JAMES AT NADINE, IWAS MUNA SA LOVE LIFE!

Wednesday, September 24, 2014


Hindi raw sasayangin ng magka-loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre, o mas kilala sa tawag na JaDine, ang magandang takbo ng kanilang karera ngayon at itinutiring na pangalawang pagkakataon nila sa showbiz kaya naman iwas daw muna sa pakikipagrelasyon ang dalawa. Ito ang ilan sa mga ibinahagi nila sa “Tapatan Ni Tunying” na mapapanood ngayong Huwebes (Setyembre 25).

“Naranasan kasi naming mawala ‘yong opportunity kasi medyo napabayaan, hindi sineryoso, at hindi nagfocus. Ayaw na namin maulit iyon,” sabi ni Nadine.


Unang nabigyan si James ng break sa showbiz matapos siyang tanghaling Big Winner ng “Pinoy Big Brother Teen Clash,” ngunit hindi niya itinuloy ang pag-arte dahil nalilito at hindi pa raw siya sigurado sa tatahakin niyang karera noon.

“Parang ‘di ako masyadong seryoso dati. Bata pa ako. Hindi ko pa noon alam kung ano talaga ang gusto kong gawin,” kwento ni James.


Nagsimula naman magtanghal sa telebisyon at pelikula si Nadine noong siya’y bata pa, subalit aminado siyang marami siyang oportunidad na pinalampas.

“Nagkaroon ako ng teleserye at pagkatapos noon medyo natengga ako. Kasi noong time na gumagawa ako ng mga teleserye parang nilalaro ko lang. Hindi ko po siya masyadong sineryoso,” sabi ni Nadine.

Matapos ang kanilang pinagdaanan, umingay ang pangalan ng dalawa nang pumatok ang mga pelikulang “Diary ng Panget” at “Talk Back and You’re Dead” na pinagbidahan nila. Kamakailan lamang ay pumirma sila ng exclusive contract sa ABS-CBN at malapit ng bumida sa weekend seryeng “Wansapanataym presents My App Boyfie.

Nang tanungin kung kaya bang pantayan ng JaDine ang kasikatan ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala sa tawag na KathNiel, sagot ni Nadine, “Siguro po pero matagal pa. Marami pa kaming kailangan pagdaanan.”


Huwag palampasin ang “Tapatan ni Tunying” ngayong Huwebes (Setyembre 25), 4:30 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter at Instagram, o i-like ang www.facebook.com/TNTunying.

14 comments:

Anonymous,  September 24, 2014 at 2:44 PM  

Sana hindi masayang ang tambalan nila... Marami kabataan ang humahanga sa kanila.

Anonymous,  September 24, 2014 at 2:47 PM  

Dream ng bawat kabataan na maging katulad ni James, Kathryn , Daniel at Nadine. Sana hindi nila sayangin ang lahat opportunities na nakakamit nila.

Anonymous,  September 24, 2014 at 2:55 PM  

sana kng anu man ang tinatamasa nilang kasikatan ngyun huwag lumaki ang ulo nila, stay humble, kind and sweet. lagi nila suportahan ang bawat isa at unawain dhil maraming kaming napapahanga nyu hndi lng pinapakilig. God bless both of you james and nadine :)

Anonymous,  September 24, 2014 at 3:28 PM  

Good luck sa career nyong dalawa,. Marami kayong napapasayang tao.. isa na ako dun.. mahal na mahal kayo ng buong JaDine Land,.. god bless!!

Anonymous,  September 24, 2014 at 3:35 PM  

Bakit ba sila parati tinatapat sa KathNiel? Eh mga teens pa yun ah, may mga eksena sa movie na di pa kaya gawin nun mga batang yun like kiss scenes or showing abs. Hindi ba pede gumawa nang sariling marka ang JaDine. Sa totoo lang, may sariling style at kakaibang charisma ang JaDine kaya madali silang nagustuhan ng tao; so get over these useless comparisons, it's so childish!

Anonymous,  September 24, 2014 at 3:39 PM  

Stay humble james sn nadine and congrat sana magtuloy tuloy ang career nyong dalawa at tumgal p ang love team nyo..

Anonymous,  September 24, 2014 at 3:49 PM  

It's nice to know that JaDine's are focus on their career.
Please work harder to polish further your God-given talents, and prove your worthiness now that opportunities are coming your way. Wish you all the Best and Good luck! God bless JaDine, stay grounded, and hope you'll stay longer in the industry.

Anonymous,  September 24, 2014 at 4:30 PM  

alagaan sana ni James ang image niya..Sayang kung mapupunta lang sa wala..

Anonymous,  September 24, 2014 at 5:02 PM  

I strongly agree!

Anonymous,  September 24, 2014 at 7:36 PM  

I really love these two. They don't need to be together for real but fans support them because of their charisma and talent. We, JaDine fans hope that ABS-CBN will realize their potential as artists and hone them well. Please do give them projects where they can showcase their skills like ASAP. They can sing and dance LIVE which is rare nowadays especially in the local scene. ��

Anonymous,  September 24, 2014 at 10:54 PM  

They're definitely one of a kind and far different from KathNiel. So drop the thought of comparing KN and JD, it's absolutely childish. JaDine are total package. Hope their loveteam will last long and more projects for the both of them.

Anonymous,  September 25, 2014 at 7:46 AM  

Sa totoo lang, ha? Sabi ni Nadine na siguro kaya nilang pantayan ang Kathniel, matatagalan nga lang. Medyo bilib din siya sa sarili, eh, pinakasikat na love team ang Kathniel. Gaano kaya katagal sa tingin niya?

Anonymous,  October 4, 2014 at 3:29 AM  

Magkamukha sila ni Kathryn

Anonymous,  December 17, 2014 at 12:25 AM  

si nadine lustre ba talagaito? copy & paste the link ---> https://imgflip.com/memetemplate/25656787/Nadine-Lustre

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP