Gerald Anderson, mas madali nga ba ang celebration ng Valentine's day ngayong single siya?

Wednesday, February 17, 2016

Ang sayang tingnan ng photos na pinost ni Gerald Anderson last Valentine's Day, kung saan ang Mommy niya ang kanyang ka-date. Sa interview sa kanya ni Kris Aquino sa #KrisTVAlwaysBeMyMaybe yesterday, sinabi ni Ge na medyo matagal na raw kasing nakapag-spend siya ng Valentine's with his Mom kaya ngayon wala siyang ka-date, si Mommy Vangie ang dinate niya. 

Photo from Gerald's IG account
"She was really happy kagabi kasi you know ngayon lang kami nakalabas ng ganun, nakapagpasyal kami and then sabi niya nagawa ko to kasi, ahm nagawa namin to kasi wala akong girlfriend ganun so sana daw hindi muna ako mag-girlfriend ganun and alam din niya at the same time na malapit din ako dun sa parang... settling down age," kwento ni Ge na sabi raw ng Mom niya.

Sa date niya with his mother, nasabihan din daw siya nito, kung anong qualities ng babae ang dapat hanapin niya sa mapapangasawa niya.

"Kung ano yung ginawa niya for my dad na parang bago siya papasok kung may training dad ko or papasok aayusin niya uniform ng dad ko or... pati yung toothbrush daw ng dad ko lalagyan niya ng toothpaste. So parang gusto niya maalaga ganun, and maasikaso..."

Natanong din si Gerald kung easier ba raw ang Heart's day ngayong single siya, at sinabi ni Ge na oo naman. Pero iba pa rin naman daw, masarap pa rin daw sa pakiramdam to see the girl special in your life, na matuwa sa surprises na inihahanda for her kapag Valentine's. More than the gastos, it's the gesture at effort daw talaga. "It’s the thought talaga yung preparation I think girls like to be planned for," sabi pa ng Always Be My Maybe leading man.

Photo from Gerald's IG account
Lastly, tinanong siya ni Kris kung mahirap bang maging good-looking, at ito ang cute na sagot ni Ge: 

"It’s a responsibility parang yung sinabi ni Spiderman with great power comes great responsibility."  

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP