Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Showing posts with label aquino sisters. Show all posts
Showing posts with label aquino sisters. Show all posts

Kris Aquino, sinorpresa ng sisters with a special song number!

Monday, February 15, 2010

Marami ang na-surprise kahapon sa The Buzz nang biglang umappear ang sisters ng Queen of All Media na sina Ballsy, Pinky at Viel, sa isang song number for Krisy. Syempre, hindi kumpleto ang siblings - at ang happiness - dahil wala si Senator Noynoy, kasi nga bawal na. Maiyak-iyak pa nga si Krisy nang i-mention niya ang absence ng isang kapatid.

In all fairness, may boses ang tatlong kapatid ni Krisy di ba? At kitang-kita how much they love their bunso when they were singing na. Krisy then made a promise to them na ang pagkanta nilang yun will be their first and last, since next year ay 40 na daw siya at wala nang birthday celebration, as bongga as this year, na mangyayari. Isa sa mga hiling ni Krisy, tulungan natin sila sa ipinaglalaban nila dahil wala naman daw silang ibang hangad kundi ang mas mapabuti ang ating bayan.

On the other hand, nang pumunta ako sa dressing room para kunan ng picture ang three sisters ni Kris... Na-touch naman ako dahil super bait nila. Makikita mo talaga kung gaano kabuti silang pinalaki ni President Cory. Thank you po sa pagpayag magpa-picture for my "prettiest" collection!


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP