7 things I found out about Janella Salvador

Friday, February 19, 2016


Sa bawat out of town shoot ng Kris TV, ang saya lagi ng experience. Dahil hindi lang yung iba't ibang magagandang lugar sa Pilipinas, masasarap na pagkain at makukulay na kultura natin ang nae-explore namin... ako personally, natutuwa dahil mas nakikita ko pa yung other side ng mga kapamilya stars natin - na nagiging guests ng programa. Alam niyo naman na kaya ako nagta-trabaho ngayon sa ABS-CBN - aside from this is my calling, ay dahil isa akong masugid na FAN. Kaya every moment spent with celebrities, talagang chine-cherish ko.





  
Two weeks ago ay nagpunta kami sa Mindoro kasama sina Marlo Mortel at Janella Salvador. Sobrang naaliw ako kay Janella, dahil first time namin siyang makasama ng ganun katagal. Ang dami kong bagong nalaman about her, na gusto kong i-share sa inyong lahat hehehe.

1. Takot pala si Janella sa anything na lumilipad hehehe, mapa-butterflies o maliliit na kulisap. Kaya aliw at ang cute nung paakyat kami sa San Rafael Cave tapos panic mode siya pag may nakita siyang lumilipad sa dinadaanan namin.




2. Ayaw ni Janella ng buko - kahit sabaw nito. Hehehe. Sabi niya nga on cam, may feeling raw kasi siyang parang umiinom siya ng pawis hehehe. Pero pag naka-buko pie na, fight naman yata siya.

3. Ang sarap niyang kasamang kumain! Promise! Super magana si bagets, at blessed kasi kahit anong kain niya, hindi siya tumataba. Mahilig din pala siya sa lengua, at sa sweets. Gulay, yes when forced daw hehehe. Oh, and ayaw niya ng spicy.

4. Old school pala siya pagdating sa music! As in magkakasundo rin kami hahaha! 70's-80's na type of music ang like niya.

5. She likes fruits, EXCEPT for apples. Hehehe. Ay naalala ko rin, ayaw niya sa taba. Unless it's malutong na like chicharon. (Parang karugtong lang din to ng #3 no? hehehe)

6. Sa parating niyang birthday, ayaw niya ng magarbong celebration. Very simple pala talaga si Janella. 

7. Wala siyang sports. Never daw siyang nag-excel sa kahit ano. 









Yan muna, hehehe. Pag may naalala ako update ko na lang tong post.

5 comments:

Anne Belino February 19, 2016 at 9:32 PM  

Thank you po ms.darla more bts pics pa po please..hehehe

Anne Belino February 19, 2016 at 9:32 PM  

Thank you po ms.darla more bts pics pa po please..hehehe

Sandra Quinones February 21, 2016 at 12:42 AM  
This comment has been removed by the author.
Reyna Ligue April 12, 2016 at 12:19 AM  

Idk why ABS changed janella's love team :-( im not hating on the recent 1 pero mas bagay cya with marlo! ...

Reyna Ligue April 12, 2016 at 12:20 AM  

Idk why ABS changed janella's love team :-( im not hating on the recent 1 pero mas bagay cya with marlo! ...

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP