ng top-rating primetime fantaserye ng ABS-CBN na “Dyesebel.” Si Anne ang umawit ng feel-good track na "Pag Kasama Kita" na magpapaalala sa nakikinig sa mga nakakikilig na karanasan ni Dyesebel (Anne) kasama sina Fredo (Gerald Anderson) at Liro (Sam Milby). Tampok rin sa “Dyesebel:The Official Soundtrack” ang mga kantang “Tangi Kong Kailangan” ni Lea Salonga kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra, “Magkaiba Man Ang Ating Mundo” ni Jed Madela, at “Puwang Sa Puso” ni Juris. Mapapakinggan din sa album ang lullaby version ni Juris ng “Puwang Sa Puso,” ang Pop version ni Yeng Constantino ng “Tangi Kong Kailangan,” at ang English version nito na “All I Need” na kinanta naman ni Lea. Kasama sa “Dyesebel Official Soundtrack” ang minus one versions ng mga kanta. Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, ang “Dyesebel: The Official Soundtrack” ay mabibili na sa record bars nationwide, at maari na ring ma-download sa iTunes. Samantala, huwag palampasin ang mga kapanapanabik na tagpo sa “Dyesebel” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Dyesebel” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/Dyesebel.TV at Twitter.com/Dyesebel_TV.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP