HUNK ACTOR, gustong tuhugin ang dalawang teleserye actresses?

Uh-oh... Akala siguro ng sikat na hunk actor na ito, hindi makakalabas ang attempt niyang mamangka sa dalawang ilog [mamangka sa dalawang ilog daw o!]. Sorry na lang, dahil eto na siya...

Kahit pa super sweet ang projection nilang dalawa ng "GF" niyang sikat na aktres, itong si hunk actor daw ay sumisimple rin ng panliligaw sa isa pang aktres na madalas maging leading lady sa mga teleserye. Nakarating ngayon ito sa "GF," kaya si "GF" panay ang paninira ngayon kay teleserye leading lady! Kesyo, hindi raw ito marunong umarte [ang taray parang siya magaling umarte!], at kung anu-ano pang pangchachaka. Kaya ang usap-usapan ng mga nakaka-trabaho nila, nalalapit na rin ang panahong mangyari kay "GF" ang ginawa ni hunk actor sa ex-gf niya! Yun na! Karma is a bitch!

Comments

Post a Comment

Popular Posts