WATCH VIDEO: JaDine's mala-"Wedding Dance" in Araneta!

Thursday, February 25, 2016

Ito yun o! Super kilig ako dito! Feeling ko wedding dance live in Araneta!

Please subrscribe sa YouTube Channel ko for more videos! 


Read more...

My JADINE LOVE experience in PHOTOS

Sorry late post! Hihihi.















CLICK HERE for more!

Read more...

James Reid at Nadine Lustre, umaming sila na!

Saturday, February 20, 2016


NAKAKAKILIG!!!! Umamin na sina James at Nadine na sila na! Bago magpaalam after ng closing number, habang magkaharap ay sinabi ni James kay Nadine na:

"Nadine, I love you." 

At ang mas panalo, pagpunta backstage, sa interview ng press sa kanila... Kinumpirma ng dalawa that they are officially together. February 11 daw official na naging sila. 

I'll upload more photos soon so keep visiting! 💜

Read more...

7 things I found out about Janella Salvador

Friday, February 19, 2016


Sa bawat out of town shoot ng Kris TV, ang saya lagi ng experience. Dahil hindi lang yung iba't ibang magagandang lugar sa Pilipinas, masasarap na pagkain at makukulay na kultura natin ang nae-explore namin... ako personally, natutuwa dahil mas nakikita ko pa yung other side ng mga kapamilya stars natin - na nagiging guests ng programa. Alam niyo naman na kaya ako nagta-trabaho ngayon sa ABS-CBN - aside from this is my calling, ay dahil isa akong masugid na FAN. Kaya every moment spent with celebrities, talagang chine-cherish ko.





  
Two weeks ago ay nagpunta kami sa Mindoro kasama sina Marlo Mortel at Janella Salvador. Sobrang naaliw ako kay Janella, dahil first time namin siyang makasama ng ganun katagal. Ang dami kong bagong nalaman about her, na gusto kong i-share sa inyong lahat hehehe.

1. Takot pala si Janella sa anything na lumilipad hehehe, mapa-butterflies o maliliit na kulisap. Kaya aliw at ang cute nung paakyat kami sa San Rafael Cave tapos panic mode siya pag may nakita siyang lumilipad sa dinadaanan namin.




2. Ayaw ni Janella ng buko - kahit sabaw nito. Hehehe. Sabi niya nga on cam, may feeling raw kasi siyang parang umiinom siya ng pawis hehehe. Pero pag naka-buko pie na, fight naman yata siya.

3. Ang sarap niyang kasamang kumain! Promise! Super magana si bagets, at blessed kasi kahit anong kain niya, hindi siya tumataba. Mahilig din pala siya sa lengua, at sa sweets. Gulay, yes when forced daw hehehe. Oh, and ayaw niya ng spicy.

4. Old school pala siya pagdating sa music! As in magkakasundo rin kami hahaha! 70's-80's na type of music ang like niya.

5. She likes fruits, EXCEPT for apples. Hehehe. Ay naalala ko rin, ayaw niya sa taba. Unless it's malutong na like chicharon. (Parang karugtong lang din to ng #3 no? hehehe)

6. Sa parating niyang birthday, ayaw niya ng magarbong celebration. Very simple pala talaga si Janella. 

7. Wala siyang sports. Never daw siyang nag-excel sa kahit ano. 









Yan muna, hehehe. Pag may naalala ako update ko na lang tong post.

Read more...

JAMES AND NADINE LEAD OTWOL DAY ON “ASAP” THIS SUNDAY!

 Watch the cast of hit primetime series “On the Wings of Love,” led by James Reid and Nadine Lustre, as they gather on the “ASAP” stage for the last time this Sunday (Feb 21) before their highly anticipated finale happening next week.


ASAP’s OTWOL day continues with Gerald Anderson’s celebration of his 10th year in showbiz plus the return of 90’s OPM Icon Donna Cruz with the Ultimate Media Star Toni Gonzaga.

Meanwhile, Sarah Lahbati and Enchong Dee sizzle the dance floor with the cast of “Pasion de Amor”--- Jake Cuenca, Ejay Falcon, Joseph Marco, Arci Munoz, Ellen Adarna, and Coleen Garcia.

The party continues with today’s hottest teen stars, Grae, Andrea, Joshua, Loisa, Jerome, Miles, Elmo and Janella.

Enjoy another chapter of sweet love stories on ASAP LSSS featuring Jolina Magdangal and your favorite Kapamilya Singers.

Also, special performances from two viral sensations are coming yout way as Luis Manzano gives The Singing Fastfood Crew Girl, Mimi Porcalla, and The Security Guard Rapper, Vernon Tilan, their lucky days on ASAP!


Don’t miss “ASAP” this Sunday (Feb. 21) 12:15nn, on ABS-CBN. Visit ASAP.abs-cbn.com to hangout with stars at ASAP Chill-Out. Also, join the fun at “ASAP’s” official social networking accounts via www.facebook.com/asapofficial and www.twitter.com/ASAPOFFICIAL. Don’t forget to share your thought this Sunday using the official hashtag #ASAPOTWOLDay.

Read more...

I miss you too James! See you at the concert!

Thursday, February 18, 2016


Read more...

Gerald Anderson, mas madali nga ba ang celebration ng Valentine's day ngayong single siya?

Wednesday, February 17, 2016

Ang sayang tingnan ng photos na pinost ni Gerald Anderson last Valentine's Day, kung saan ang Mommy niya ang kanyang ka-date. Sa interview sa kanya ni Kris Aquino sa #KrisTVAlwaysBeMyMaybe yesterday, sinabi ni Ge na medyo matagal na raw kasing nakapag-spend siya ng Valentine's with his Mom kaya ngayon wala siyang ka-date, si Mommy Vangie ang dinate niya. 

Photo from Gerald's IG account
"She was really happy kagabi kasi you know ngayon lang kami nakalabas ng ganun, nakapagpasyal kami and then sabi niya nagawa ko to kasi, ahm nagawa namin to kasi wala akong girlfriend ganun so sana daw hindi muna ako mag-girlfriend ganun and alam din niya at the same time na malapit din ako dun sa parang... settling down age," kwento ni Ge na sabi raw ng Mom niya.

Sa date niya with his mother, nasabihan din daw siya nito, kung anong qualities ng babae ang dapat hanapin niya sa mapapangasawa niya.

"Kung ano yung ginawa niya for my dad na parang bago siya papasok kung may training dad ko or papasok aayusin niya uniform ng dad ko or... pati yung toothbrush daw ng dad ko lalagyan niya ng toothpaste. So parang gusto niya maalaga ganun, and maasikaso..."

Natanong din si Gerald kung easier ba raw ang Heart's day ngayong single siya, at sinabi ni Ge na oo naman. Pero iba pa rin naman daw, masarap pa rin daw sa pakiramdam to see the girl special in your life, na matuwa sa surprises na inihahanda for her kapag Valentine's. More than the gastos, it's the gesture at effort daw talaga. "It’s the thought talaga yung preparation I think girls like to be planned for," sabi pa ng Always Be My Maybe leading man.

Photo from Gerald's IG account
Lastly, tinanong siya ni Kris kung mahirap bang maging good-looking, at ito ang cute na sagot ni Ge: 

"It’s a responsibility parang yung sinabi ni Spiderman with great power comes great responsibility."  

Read more...

Boy Abunda binweltahan si Manny Pacquiao!

Mainit at nanggagalaiti ang marami - lalo na ang mga myembro ng LGBT - sa mga binitawang pahayag ni Manny Pacquiao patungkol sa pananaw niya sa Same Sex Marriage, sa interview sa kanya ng isang TV network. Sabi ng boksingero turned pulitiko:

"Common sense lang, makakita ka ba ng any animals, na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop (laughs), marunong kumikilala kung lalake o lalake, babae o babae. O di ba? Ngayon kung lalake sa lalake, babae sa babae, eh mas masahol pa sa hayop ang tao."


Ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda ay hindi napigilang balikan ang mapanghusgang statement ng pambansang kamao. Sabi niya sa interview sa kanya para sa Tonight With Boy Abunda:


 "Yung disapproval niya kasi sa same sex marriage I respect that. Pero yung mga ginamit niyang salita sobrang hindi pinag-isipan. Sobrang nakaka-degrade ng pagiging ano, ng pagkatao. Mas masahol pa sa hayop? I think that was just so, so unfair. Hindi sasabihin sa amin ng Diyos yun. Diyos ba siya? Gusto ko lang ipaalam din sa kanya ang opinyon ko. Kung yun ang paniniwala niya ay wala akong magagawa. Ako naman, ang paniniwala ko eh ah mas nakakahawa ang kamangmangan kaysa sa kabaklaan. Ako personally I will not vote for Manny."


Sa kanya namang Instagram account ay humingi ng paumanhin si Manny sa lahat daw ng kanyang nasaktan, sa kanyang pagkumapra sa tao sa hayop. Inaamin niyang kamalian niya raw yun, although hindi rin naman daw nagbabago ang pananaw niya sa same sex marriage.

Ang Asia's King of Talk naman ay naglabas na rin ng kanyang sama ng loob sa sinabi ni Manny. PERSONAL daw niyang opinyon at saloobin, nasaktan siya. Mahirap daw itong nangyari dahil nirerespeto niya si Manny. Pero ayon sa tv host:

"He crossed the line. He crossed the line. Hindi ako papayag Manny if you are watching na matawag mo ako na matawag mo ako na mas masahol pa ako sa hayop? I am lower than an animal?"

"Kami sa LGBT community, hindi rin kami titigil hanggang sa dulo ng buhay namin, hanggang kamatayan ipaglalaban namin ang aming karapatan to equality, to dignity. Dahil ninakaw ito sa amin, I am not begging Manny Pacquiao for dignity, I am not begging you for respect. I am not begging you for my humanity because you do not own my humanity. Akin yun, that's my birthright."

Tito Boy also cited Pope Francis.




"Anong sinabi ng Santo Papa ng mga Katoliko, you know if a person is gay and has goodwill and who seeks the Lord, who am I to judge. Manny sino ka? Sino ka para manghusga? Saan ka kumuha ng kapangyarihan para tawagin kami na mas masahol pa sa mga hayop?"





Sa huli, sa "common sense" na sinasabi ni Manny, ito ang huling tirada ni Tito Boy.

"Common sense ang ping-uusapan natin, tatakbo ka para senador, ito ang aking katanungan, ito personal ko lamang na tanong. Palagay mo ba, iboboto ko mga kababayan, dito sa studio, sa inyong mga bahay, iboboto ko ba ang isang tao na ang tingin sa akin ay hindi tao? Iboboto ko ba ang isang tao na ang tingin sa akin ay mas masahol pa sa hayop. Manny ang kasagutan ay salita mo, common sense."

Kayo po, ano ang pananaw nyo sa isyung ito? Iboboto niyo ba si Manny Pacquiao?

Read more...

James Reid and Nadine Lustre gear up for their JadINe Love concert!

Tuesday, February 16, 2016


Super EXCITED na ako para sa JadINe LOVE concert at the Smart Araneta Coliseum this coming Saturday, Feb. 20, 2016!!!!!

Magkikita-kita ba tayo dun? Sana po!!! Rehearsals pasilip pa lang to, kilig much na ko o! And I want to see James and Nadine conquer the Araneta! They deserve this, dahil bukod sa napaka-good looking nila pareho, mahuhusay na artista... ang babait pa! Very HUMBLE. Kanina during their back-to-back-to-back press cons, nagkita kami and sila pa talaga unang chumika. Ganun sila sa lahat ng kakilala nila na mga staff. Kaya isa ako sa super saya for them. Kung anong meron sila ngayon, matagal nilang hinintay at pinaghirapan. Sabay nilang inaabot ang mga pangarap nila, not just for themselves, pero mas para sa kani-kanilang pamilya.

Go JaDine! See you on Saturday, see you rin mga co-OTWOListas and JaDine addicts! Hehehe!

Please like my FB Page!

And subscribe to my YouTube channels for videos of our idols - JaDines and more! 

Follow me on Twitter, Snapchat and Instagram!
--> @darlasauler

***These photos are from Ate Jinky Fabelico's (@jinkyfab) Twitter posts. Thanks ate!









Read more...

Boyce Avenue in the Philippines!


Thanks Marc Noveloso for this video!

Let's all catch Boyce Avenue in their Philippine tour, this February 16, Tuesday, 8PM at the Smart Araneta Coliseum.

Feb. 18 - Waterfront Cebu
Feb. 19 - Limketkai Mall, CDO
Feb. 20 - La Salle Coliseum, Bacolod
Feb. 22 - University of Baguio

Read more...

Hay, ewan ko pero KILIG MUCH ako sa JaDine BTS photos!

Thursday, February 11, 2016

Got these photos from OTWOLISTA.com. Kilig much ako. Cleah o JaDine ba to? Hehehe!






Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP