EXCLUSIVE: Is it over for Jane Oineza and Jeron Teng?

Tuesday, February 2, 2016

December 2013, I first posted an article here asking if Jeron Teng was courting Jane Oineza. And mula noon, nasubaybayan na natin ang pagka-develop ng special relationship ng dalawa.

Recently, Jeron was spotted with another girl, na ini-intrigang bagong girlfriend niya raw. So napatanong tuloy ako, ano na kaya ang nangyari sa kanila ni Jane?

Photo from Jane's IG, posted 13 weeks ago as of this writing.
I talked to both of them through text, and it is confirmed. Months ago na pala since they decided to end their relationship. Medyo complicated daw ang sitwasyon. Pero they both agreed na mag-focus na muna si Jane sa career niya, and ayaw din ni Jeron na maging hadlang in any way rito.

Ang importante rito, they remain friends naman daw. "Good break-up" daw ang nangyari sa kanila sabi ni Jeron. Same rin naman ang sinabi ni Jane sa conversation namin, she is okay and very busy ngayon sa work - at friends nga raw sila.

Nakakapanghinayang, pero I understand naman. Bata pa sila at ang dami pa nilang pwedeng gawin individually. Kung sila, sila pa rin naman siguro in the future. Ang mahalaga, they were able to make happy memories together na pag nag-look back sila, mapapangiti pa rin nila ang isa't isa.

Oh by the way, I asked Jeron na rin about girl spotted with him, friends lang daw po sila. (=

Thanks Jeron and Jane for always trusting me. Good luck sa kanya-kanyang career, hope to see you both soon!

*PS: Namiss kong magblog. Hahaha!

1 comments:

cheeney lorete February 2, 2016 at 3:15 PM  

Nakakatuwa talaga omagbasa ng article dito sa blog mo Darla. NspakaPositive ng aura. Pag-ikaw ang nagbalita. Di kagaya ng ibang blog na mapanira sa mga artista. :) God bless you Darla!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP