BREAKING NEWS : Ina ni Pastillas Girl Angelica Yap, binaril ng hindi pa kilalang suspek!

Sunday, November 29, 2015

Isang nakakalungkot na balita ang natanggap ko ngayon mula kay Richard Parojinog (Mr. Pastillas), ang ina raw ni Angelica Yap aka Pastillas Girl ay binaril ng isang hindi pa kilalang suspek sakay ng isang motor.

Sa may labas lang daw ng bahay ng ina ni Angel, habang diumano ay bumibili ito ng barbecue ay biglang may sumulpot na nakamotor, nakahelmet at biglang binaril sa ulo ang biktima. Ito ang kwento sa akin ng manager nina Angel at Richard, na pinagpaalaman ko kung pwede kong ibahagi ang balita.

Noong magkausap kami nina Richard ay nasa kritikal pang kondisyon ang biktima. Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay kinumpirma na raw ng pamilya ni Angel na tuluyan nang binawian ng buhay ang ina nito. Nakakalungkot. Sa ngayon ay wala pang tiyak na impormasyon tungkol sa dahilan ng pamamaril. Pero humihingi po kami ng dasal sa lahat para sa biktima at sa naiwan niyang pamilya.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP