The Buzz nagpaalam na sa ere

Sunday, April 5, 2015


Matapos ang 15 taon ng hindi matatawarang kredibilidad bilang nangungunang showbiz-oriented talk show sa Pilipinas, ang The Buzz ay pansamantalang mawawala sa ere pagkatapos ng April 5, 2015 episode nito. Dahil sa ebolusyon sa pamamaraan ng pagbabalita, minarapat ng programa na gawin ang hakbang na ito para magbigay daan sa mas malaking pagbabago. Hindi mawawala ang showbiz news, at mananatili pa rin ang showbiz talk genre.

Mula nang binuo ang programa, kinilala ito bilang showbiz authority at premiere source pagdating sa makatotohanan at balanseng pagbabalita para sa mga manonood sa buong mundo. Nagpapasalamat ang The Buzz sa lahat ng masugid nitong tagasubaybay sa suporta at tiwalang ibinigay nila sa programa. Hanggang sa muli.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP