Toni Gonzaga, handa nang maging ina?

Wednesday, May 6, 2015


Pinaghahandaan na ni Toni Gonzaga ang pagiging ilaw ng tahanan dahil siya ang magsisilbing ina ng Valentino-Matahimik family sa bagong episode ng hit sitcom na, “Home Sweetie Home” ngayong Sabado (Mayo 9). Dahil matagal mawawala sa tahanan si Nanay Loi (Sandy Andolong), mapipilitan si Julie (Toni Gonzaga) na akuin ang responsibilidad ng pagiging ina sa kanilang pamilya. Kaya naman magpapakitang-gilas ito sa kusina at ipaghahanda si Romeo (John Lloyd Cruz) ng kanyang paboritong adobo. Magustuhan kaya ni Romeo ang nilutong adobo ni Julie? Alamin ngayong Sabado (Mayo 9) sa “Home Sweetie Home,” 6PM! Abangan din ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang “Banana Split: Extra Scoop,” “LUV U,” at “Goin’ Bulilit.” Panoorin ang full episodes o past episodes ng “Home Sweetie Home” gamit ang ABS-CBNmobile.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP