Daniel Padilla, na-bully at napaiyak nga ba ng totoong gangsters?

Saturday, July 5, 2014


Kanina ay kumalat ang balitang na-bully at napaiyak daw si Daniel Padilla ng mga totoong gangsters, na sinigawan siyang "albularyo." Nangyari pa nga raw ito sa isang mall sa Makati. At true enough, may kumalat ngang post sa FB na pinaniwalaan naman - o siguro'y pinagdudahan ng iba na baka totoo.



Knowing DJ - na gaganap na isang gangster sa upcoming Star Cinema movie na She's Dating The Gangster, malabong mangyari ito. Super maawain si DJ, pero siya mapapaiyak ng gangster? Malayong mangyari. Pero para sa ikakatahimik po ng lahat, pinarating ko pa rin sa Mama Karla Estrada niya ang kumakalat na tsismis. At siya na po mismo ang nagsasabihing hindi ito totoo. 

"Not true mars, gawa-gawa lang ang kwento," ang sabi sa akin ni Karla.



Ang mga tao nga naman, siguro sa excitement na rin na mapanood ang movie, nakakapag-isip na ng mga kwentong tulad nito. Well, hindi naman natin sila masisisi... kasi kahit tayo di ba super excited nang mapanood ang movie nina DJ at Kathryn Bernardo, na showing na on July 16. 


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP