KAPAMILYA STARS, MAGSASALPUKAN SA GAMES AT KATATAWANAN SA “CELEBRITY PLAYTIME”!

Thursday, September 24, 2015




Buong bayan ang panalo sa kasiyahan kapag kasama sa tawanan ang iba’t ibang celebrities sa pinakabagong talk-comedy-game show ng ABS-CBN na “Celebrity Playtime,” na magsisimula na ngayong Sabado (September 26).

Pangungunahan ng host na si Billy Crawford ang programa kung saan sasamahan niya sa pinaka-riot na happy hour sa telebisyon ang celebrity players sa kanilang paglalaro ng house party games at pagwawagi ng mga papremyo – lahat sa ngalan ng kasayahan at harutan.

Ani Billy, hangad ng programang himukin ang mga manonood na makipag-bonding sa kanilang mga kaibigan at kapamilya sa pamamagitan ng nakakaaliw na games.

“Dahil nga uso na ang mga smartphone at social media ngayon, halos hindi na tayo nakikipag-usap sa isa’t isa. We want to encourage viewers to spend time, connect, and have fun with each other na harap-harapan,” pahayag ni Billy.


Kada linggo, dalawang teams ng celebrity players ang maglalaro ng tatlong house party games na may kinalaman sa popular culture. Matapos ang pangatlong game, ang team na may pinakamaraming puntos ang magwawagi at siyang may pagkakataong mag-uwi ng additional cash prize.

Hindi lang doon magtatapos ang saya, dahil ito ay isang road to three series. Ibig sabihin, ang unang team na magwawagi ng tatlong linggo ang hihiranging defending champion at siyang lalaban sa isang panibagong celebri-team.

Tampok sa unang linggo ang team nina Melai Cantiveros, Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman, at Karla Estrada ng unang season ng “Your Face Sounds Familiar” laban sa team ng Lucky Stars ng “Kapamilya Deal Or No Deal” Long Mejia, Dennis Padilla, Eric Nicolas, Epi Quizon ng “Kapamilya Deal Or No Deal” sa kanilang pagtutuos na puno ng kalokohan at katatawanan.

Kaninong team kaya ang magwawagi sa unang playoff?


Huwag palampasin ang “Celebrity Playtime” ngayong Sabado (September 26) bago ang “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, i-like ang Celebrity Playtime (TV Show) sa Facebook at sundan ang @celebplaytime sa Twitter o @celebrityplaytime sa Instagram.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP