Coco Martin : Si FPJ ang Superhero ko

Friday, August 28, 2015

Itinuturing ng Teleserye King na si Coco Martin na malaking karangalan para sa kanya ang magbigyan ng pagkakataon na bigyang pugay ang nag-iisang "Da King" na si Fernando Poe Jr. sa pamamagitan ng TV adaptation ng ABS-CBN ng obra nito na “Ang Probinsyano.”

“Kahit noon pa man, kapag sinabing action movies, ang naiisip ko agad ay wala nang iba kundi si FPJ. Para na siyang superhero ko dahil hindi ko lang siya nakikita bilang isang artista, kundi isang bayani,” pahayag ni Coco.

“Alam kong hindi ko mapapantayan at hindi ko malalampasan si FPJ, pero para sa akin, makagawa lang ako ng isa sa mga pelikula o mga obra niya, isa nang napakalaking karangalan sa akin yun bilang artista. Gagawin ko talaga ang best ko para makapagbigay-pugay sa kanya,” dagdag ni Coco.


Gagampanan ni Coco sa “Ang Probinsyano” ang mga karakter na ginampanan ni FPJ na sina Ador at Cardo, ang kambal na pinaghiwalay ng tadhana ngunit pinag-isa ng kanilang pangarap na makapaglingkod sa bayan bilang mga pulis.

Mula sa pagtutulungan ng Dreamscape Entertainment Television at FPJ Productions, ipakikita ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa telebisyon ang tunay na kabayanihan ng mga alagad ng batas.

Bumubuo sa powerhouse cast ng “Ang Probinsyano” ang ilan sa pinakamagagaling na artista sa industriya kabilang sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas, at Susan Roces. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.


Abangan ang pinaka-engrandeng pagbibigay pugay kay FPJ sa “Ang Probinsyano,” malapit na sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyong kaugnay ng “Ang Probinsyano,” bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

recent viewers

copyright

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP