KATHRYN AT XIAN, HANDA NANG MULING HUMATAW SA TAKILYA!

Tuesday, May 6, 2014

Matapos punuin ang mga sinehan dahil sa kani-kanilang mga pelikula noong nakaraang taon, handa na muling humataw sa takilya sina Xian Lim at Kathryn Bernardo na pumirma ng panibagong kontrata sa film production arm ng ABS-CBN na Star Cinema kamakailan.

Xian with Star Cinema's Malou Santos and Star Magic's Mr. Johnny Manahan
Two-picture contract ang pinirmahan ni Xian kung saan pareho niyang makakasama ang ka-loveteam na si Kim Chiu. Makakasama rin ng dalawa ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas sa isang pelikula.

Bukod sa pelikula, inilahad din ng aktor na magbabalik siya sa teleserye kasama ang “Maria Mercedes” star na si Jessy Mendiola, Ian Veneracion, at Carmina Villaroel sa pangunguna ng Star Creatives. Sisimulan na ang taping nito sa huling linggo ng Mayo.

Kath with Ms. Malou Santos and her Mommy Min.
Pumirma naman ng multi-picture contract ang Teen Queen na si Kathryn kung saan nakapaloob ang nalalapit na pelikula nila ni Daniel na “She’s Dating the Gangster.”

Kinumpirma rin ni Kathryn na soap opera naman ang susunod sa nakalinya niyang mga proyekto pagkatapos ng “She’s Dating a Gangster.”

Tito Boy with Ms. Cory Vidanes and Ms. Charo Santos-Concio
Samantala, nanatiling Kapamilya ang King of Talk na si Boy Abunda matapos siyang pumirma ng two-year contract sa ABS-CBN nitong Miyerkules (April 30).


Pumirma rin ng one-year contract ang beteranong abugadong si Atty. Jose Sison at anak na si Jopet Sison sa ABS-CBN para sa pagbabalik ng legal drama seryeng “Ipaglaban Mo” na hango sa totoong pangyayari at kaso at nagtuturo ng aral mula sa desisyon ng korte. Layunin nitong imulat ang mga manonood sa kanilang mga karapatan at obligasyong legal. Huling napanood ang “Ipaglaban Mo” sa ABS-CBN noong 1998.

Tita Cory Vidanes, Jopet Sison, Ma'am Charo, Atty. Jose Sison, Business Unit Head Ruel S. Bayani

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

recent viewers

copyright

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP