BREAKING NEWS : Ina ni Pastillas Girl Angelica Yap, binaril ng hindi pa kilalang suspek!

Sunday, November 29, 2015

Isang nakakalungkot na balita ang natanggap ko ngayon mula kay Richard Parojinog (Mr. Pastillas), ang ina raw ni Angelica Yap aka Pastillas Girl ay binaril ng isang hindi pa kilalang suspek sakay ng isang motor.

Sa may labas lang daw ng bahay ng ina ni Angel, habang diumano ay bumibili ito ng barbecue ay biglang may sumulpot na nakamotor, nakahelmet at biglang binaril sa ulo ang biktima. Ito ang kwento sa akin ng manager nina Angel at Richard, na pinagpaalaman ko kung pwede kong ibahagi ang balita.

Noong magkausap kami nina Richard ay nasa kritikal pang kondisyon ang biktima. Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay kinumpirma na raw ng pamilya ni Angel na tuluyan nang binawian ng buhay ang ina nito. Nakakalungkot. Sa ngayon ay wala pang tiyak na impormasyon tungkol sa dahilan ng pamamaril. Pero humihingi po kami ng dasal sa lahat para sa biktima at sa naiwan niyang pamilya.

Read more...

EXCLUSIVE : Marlo Mortel, masaya sa tambalang Janella Salvador at Elmo Magalona!

Thursday, November 26, 2015

Photo from EJ Salut's IG
Marami ang nag-react agad nang i-reveal kanina ang bagong team-up nina Janella Salvador at new Kapamilya Elmo Magalona para sa Born For You, under Dreamscape. Dagsa agad ang tanong lalo na form the MarNellas kung paano na ang ka-loveteam ni Janella na si Marlo Mortel. 

Photo from Marlo's IG.
Tinext ko si Marlo and masaya naman siya for Janella at sa bagong project nito.

"Hi Darls. Ang masasabi ko lang is matagal ko na pinprepare ang sarili ko. Kasi when it comes to our business nothing is permanent talaga. Basta ako I'm happy for her, may bagong aabangan sa kanya and I wish them both good luck! Kahit papano naman may aabangan pa sa amin kasi we have an upcoming movie sa MMFF. Saka di namin alam if sa future pagtambalin pa ulit kami di ba? Ngayon ako din naman may ginagawa as well, sa hosting so thankful ako na 
we're both growing. :)"

Bongga! Dapat positive lang talaga. Good luck Janella and Elmo, exciting panigurado ang gagawin niyong project under Dreamscape! And for all MarNellas, we can always support them naman together or separately di ba? 

Read more...

Welcome to the Kapamilya Network, Elmo Magalona!


Elmo with ABS-CBN COO, Mr. Carlo L. Katigbak
Elmo with our beloved Tita Cory Vidanes

Elmo with Kapamilya bosses, Sir Deo, Tita Cory, Sir Carlo, his Mom Pia and Direk Lauren.
Lunch time today, pumirma na ng kontrata si Elmo Magalona, bilang pinakabagong kapamilya! At right after this ay in-announce na rin ng ABS-CBN at Dreamscape ang unang proyekto ng aktor sa bago niyang tahanan, at ito ay ang "Born For You" kung saan makaka-partner niya si Janella Salvador. 


Welcome, Elmo!
***Photos from Eric John Salut

Read more...

Oh James Reid... Hehehe!

Thursday, November 12, 2015


Read more...

Naniniwala na talaga ako sa FOREVER!!!!

Saturday, October 31, 2015


Read more...

Luis Manzano, pang-FOREVER ang pagmamahal kay Angel Locsin!

Friday, October 30, 2015

Grabe ang kilig ko sa usapan nina Angel Locsin at Luis Manzano kanina sa Instagram! At lahat ng ito ay nagmula sa napakapogi at napakahot na Luis as Adam Levine sa photos na pareho nilang pinost ni Angel. 



Pero mas kinilig ako sa mga pasimpleng page-express ni Luis ng pagmamahal niya kay Angel, na pang-FOREVER daw na parang isang tattoo! Heto ang sagutan nila hihihi.









Read more...

Nadine Lustre, cosplayer din pala like her best friend Myrtle Sarrosa!

Ang cool! Pasensya na po sa mga nakaka-alam pero ako kasi, kanina lang sa chikahan namin ni Myrtle Sarrosa ko nalaman na mag-best friend pala sila ni Nadine Lustre since 14-15 years old pa lang sila. At syempre, naging close pala sila dahil pareho silang nagco-cosplay! 

Kaya naman ako, right after ng chikahan on cam, nag-Google and found this photo nga sa isang Facebook page for Myrtle and Nadine! 

Photo not mine, CTO.

Para po sa mga naka-miss sa mga ganap kanina sa It's Showtime Online at sa mga na-reveal ni Myrtle about Leah, este, Nadine... Heto po ang link! --> http://entertainment.abs-cbn.com/tv/shows/itsshowtime/videos/2015/10/30/10301560-its-showtime-online-episode-29

Salamat po sa lahat ng nanonood ng It's Showtime Online, at sana'y patuloy niyo pong tangkilikin. For the livestreaming, just click this link : showtime.abs-cbn.com/chat.

Pag na-miss niyo ang live, don't worry dahil lahat po ng episodes namin ay ina-upload. And you can  find everything here -- > http://entertainment.abs-cbn.com/tv/shows/itsshowtime/videos?display=Showtime-Online&category=13 THANK YOU PO!

Read more...

You will always soar high, because you will always be our ANGEL, Angel Locsin!

Monday, October 26, 2015


Angel gets emotional, after her interview with Tito Boy Abunda. Photo from Roxy Liquigan's Instagram account.


Narito naman po ang official statement ng ABS-CBN tungkol dito.


It is with deep regret that we announce that ABS-CBN, Star Cinema, and Angel Locsin have mutually agreed that Angel will no longer do the “Darna” movie due to health reasons. Because of her passion, dedication, and commitment to the project, she underwent various rigorous training regimens for two years. Unfortunately, this led her to developing a disc bulge in her spine. This then limits her from doing strenuous activities such as stunts, liftings, and the usage of harness, all of which will be required of her for the action scenes in the film. Aside from that, she will need to undergo rehabilitation and treatment.

And so while we have envisioned her to do the iconic Filipino heroine, Angel’s health and safety are both our primary concern. Hence, the decision.

Fans need not worry. They can still look forward to seeing her in a movie that she is currently shooting with Vilma Santos. Angel’s physical condition does not prevent her from finishing the said project.

Again, we sincerely thank Angel for her hard work and pray for her recovery.


Read more...

Celebrate Valentine's Day this December with "All You Need is Pag-ibig!"

Friday, October 23, 2015

Kris Aquino, Derek Ramsay Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Kim Chiu, Xian Lim,  Julia Concio, Talia Concio, and James "Bimby" Yap topbill the amazing ensemble cast of All You Need Is Pag-ibig – one of the two official entries of Star Cinema in the upcoming and high-anticipated 41st Metro Manila Film Festival (MMFF) this December. 

 

All You Need Is Pag-ibig is a one-of-a-kind love story for the whole family written and directed by the Blockbuster Hugot Director Of The Philippines Antoinette Jadaone, whose film credits include You're My Boss, which is one of the highest grossing films of 2015 and The Breakup Playlist (as screenwriter) as well as That Thing Called Tadhana (2014).  

 

All You Need Is Pag-ibig opens in cinemas nationwide starting December 25.

Read more...

I love James Reid!


Read more...

KAPAMILYA STARS, MAGSASALPUKAN SA GAMES AT KATATAWANAN SA “CELEBRITY PLAYTIME”!

Thursday, September 24, 2015




Buong bayan ang panalo sa kasiyahan kapag kasama sa tawanan ang iba’t ibang celebrities sa pinakabagong talk-comedy-game show ng ABS-CBN na “Celebrity Playtime,” na magsisimula na ngayong Sabado (September 26).

Pangungunahan ng host na si Billy Crawford ang programa kung saan sasamahan niya sa pinaka-riot na happy hour sa telebisyon ang celebrity players sa kanilang paglalaro ng house party games at pagwawagi ng mga papremyo – lahat sa ngalan ng kasayahan at harutan.

Ani Billy, hangad ng programang himukin ang mga manonood na makipag-bonding sa kanilang mga kaibigan at kapamilya sa pamamagitan ng nakakaaliw na games.

“Dahil nga uso na ang mga smartphone at social media ngayon, halos hindi na tayo nakikipag-usap sa isa’t isa. We want to encourage viewers to spend time, connect, and have fun with each other na harap-harapan,” pahayag ni Billy.


Kada linggo, dalawang teams ng celebrity players ang maglalaro ng tatlong house party games na may kinalaman sa popular culture. Matapos ang pangatlong game, ang team na may pinakamaraming puntos ang magwawagi at siyang may pagkakataong mag-uwi ng additional cash prize.

Hindi lang doon magtatapos ang saya, dahil ito ay isang road to three series. Ibig sabihin, ang unang team na magwawagi ng tatlong linggo ang hihiranging defending champion at siyang lalaban sa isang panibagong celebri-team.

Tampok sa unang linggo ang team nina Melai Cantiveros, Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman, at Karla Estrada ng unang season ng “Your Face Sounds Familiar” laban sa team ng Lucky Stars ng “Kapamilya Deal Or No Deal” Long Mejia, Dennis Padilla, Eric Nicolas, Epi Quizon ng “Kapamilya Deal Or No Deal” sa kanilang pagtutuos na puno ng kalokohan at katatawanan.

Kaninong team kaya ang magwawagi sa unang playoff?


Huwag palampasin ang “Celebrity Playtime” ngayong Sabado (September 26) bago ang “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, i-like ang Celebrity Playtime (TV Show) sa Facebook at sundan ang @celebplaytime sa Twitter o @celebrityplaytime sa Instagram.

Read more...

Mga bagong pasabog shows na dapat abangan sa ABS-CBN!





ABS-CBN is sure to get more fans hooked with new shows in the remaining part of 2015.
Held at the Marriot Grand Ballroom in Pasay, the ABS-CBN trade event dubbed as “Shine, Kapamilya” started with a grand opening act of “It’s Showtime” hosts giving the guests a sneak peek of their “anim-versary” show to be held at the Smart Araneta Coliseum this Saturday (September 26).
One of the new shows revealed that Kapamilya viewers must not miss is the first series of the real-life sweethearts Erich Gonzales and Daniel Matsunaga entitled “Be My Lady.” Soon to bring “kilig” to every Kapamilya’s morning, “Be My Lady” will tell the unique love story of a foreigner and a Pinay.


Aside from the light series, ABS-CBN will also offer a different kind of drama as it soon airs “Tubig at Langis.” The series, which star Cristine Reyes and Zanjoe Marudo, will bravely tackle marriage problems.


ABS-CBN also introduced two series that will share stories of different family setups—“And I Love You So” topbilled by three promising teen stars namely Julia Barretto, Miles Ocampo and IƱigo Pascual and “You’re My Home” starring Richard Gomez, Dawn Zulueta, Jessy Mendiola, and JC De Vera.


Meanwhile, ABS-CBN also paid tribute to the late Fernando Poe Jr., the original star of the classic “Ang Probinsyano” through its teleserye remake of the said film. The series that is pegged to air in the Primetime Bida block will star Coco Martin and Maja Salvador.


Apart from the new and exciting teleseryes, the trade show also unveiled the newest game show every Kapamilya should watch out for—Celebrity Playtime. Hosted by Billy Crawford, the game show will be featuring various stars playing a mix of unique and known party games.




Present also at the event were the stars of high-rating programs that are currently airing— Jodi Sta. Maria and Ian Veneracio of "Pangako Sa 'Yo," James Reid and Nadine Lustre of "On the Wings of Love," and Dawn, Zeus, teen big four Bailey, Franco, Jimboy and Ylona of "Pinoy Big Brother 737."

Read more...

Piolo & KC with Erik Santos in London ❤️

Tuesday, September 8, 2015

Photo from Erik Santos's Instagram account

Read more...

KC Concepcion and Piolo Pascual in London!

Photo from Twitter - @kc_concepcion

Sooo happy to see this. Love, love, love!

Read more...

Coco Martin : Si FPJ ang Superhero ko

Friday, August 28, 2015

Itinuturing ng Teleserye King na si Coco Martin na malaking karangalan para sa kanya ang magbigyan ng pagkakataon na bigyang pugay ang nag-iisang "Da King" na si Fernando Poe Jr. sa pamamagitan ng TV adaptation ng ABS-CBN ng obra nito na “Ang Probinsyano.”

“Kahit noon pa man, kapag sinabing action movies, ang naiisip ko agad ay wala nang iba kundi si FPJ. Para na siyang superhero ko dahil hindi ko lang siya nakikita bilang isang artista, kundi isang bayani,” pahayag ni Coco.

“Alam kong hindi ko mapapantayan at hindi ko malalampasan si FPJ, pero para sa akin, makagawa lang ako ng isa sa mga pelikula o mga obra niya, isa nang napakalaking karangalan sa akin yun bilang artista. Gagawin ko talaga ang best ko para makapagbigay-pugay sa kanya,” dagdag ni Coco.


Gagampanan ni Coco sa “Ang Probinsyano” ang mga karakter na ginampanan ni FPJ na sina Ador at Cardo, ang kambal na pinaghiwalay ng tadhana ngunit pinag-isa ng kanilang pangarap na makapaglingkod sa bayan bilang mga pulis.

Mula sa pagtutulungan ng Dreamscape Entertainment Television at FPJ Productions, ipakikita ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa telebisyon ang tunay na kabayanihan ng mga alagad ng batas.

Bumubuo sa powerhouse cast ng “Ang Probinsyano” ang ilan sa pinakamagagaling na artista sa industriya kabilang sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas, at Susan Roces. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.


Abangan ang pinaka-engrandeng pagbibigay pugay kay FPJ sa “Ang Probinsyano,” malapit na sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyong kaugnay ng “Ang Probinsyano,” bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Read more...

Manolo at Maris, bibida sa isang kakaibang love story sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado!

Wednesday, August 19, 2015



Kapamilya teen stars Maris Racal and Manolo Pedrosa will star in a one-of-a-kind love story in ABS-CBN’s “Maalaala Mo Kaya” this Saturday (August 22). In the story, Maris will portray the role of Zyra, a teenager who has a lot of bad experiences in love. When she entered college, Zyra had her hopes up once again to find the man of her dreams when she met Arnie (Manolo), her schoolmate who is openly gay. Because of his sexual preference, Arnie shocked everyone when he confessed that he has developed feelings for Zyra. What did Zyra and Arnie have to do to prove to everyone that their love is real? Joining the upcoming “MMK” episode are Irma Adlawan, Jestoni Alarcon, Paolo Angeles, Joj Agpangan, Barbie Imperial, Raine Salamante, Ryan Bacala, Fifth Solomon, Alfred Labatos, CJ Navato, at Junjun Quintana. The episode is directed by Raz dela Torre and written by Benson Logronio. “MMK” is led by business unit head Malou Santos. 
Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday, 8pm, 
after “The Voice Kids” on ABS-CBN. 




For more updates, log on to MMK.abs-cbn.com, follow @MMKOfficial on Twitter, and “like” Facebook.com/MMKOfficial. Tweet your thoughts about this Saturday’s episode by using the hashtag #MMKGayCharming. Meanwhile, viewers may also catch up on full episodes and past episodes of “MMK” through ABS-CBNmobile. For more information, please go to www.abscbnmobile.com.

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : #LizQuenFourTheLove on Kris TV!

Thursday, July 23, 2015



Super nakakakilig ang LizQuen!!! True Love! May Forever! Eto ang ilan sa mga hindi niyo dapat palampasing love statements ni Quen for Liza bukas, 7:30am sa Kris TV!

Quen : "She knows I'm in love with her. She knows it, I know it."

Quen : "As I say always, it will always be you. Ikaw lang. Ayun lang. Love you."

Kaya gumising ulit ng maaga bukas, at tumutok sa Kris TV! 
#LizQuenFourTheLove
#LizQuenKrisTV


CLICK HERE for more!

Read more...

ABS-CBN PRESIDENT AND CEO CHARO SANTOS-CONCIO, IBINUNYAG ANG SIKRETO NG MGA PATOK NA KAPAMILYA PROGRAM

Thursday, July 16, 2015



Ano ang sikreto sa likod ng tagumpay ng mga palabas ng ABS-CBN kung kaya’t patuloy na tinatangkilik at minamahal ang mga ito ng publiko?

Ayon sa ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio, pumapatok ang mga programa ng Kapamilya network dahil pinapakita ng mga ito ang mga kahanga-hangang katangian ng mga Pilipino.

“Hindi ito tungkol sa amin, kundi sa magagandang katangian ng ating mga kababayan na nagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood,” pahayag ni Santos-Concio sa kanyang keynote speech sa “Fifty Shades of Marketing” conference, na ginanap sa Sofitel Plaza Manila kamakailan.


Aniya, dahil dito kaya tumatak sa mga manonood ang top-rating programs na “Be Careful With My Heart” at “Forevermore” na ipinakita ang tunay na kwento ng mga Pilipino.
Ayon sa kanya, isa sa mga bagay na pinakamahalaga para sa mga Pilipino ay ang integridad ng kanilang pamilya. Dahil dito kaya nagtagal sa ere ang morning show na “Be Careful With My Heart” dahil sa mga eksenang bida ang damayan at pagbubuklod ng pamilya.

“Pamilya ang lahat para sa mga Pinoy. Kaya nilang gumising sa umaga dahil dapat silang kumayod nang husto para sa pamilya. Kaya nilang tanggapin ang lahat ng parusa dahil nariyan ang kanilang pamilya na tutulungan silang gumaling. Mas nagiging mahalaga ang bawat tagumpay at kabiguan kapag kasama ang pamilya,” aniya.



Isa pang teleseryeng sinubaybayan ng publiko ay ang “Forevermore” na pinagbidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano. Bukod sa nakakakilig na chemistry ng dalawang bida, napalapit pa rito ang mga manonood dahil sa ganda ng La Presa at ng mga karakter na nakatira rito.

Ani Santos-Concio, ipinakita ng “Forevermore” ang kabutihan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao sa komunidad.

Bukod sa feel-good na mga eksena, tinatangkilik din ang Kapamilya programs at mga pelikula ng Star Cinema dahil nakaka-relate ang mga manonood sa mga bida na sinasalamin ang kanilang mga tunay na karanasan.

Halos kalahati na ng mga manonood nationwide ang tumutok sa ABS-CBN noong Hunyo matapos humataw ang Kapamilya network sa average national audience share na 47% kumpara sa 32% ng GMA, base sa datos mula sa Kantar Media.

Mula rin sa ABS-CBN ang mga pinakapinapanood na programa sa bansa ngayon. Ngayong Hulyo, nagtala ang “The Voice Kids,” “Pangako Sa ‘Yo,” “Pasion de Amor,” at “Nathaniel” ng kani-kanilang all-time high ratings.

Bukod sa TV viewership, mainit na pinapanood na rin ng mga Pilipino noong Hunyo ang mga palabas ng ABS-CBN sa kanilang computers, laptops, o smartphone gamit ang video-on-demand at livestreaming service ng iWanTV na nakakuha ng 74.6 milyong page views noong Hunyo. Nangunguna sa pinakapinanood na Kapamilya shows online ang “Pangako Sa’yo” (4.2 million views), “Pasion de Amor” (1.5 million views), “Bridges of Love” (1.5 million views), “Oh My G” (1.2 million views), at “Gandang Gabi Vice” (866,777 views).


Ang Philippine Marketing Association ang nag-organisa ng “Fifty Shades of Marketing” na pinamunuan ng ABS-CBN chief digital officer na si Donald Lim.

Read more...

Melason plus Baby Mela's happy family bonding!

Wednesday, July 15, 2015









Read more...

DJP Most Wanted Concert - The KathNiel Kiss / Pangako Sa'yo Duet

Tuesday, June 30, 2015

Read more...

My DJP Most Wanted Concert experience in 80+ PHOTOS.

Monday, June 15, 2015

One of my favorite moments during the concert. At this point, the crowd went wild and everyone was shouting, Kiss! Kiss! Kiss! Hehehe. DJ kissed Kath sa cheek. And look at his face after! I love them both!









Click here for MORE MORE MORE photos!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP