MAJA AT JERICHO, SARAP NA SARAP SA ROLES NILA SA "THE LEGAL WIFE"!

Monday, May 19, 2014

Sa kabila ng ngitngit ng TV viewers sa kanilang mga karakter sa "The Legal Wife," kapwa masaya sina Maja Salvador at Jericho Rosales sa mainit na suporta ng buong sambayanan sa Kapamilya teleseryeng pinagbibidahan nila kasama sina Angel Locsin at JC de Vera.

"Naiinis ang tao kina Nicole (Maja) at Adrian (Jericho) pero suportado nila kami bilang artista dahil gabi-gabi silang nakatutok sa amin. Kaya talagang napakasarap sa pakiramdam na magtrabaho lalo na't alam naming maraming nanonood," pahayag ni Maja.

Masarap naman para kay Jericho ang pagganap sa karakter ni Adrian na dumadaan ngayon sa isang krisis na kapupulutan ng aral ng mga mister.

"Para sa isang aktor, ang gandang unawain ang iniisip at pinagdadaan ni Adrian. Naghahanap kasi siya ng solusyon sa mga problemang nagawa niya. At kaabang-abang kung ano ang mga susunod niyang gagawing desisyon lalo na ngayong pansamantalang magkahiwalay sila ni Monica (Angel) at buntis si Nicole," ani Jericho.

Paano tatanggapin ni Monica na ipinagbubuntis ni Nicole ang bunga ng pagtataksil ni Adrian? Isusuko na ba niya ang relasyon nilang mag-asawa o patuloy siyang lalaban para mabuo ang kanyang pamilya?


Huwag palampasin ang pinakapinag-uusapang ‘TV affair’ ng bayan, “The Legal Wife” gabi-gabi pagkatapos ng “Ikaw Lamang” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 

2 comments:

Anonymous,  May 24, 2014 at 3:10 AM  

Ano pa bang aral mapupulot mo sa the legal wife.napaka common ng istorya at halos lahat yata ng kanto may ganyang kwento..depende nman yan , kung sino mahal mo, doon ka...kahit ang mistress ang piliin, wala tayong magagawa.basta kung saan ka masaya at tahimik na walang magbubunganga syo at mahal mo , period..kasawa na nga ganyan..

Anonymous,  May 25, 2014 at 3:51 PM  

Off topic lang.....miss darla, bakit nawala yun blind item mo about a kapamilya couple na napapabalitang break na? Anyare?

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP