Royal Hotness! Enrique Gil!

Tuesday, March 24, 2015


Read more...

PHOTO : Vice Ganda and Daniel Padilla after their "tampuhan"

Saturday, March 21, 2015

Vice Ganda ang Daniel Padilla, sa pa-block screening ni Vice ng Crazy Beautiful You. Glad that they are super okay na ulit. 


Read more...

LOOK : Enrique Gil celebrates birthday with the elderlies in Marikina

Sunday, March 15, 2015

Ibang klase talaga itong si Enrique Gil, super duper pogi na... wala ring katulad ang kabaitan. 



Sa tulong ng kanyang Quenatics at iba pang fan clubs niya... 25 elderlies ang pinasaya ng ating pinakamamaha na superman, sa Good Samaritan Home in #17 Dao St., Marikina Heights, Marikina City.

According to hi Ate Ana Yambao, kahit sa March 30 pa ang totoong birthday ni Quen... pinili nilang gawin na ang special celebration na ito ngayon habang libre ang araw niya. Pero every year talaga, Quen tries his best to reach out to other people, lalo na sa mga nangangailangan ng pagkalinga at atensyon. Noong 2012, sa Childhaus siya ng-celebrate. 2013 he visited Anawin naman, kung saan mga elderlies din ang kanyang pinasaya. 2014 he celebrated with his fans. And this year nga, itong Good Samaritan Home naman. 




Our superman is really likas na malapit sa kapwa. Nakuha niya ito sa dad niya, na noong nabubuhay pa ay sinisigurong kapag birthday niya ay siya ang nagreregalo sa kapwa niya. At si Quen, na malapit din talaga sa kanyang Nana (lola) na wala na rin sa piling nila ngayon, ay nasa puso talaga ang pagnanais magpasaya ng mga lolo at lola na sabik sa pagmamahal ng kapwa.

Syempre, hindi rin magiging posible ang lahat ng effort ng kanyang fans, kung wala ang Mommy Bambi ni Enrique na silently, aylaging nandyan para suportahan ang kanyang anak.




Photos are from Star Magic Philippines. Thanks Ate Ana Yambao and Ate Thess Gubi for the info.

Read more...

Paulo Avelino finally admitted na nagkaroon sila ng relasyon ni KC Concepcion!

Kanina sa The Buzz, finally, ay inamin na ni Paulo Avelino na nagkaroon talaga sila ng relasyon ni KC Concepcion. 

Photo from Mico Del Rosario
Sa The Buzz Killer Questions, una siyang tinanong ni Boy Abunda kung totoong dating sila ngayon ni Jasmine Curtis-Smith. Sabi ni Paulo, ay magkaibigan lang sila ni Jasmine at meron silang pelikulang ginagawa ngayon. Normal lang naman daw siguro na casually ay lumabas siya with a friend, a co-worker.

When Tito Boy finally asked him kung nagkaroon sila ng relasyon ni KC, Pau at first answered na they are friends, and that he will always be with her sa oras ng pangangailangan nito. But The Buzz hosts requested for a Yes or No answer, so when Kris repeated the question... Nagkaroon ba sila ng relasyon ni KC, yes or no... Paulo finally said YES.

Ngayon ang hinihintay na lang natin, ang side ni KC. Ano nga kaya ang nangyari sa kanila? 

Read more...

Happy birthday Vice Gov. Jolo Revilla!



After the accident, patuloy na ngang bumubuti ang kalagayan ngayon ni Vice Governor Jolo Revilla. Sa katunayan, kagabi lang ay sinalubong na nila ang kanyang birthday - today, March 15. Present sa intimate na celebration syempre si Jodi Sta. Maria, ang pamilya ni Jolo at ang kanilang malalapit na kaibigan.

Naging emotional pa raw si Jolo during the celebration, at nakwento pa nito ang personal niyang saloobin tungkol sa nangyaring aksidente sa kanya. Sabi niya sa kaibigan nila ni Jodi, sa freelance director Zaldy Gumaru, "Ang lapit nang tamaan yung nerve sa puso ko Zalds. Sobrang lapit... kaya alam ko si God may gusto pa siyang ipagawa sa akin."

Tuloy tuloy mo lang ang pagpapagaling Jols, at ang pagiging malapit kay God. Magiging maayos din ang lahat in His time.


Video and photo from our good friend, Zaldy Gumaru's Instagram account (@zaldygumaru). Thanks Zalds!

Read more...

BI : Hot young actor, todo gwardya kay beautiful young actress!

Friday, March 13, 2015


Ang haba-haba talaga ng hair nitong isang beautiful young actress, dahil parang ang dami talagang may gusto sa kanya na actors!

Sa isang event kung saan nagkaroon ng kasiyahan ang maraming artista, marami ang nakapansin sa pagpalibot kay beautiful young actress ng tatlong bagets na aktor. Yung isa dito, kakahiwalay lang sa girl friend. Yung isa naman - si hot young actor, ay other half ng isang sikat na loveteam.

Kwento ng isang staff ng nasabing event, nakita raw nila na sinamahan pa ni hot young actor si beautiful young actress hanggang sa umakyat ito sa room niya sa hotel. Kukunan sila dapat ng picture pero nakiusap daw si hot young actor na wag na. Sa mga curious naman kung nasaan ang ka-loveteam ni hot young actor nung nangyari ang pag-gwardya nito sa beautiful young actress, nauna na raw itong umuwi dahil si hot young actor nga ay may ibang ina-eye nung gabing yun.

Kalerks. Sana makapili ng bongga si beautiful young actress sa dami ng umaaligid sa kanya. At sana hindi ikasira ng career niya. 

Read more...

50 EXCLUSIVE PHOTOS : Nadine Lustre teaches James Reid how to box on Kris TV!

Monday, March 9, 2015






CLICK HERE for more photos! #JaDineDScom

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP