Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Showing posts with label Kokey. Show all posts
Showing posts with label Kokey. Show all posts

Toni Gonzaga, pinangarap maging kasambahay!

Saturday, September 18, 2010



Sa nakaka-aliw na episode ni Toni Gonzaga sa Simply KC, inamin niyang lumaki siya na ang pangarap niya ay maging isang kasambahay! Dahil since nung bata pa raw siya, feel na feel niya nang gumagawa ng mga household chores. At saka tulad ng lahat ng bata, namulat siya sa mga fairytales kung saan marami raw sa mga naging princesses ay dati o naging kasambahay. At saka nakakatanggal stress daw kasi sa kanya minsan ang paglilinis ng bahay. Hehehe! Cool!

Pero hindi naging kasambahay si Toni, kundi naging ang Ultimate Multimedia Star ng showbiz ngayon! At isa sa latest na aabangan nating lahat sa kanya, ay ang Kokey at Ako na ipapalabas na sa Lunes - September 20! Personally ay excited talaga ako sa seryeng ito dahil trailer pa lang, super naligayahan na ko. Pagsamahin ba naman sina Toni at Vhong Navarro, at sina Melai at Jason... riot talaga! 



Oh and by the way, sa mga gustong bumili ng Kokey at Kekay dolls, available na po ito sa Toy Kingdom Express and online, at sa abscbnstore.multiply.com hehehe!

Read more...

Toni & Vhong + Melai & Jason = KOKEY! (20 new pics, click here)

Wednesday, March 17, 2010


Read more...

More MELASON pics from Kokey pictorial! (click here to see more)

Saturday, March 13, 2010


 

Read more...

FIRST SEEN : Toni and Vhong, plus MELASON in Kokey! (click here for more photos)

Friday, March 12, 2010

Read more...

EXCLUSIVE! FIRST READ : Angel Locsin's statement sa hindi niya pagkatuloy to do KOKEY



Ang tagal nang tinatanong ng lahat, hindi na ba tuloy si Angel Locsin sa tv series na "Si Kokey at Ako"? Hanggang sa lumabas na nga ang balita na si Toni Gonzaga na ang gagawa nito, with Vhong Navarro pa rin. Today, pictorial na nina Toni at Vhong for the said show. Kaya naman, bago pa magkaroon ng anumang intriga.... Nagkausap kami ni Angel and she gave me this statement, para po sa lahat ng nagtatanong at nagtataka kung bakit biglang hindi na siya ang magiging isa sa mga bida sa series na ito :

"Regarding po sa Kokey : YES, hindi na po ako makakasama sa cast ng Kokey. I'm super excited na maka-work si Vhong at si Direk Wenn. Saka di ba nakapag-storycon (story conference), trade launch, trailer shoot, (at) pictorial na kami for Kokey. Pero syempre nirerespeto ko po yung decision ng management ☺. Mas alam naman nila yan kesa sa akin ☺. Kinakailangan na daw po kasi namin mag-grind para sa movie at soap with JLC (John Lloyd Cruz). Kung ano na lang po yung maging plano nila for me ☺. Sana soon magkatrabaho kami nina Vhong, Direk at production / staff, unit ni Direk Lauren, nagpadala po sila ng flowers sa bahay ☺. Thanks Direk! ☺ I'm happy rin for Toni ☺ bagay sa kanya ang role ☺. Mas bagay nga sa kanya kesa sa akin eh. Plus maganda ang team-up nila ni Vhong ☺Baka nga po mas napaganda pa ang Kokey ☺. Excited na rin po ako sa movie with Kuya Aga ☺ ibang klase po ito... Pinagdarasal ko na sana magawa ko po ng maayos ☺. Kasabay po ng shoot, sisimulan na rin po yung serye namin ni John Lloyd ☺. Isang taon ko po ito hinintay! Good luck sa akin at nine-nerbiyos po ako ng todo todo ☺.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP