Divine Lee and Victor Basa, hiwalay na?

Saturday, April 11, 2015


Marami ang nakakapansin sa absence ng DV o Divine-Victor photos ngayon sa Instagram account ng dalawa. Usap-usapang naghiwalay na raw sila. 

According to my very reliable source, totoong nay pinagdadaanan ang dalawa - na tama naman daw na halata sa posts nila. They are giving each other space raw, para mag-grow sila individually. Sa relasyon kasi nila, masyado silang naging "together" na according to my source, parang ginawa raw nilang "island" silang dalawa. Na-limit sila sa mundo nila. 

May sinasabi ring issue ng kasal. Diumano, gusto nang mag-settle down ni V pero hindi pa raw ready si D dahil nag-aaral pa siya, marami pa siyang gustong gawin at kailangang asikasuhin with her family. 

Pero ayon din sa source ko, nagkikita pa rin naman at naguusap ang dalawa. Hindi nga lang "instagramable" ang moments nila together. 

Well ako sana maayos pa kasi nakita naman natin kung gaano sila ka-in love at happy noon. Tama na maggrow muna individually, pero after sana sa isa't isa pa rin sila bumalik.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP