Bimby's backstage interviews sa concert ni Alex Gonzaga, abangan bukas!

Thursday, April 30, 2015

video

Nakakatuwa dahil todo na talaga ang pagho-host ng ating Phenomenal Child Superstar na si Bimby! Exclusive for Kris and Bimby Summer TV, dadalhin tayo ni Bimby backstage sa concert ni Alex Gonzaga at isasali niya tayo sa candid pakikipag-kwentuhan niya sa maraming stars na present sa The Unexpected Concert! Ano kayang tinanong niya sa Gonzaga sisters? Eh sa Tito Matteo Guidicelli niya, ano kayang pasabog niyang tanong tungkol kay Sarah Geronimo? 

Abangan bukas na, 7:30am to 9am, sa Kris and Bimby Summer TV!

Read more...

PHOTOS : Bimby, super kinilig kay Demi Lovato!







(Photos from IG accounts of Kris Aquino - @withlovekrisaquino and Jasmin Pallera - @jasminip)

Read more...

Charo Santos-Concio with granddaughters Julia and Talia on Working Mom Magazine's May issue. Grab your copy now!


Read more...

Divine Lee and Victor Basa, hiwalay na?

Saturday, April 11, 2015


Marami ang nakakapansin sa absence ng DV o Divine-Victor photos ngayon sa Instagram account ng dalawa. Usap-usapang naghiwalay na raw sila. 

According to my very reliable source, totoong nay pinagdadaanan ang dalawa - na tama naman daw na halata sa posts nila. They are giving each other space raw, para mag-grow sila individually. Sa relasyon kasi nila, masyado silang naging "together" na according to my source, parang ginawa raw nilang "island" silang dalawa. Na-limit sila sa mundo nila. 

May sinasabi ring issue ng kasal. Diumano, gusto nang mag-settle down ni V pero hindi pa raw ready si D dahil nag-aaral pa siya, marami pa siyang gustong gawin at kailangang asikasuhin with her family. 

Pero ayon din sa source ko, nagkikita pa rin naman at naguusap ang dalawa. Hindi nga lang "instagramable" ang moments nila together. 

Well ako sana maayos pa kasi nakita naman natin kung gaano sila ka-in love at happy noon. Tama na maggrow muna individually, pero after sana sa isa't isa pa rin sila bumalik.

Read more...

The Buzz nagpaalam na sa ere

Sunday, April 5, 2015


Matapos ang 15 taon ng hindi matatawarang kredibilidad bilang nangungunang showbiz-oriented talk show sa Pilipinas, ang The Buzz ay pansamantalang mawawala sa ere pagkatapos ng April 5, 2015 episode nito. Dahil sa ebolusyon sa pamamaraan ng pagbabalita, minarapat ng programa na gawin ang hakbang na ito para magbigay daan sa mas malaking pagbabago. Hindi mawawala ang showbiz news, at mananatili pa rin ang showbiz talk genre.

Mula nang binuo ang programa, kinilala ito bilang showbiz authority at premiere source pagdating sa makatotohanan at balanseng pagbabalita para sa mga manonood sa buong mundo. Nagpapasalamat ang The Buzz sa lahat ng masugid nitong tagasubaybay sa suporta at tiwalang ibinigay nila sa programa. Hanggang sa muli.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

recent viewers

copyright

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP