DANIEL PADILLA LOOK-ALIKE AT YOLANDA SURVIVOR, MAPAIKOT KAYA ANG COACHES SA “THE VOICE KIDS”?

Friday, June 6, 2014


Isa na namang batch ng young artists ang magpapasiklab sa top-rating at Twitter-trending na “The Voice Kids” Blind Auditions ngayong weekend (Hunyo 7 at 8), kabilang na ang isang Daniel Padilla look-alike na makakakulitan ang tatlong coaches.

Susubukan din ng isang batang Yolanda survivor na tuparin ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng pagkanta na dala-dala ang kwentong puno ng inspirasyon at pagbangon ng kanyang pamilyang nasalanta ng bagyo.

Bibida rin sa pagpapatuloy ng Blind Auditions ang isang batang nadiskubre ng sikat na songwriter na si Vehnee Saturno, isang young artist na kukuha ng selfie kasama ang tatlong coaches, ang isang power vocalist na makakakuha ng standing ovation mula sa isa sa coaches, at si Juan Karlos, na ang video ng performance ng kantang “Grow Old With You” ay pumalo na ng 1.7 million views sa YouTube.

Sino-sino sa kanila ang dadagdag sa teams nina coach Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga?

Samantala, may pagkakataon ding magpakitang-gilas ang adult artists na gustong makapasok sa “The Voice of the Philippines” Season 2 sa huling Manila auditions nito na gaganapin sa Market! Market! sa Taguig City mula 9AM hanggang 3PM.
Magsisimula ang registration sa ganap na 8AM. Makaka-jamming naman ng auditionees ang Season 1 artists na sina Klarisse De Guzman, Janice Javier, Paolo Onesa, at Myk Perez sa open mic session na gaganapin ng 5PM.


Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Blind Auditions sa “The Voice Kids” tuwing Sabado, 6:45 PM at Linggo, 7:30 PM sa Yes Weekend ng ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram. 

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

recent viewers

copyright

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP