Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

FRESH AND HOT! I Love You, Goodbye... The Official Full Trailer! See it here first!

Saturday, November 28, 2009


Ano ang mas matimbang sa kanya... ang pagmamahal sa anak, o sa babaeng mahal niya?

Dalawa ang mahal niya, pero mas higit niya niyang mahal ang isa sa kanila...
Siya ang mahal niya, pero iba ang minamahal ng mahal niya.

Kung may mahal nang iba ang mahal niya, handa ba siyang buksan ang puso niya para sa bagong pag-ibig?

Angelica Panganiban faces the BIGGEST challenge in her career!
Si Kim Chiu, gugulatin ang lahat sa naiiba niyang role!
Gabby Concepcion and Derek Ramsay... sinong pipiliin mo?
The hottest and most controversial movie ng Metro Manila Film Festival 2009! 

To whom do you say I Love You?
To whom do you say... Goodbye?
...because sometimes... I love you is Goodbye.

Handa ka na bang sabihin sa minamahal mo ang mga katagang... "I Love You... Goodbye?"

video
Thanks Star Cincma for the video!

Read more...

Singer-actress, nakiki-share ng benefactor sa isang Sexy Star!

Thursday, November 26, 2009

Blind item na naman mga Teh at Kuya!

Chikang gold-digging naman tayo this time! Sino itong isang singer-actress na may isang show lang sa kanyang mother network... pero pagdating sa yaman - as in pera, hindi siya magpapatalbog sa bigger stars ng kanilang station.


Napapanood niyo si singer-actress sa isang daily show [Monday-Friday]. Ito lang ang kanyang regular show, at ang TF niya dito, panigurado namang mas maliit compared to her co-stars. Pero ang nakakapagtaka, halos every month siyang magpalit ng sasakyan - na imposible namang nakukuha niya ang pambili sa kanyang business na hindi naman ganun ka-big. Hindi lang yun, pati ang kanyang dear mother aba kabog pa ang mga sosyalerang stars sa pagbalandra ng kanyang Chanel bags. Maliban sa mamahaling bags ni mother, si singer-actress suki din ng isang alahera! As in frequent visitor niya sa taping - sa kanyang standby area - si alahera, at walang palya kung kumuha siya ng alahas ha! Dahil dito... marami na ang nagtataka kung saan kumukuha si singer-actress ng budget. Eh kung tutuusin... STARLET lang siya. Naging leading lady na okay, pero STARLET pa rin kung ningning ang pag-uusapan.

Eto na, a little birdie found out na si singer-actress... may rich non-showbiz benefactor! At ang nakakaloka, ang benefactor na ito... the same benefactor na nagbibigay pera sa co-star ni singer-actress sa kanilang show! Napa-tumbling pa ako sa idinagdag ng friend kong birdie... aware daw ang dalawang female stars na ito na nagshe-share sila sa isang lalake at dedma lang sila! Well, kung pareho nga naman silang nakikinabang di ba?

Read more...

The "Bolder" Mark Herras

Last Tuesday, Mark launched na his third dance album "Mark Herras : The Greatest Moves" under Universal records. Kasabay daw ng bagong album na ito, ang bagong image ni Mark! Dahil finally, the young actor realized na "hindi na daw siya bata" at he sees the need now to hit the gym, hindi lang para i-boost ang self-confidence niya, pero para mabuksan rin ang maraming showbiz opportunities for him. So yes, Mark is ready to be a mature actor na.

Sa album launch ding ito ni Mark, again... He agreed to do another "i love darla" thing! Hahaha! His first two "i love darla" photos were taken by our dear friend Pauleen Luna sa set ng kanilang teleseryeng "Ikaw Sana." This time, next level na! Ganun talaga pag ultimate showbiz crush mo. Hahaha!

video

Read more...

ANGEL LOCSIN AND CARMEN SOO at the International Emmy Awards!

Wednesday, November 25, 2009





Here are some photos of Angel Locsin and Carmen Soo sa New York, for the 2009 International Emmy Awards. Hindi man nanalo si Angel bilang Best Actress [na napanalunan ni Julie Walters], siya naman daw ang pinaka-pinagkaguluhan at ininterview sa Red Carpet according to my source Lester Villarama. Si Angel nga daw ang star na pinaka-nagtagal sa red carpet. We are proud of you Gel! Winner ka para sa amin!

PS : Lester mars, will try to make habol the video you sent. Laki nung file di ko pa naco-convert. Hehehe! Thanks again! Happy coping with your work there in Chicago! (=

Read more...

JINKEE-MANNY-KRISTA : The Individuals Behind the Controversy

Last Sunday sa super shocking episode ng The Buzz, isa-isang ipinakilala sina Manny and Jinkee Pacquiao at si Krista Ranillo... Ang mga taong nadadawit sa hottest controversy ngayon. Sa mga hindi nakapanood... here's what you've missed!


Bago siya maging asawa ng pinaka-sikat na boksingero ngayon sa buong mundo... JINKEE PACQUIAO was a simple middle-class woman from General Santos City, South Cotabato. Ipinanganak noong January 12, 1979 si Jinkee Jamora at ang kanyang kakambal na si Janet. Sila ang pangatlo / pang-apat na anak nina Nestor at Rosalina Jamora. Ang pamilya Jamora sa GenSan ay ay may lupain ng niyogan at nagba-buy and sell ng copra. Sa tahimik nilang pamumuhay dati, Nanay Rosalina described Jinkee as a kind and obedient daughter.

Jinkee was a consistent honor student at the Notre Dame of General Santos City. She then took up a 2-year computer programming course at the AMA University, GenSan. Pagkatapos nito, napagdesisyunan ni Jinkee na magwork bilang isang beauty consultant sa Fitmart Mall in GenSan. Sa mga panahong ito, ipinakilala sa kanya ng kanyang Tito Renaldo Jamora ang noo'y amateur boxer pa lamang na si MANNY PACQUIAO.


December 17, 1978 ipinanganak si Emmanuel Dapidran Pacquiao. Laking GenSan-laking hirap si Manny, na pangalawa sa anim na magkakapatid. Binatilyo pa lamang, iniwan na sila ng kanilang amang si Roselio, kaya naman para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang inang si Nanay Dionisia... sumama siya sa pagtitinda ng pandesal at donut sa kalsada.

Mahilig si Manny noon na makinig ng drama sa radyo and according to Nanay Dionisia, isang kwento [sa radyo pa rin] tungkol sa isang taong naka-ahon sa hirap dahil sa boxing ang nagbigay idea at inspiration sa kanyang anak para pasukin ang mundo ng boxing. Nagpaturo sila ng kanyang kapatid na si Bobby sa isang kapitbahay nilang nagngangalang Dizon Cordero. Noon pa man, kinakitaan na si Manny ng kakaibang lakas ng kamao at liksi ng galaw sa ring. Kaya naman bago niya pa makuha ang bansag na Pacman, si Manny... nakilala noon bilang si Kid Kulafu - hango daw sa isang inumin noon na malakas kung "sumipa." At first, inilihim ni Manny kay Nanay Dionisia ang pagsali niya sa "Boxing at the Park," isang weekly boxing thing sa oval plaza ng GenSan. Minsan din, nakakarating pa siya sa Sarangani para lang makapag-training. When his mother found out about it and started reprimanding him, anng isinagot lang daw ni Manny "Wala kayo magagawa ma, gusto ko mag-boxing para tayo magkapera!"

From GenSan, sinubukan ni Manny ang kanyang kapalaran sa Tondo, Manila. He worked as a "piyon" sa isang construction site, habang patuloy pa rin ang pag-eensayo ng boksing during his free time. 1994 : 16 years old pa lang si Manny nang una siyang makita sa tv, sa evening boxing show na Blow by Blow ng Vintage Sports. Mula dito... unti-unti nang gumawa ng sarili niyang pangalan si Manny sa boxing world. Ang Kid Kulafu naging Pacman na. Mula sa pagiging isang patpating binatilyo to a fighter feared by all. Ngayon, meron na siyang pitong world championship belt titles [IBF FLYWEIGHT CHAMPION vs CHATCHAI SASAKUL, IBF SUPERBANTAM WEIGHT CHAMPION vs LEHLOHONOLO LEDWABA, WBC SUPER FEATHERWEIGHT CHAMPION vs ERIK MORALES, WBC SUPER FEATHERWEIGHT CHAMPION vs MANUEL MARQUEZ, WBC LIGHTWEIGHT CHAMPION vs DAVID DIAZ, IBO LIGHT WELTERWEIGHT CHAMPION vs RICKY HATTON, and WBO WELTERWEIGHT CHAMPION vs MIGUEL COTTO] at bilyon-bilyong pera mula sa mga panalong ito.

Pero ang isa sa mga pinaka-mahalaga at meaningful na panalong maituturing sa buhay ni Manny, ay ang time na ma-win niya ang heart ng nakilala niyang beauty consultant sa Fitmart Mall sa GenSan na si Jinkee. 1999 nang una silang magtagpo. Manny was 21 years old, 20 naman si Jinkee. Love at first sight daw ang nangyari kay Manny. From the time they met, lahat ginawa ng boksingero hanggang sa mapasagot si Jinkee --- na si Manny ang itinuturing na first serious relationship. After six months ng pagiging mag-on, hiningi na ni Manny ang kamay ni Jinkee mula sa mga magulang nito. August of year 2000, ikinasal sila sa Our Lady of Peace and Good Voyage sa GenSan. Ngayon, magsa-sampung taon nang nagsasama ang dalawa na biniyayaan ng apat na anak.

Kasabay ng pagsikat ni Manny ang pagginhawa ng buhay nila. Pero dala ng kayamanan at pagsabak sa showbiz, ang kanilang pagsasama ay nagsimulang mabahiran ng intriga. Si Manny, na-link na sa iba't ibang aktres na nakasama niya sa pelikula. Ilan sa mga na-link sa kanya : sina Geneva Cruz, Ara Mina, Valerie Concepcion, Rufa Mae Quinto... at ngayon nga, ang pinaka-mainit at maingay na pangalang iniu-ugnay sa Pound-for-Pound King... si KRISTA RANILLO.


Born as Cristalle Lauren Tupaz Ranillo, siya ang panganay na anak ng dating matinee idol na si Matt Ranillo III at former model na si Linda Tupaz. Apo siya ng tinaguriang "King and Queen of Visayan Movies" na sina Matt Ranillo, Jr. at Gloria Sevilla. Krista got her nickname [and screen name] from the movie "Kristo," kung saan ang daddy niya ang gumanap bilang si Jesus Christ.

May dalawang kapatid si Krista : si Kevin at si Trixie, ang bunso : ipinanganak na may cleft palate. Para makatulong sa pagpapagamot sa sister niya, at the age of 13 pumasok si Krista sa showbiz. Lumabas sa ilang programa sa kanyang mother network noon, ang GMA-7. 2002, temporarily ay nilisan niya ang showbiz para pagtuunan ng pansin ang pag-aaral niya sa Ateneo de Manila University. She was a consistent dean's lister, and even graduated with honors para sa kursong Interdisciplinary Studies, with tracks in Communication Arts and Psychology last 2007.

2008 : Krista shocked everyone --- including her father --- when she suddenly let go of her pa-tweetums image and became an instant sexy star via the indie film "Paupahan." Hindi dito natapos ang kanyang bold decision, dahil later on ay naging cover naman siya ng mga men's magazines na FHM and Maxim-which then hired as a regular sex columnist.

Krista's lovelife was also controversial even before. Diumano, she was involved sa break-up nina Michael de Mesa at Gina Alajar. Diumano, naging boyfriend niya rin noon ang super sikat ngayon na si John Lloyd Cruz. Hanggang sa makilala niya ang TV Director na si Dominic Zapata, at maka-relasyon ito for more or less 8 years. Sa pagkakataong ito, na-intriga naman si Krista na "bilmoko girl" kay Direk. Issueng itinanggi ng sexy actress. Just recently, pep.ph's twitter account - scoopbox - announced that September this year, nag-break na sina Krista at Direk Dominic.

Sa kabila ng mga pang-iintriga sa kanya, naging focused pa rin si Krista sa kanyang career. Nakapag-taping na siya para sa ABS-CBN Agimat series na "Tonyong Bayawak," na pagbibidahan ni Coco Martin. Nag-shooting [at magshu-shooting pa dahil until now hindi pa raw siya tapos] na rin siya for the MMFF movie na "Wapakman" kung saan una niyang nakasama si Manny Pacquiao... at kung saan nag-ugat lahat ng intrigang ibinabato sa kanya ngayon.

Sa dami ng naglalabasang diumano'y ebidensiya sa Manny-Krista alleged affair, marami pa rin ang ayaw magbigay ng opinyon hangga't hindi naririnig ang panig ni Krista. A source of Boy Abunda already cleared na ang paglipad ng pamilya nina Krista papuntang U.S. ay hindi sponsored ni Manny, dahil ang tickets daw nila Krista ay "fly now, pay later" at kaya nandoon ang pamilya ng aktres ay para sa regular na pagpapagazmot ng kapatid niyang may cleft palate. Kinumpirma naman ni Jinkee thru her text message kay Kris Aquino last week din sa The Buzz na totoong nagkita sina Krista at ang misis ni Pacman sa Chanel store at the Wynn Las Vegas. But contrary to the reports na may talakang naganap, Jinkee told Kris na she just looked at Krista na first time niyang makita that time, and didn't say a single word to her.

Samantala, sa isang GMA-7 interview sa kanya aired last Saturday night, Manny Pacquiao apologized sa pamilya ni Krista dahil sa eskandalong ito. At ang asawa niyang Jinkee, nagpa-interview na rin kay Jiggy Manicad at sinabing nasasaktan siya sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ngayon. Pero ipaglalaban niya daw ang kanyang pamilya, dahil hindi biro ang sampung taong pagsasamang binuo nila. When Manicad asked her about the Krista-Manny alleged affair, hindi raw sumagot si Jinkee. Pero ang message daw ni Jinkee kay Krista : "Bata pa siya marami pa siyang gustong gawin sa buhay n’ya, may future pa siya so isipin n’ya kung magiging masaya ba siya kung makiki-join siya sa isang tao na may family."

Sa interview pa ring ito ni Manicad for GMA-7, idinagdag ni Jinkee : “Magiging masaya ba siya kung makasira siya ng isang pamilya? So, madami pa siyang makikilalang iba na single ‘di ba? Bakit kailangan pa sa isang may asawa? Si Manny may mga anak, masaya ang family namin, mahirap yung masisira yung family… Dapat tulungan na lang na buo ang family magiging masaya sila para sa amin."

Today, ang hinihintay na boses... ang babaeng inaakusahan... dadating na sa Pilipinas. Ano kaya ang mga buwelta ni Krista Ranillo sa mga intrigang ibinabato sa kanya? Sa Sunday, exclusive on The Buzz.. sina Jinkee-Manny-Krista... once and for all, walang takot na haharapin ang matinding eskandalong ito. Abangan!

jinkee-manny-krista profile / story source : ABS-CBN's The Buzz, November 22, 2009 episode

Read more...

Cristine and Jake heat up your afternoons again!

Monday, November 23, 2009

Sa Precious Hearts Romances : Cheating Hearts, I'm sure marami ang muling kikiligin at gugulatin ng pagiging daring nina Jake at Cristine sa kanilang pag-arte dito! Here's a photo of them habang tengga sa taping nila just tonight.

Thank you Cristine Reyes for having this photo taken especially for this site. Hihihi! Love yah Teh!

Read more...

Angel Locsin receiving her medal bilang Emmy's Best Actress Nominee!

video

Yesterday, Angel Locsin attended an Emmy's program / event kung saan all the nominees were given na their medals of recognition. Angel is nominated for Best Single Performance by an Actress para sa kanyang pagganap na taong-lobo [Lyka] in the ABS-CBN teleserye Lobo. Present din sa ceremony si Carmen Soo, female star sa kapamilya teleseryeng Kahit Isang Saglit na nominated naman bilang best teleserye.






Thank you so much Lester Villarama and Team Gelo for the photos / video [in-edit ko na ha hehehe]. Lester is a good friend of Angel based in Chicago, pinapunta siya ni Angel sa NY para makapag-bonding sila while she's there --- at syempre for support na rin! Thanks again Lester! Mwah!

More from Lester and Team Gelo : Humarap na kanina si Angel for the Best Actress Press Panel ng International Emmy Awards. Well-loved daw si angel ng international press, at marami daw sa mga nandoon na nakapanood ng trailer ng "Lobo," impressed! New York time - 5pm mamaya [November 23] daw start ng Red Carpet / International Emmy Awards ---- around 5-6am naman dito sa atin bukas [Tuesday, November 24]. Go Angel!


The full story of "Angel at the International Emmy Awards"... abangan sa SNN!

Read more...

Heart E. and Dennis T. in China for MANO PO 6!

Sunday, November 22, 2009


Kahit medyo na-intriga a few days ago... Heart Evangelista is in high spirits na ulit now. Tama lang naman na hindi magpa-apekto sa intrigues lalo pa't namamayagpag ang kanyang career ngayon. A movie with the Megastar Sharon Cuneta and the Divine Diva Zsa Zsa Padilla plus an upcoming major teleserye... Saan ka pa di ba?! Go hearty! Luv yah!

*Thanks Hearty for the photos! (=

Read more...

Sexy Starlet, tinalakan ang bading na stalker ng kaniyang BF na aktor!

Blind item time na naman!
Sino itong isang sexy female starlet na produkto ng isang reality-search sa tv, na iritang-irita daw sa isang bading na staff sa network nila! Na-discover kasi ni sexy starlet na si bading, panay ang text sa kanyang BF na gwapong young actor (na nanggaling din sa reality search!). As in kung ano-anong pagpapa-sweet daw ang tine-text nitong staff na ito kay young actor! Kaya si sexy starlet, may i sumbong na sa superior ni bading na staff. Pero mukhang di natigil ang pagte-text nito kay young actor... Kaya ang ginawa ni sexy starlet, sa isang party kung saan present ang maraming artista at mga staff ng network nila, mismong siya na ang nag-confront kay bading! At ang sabi niya : "Hoy kalalaki mong tao, bakit mo tinetext ng kung anu-ano si [young actor]? Nakakaloka ka! Stop! Stop!" Syempre ang bading daw, super deny! Pero ang sexy starlet ito pa rin ang naging sagot : "Stop! Stop!" OMG! Nakakatuwa ang ka-cheapan ng eksena! Hahaha!

Read more...

FINALLY! My Ultimate Crush! Hihihi!

Friday, November 20, 2009


Thank you Pauleen Luna for these photos! I love you girl! And i uber love Mark too! Hahaha!

Read more...

GIBO loves DARLA!

Thursday, November 19, 2009

Waaaahhhh... Ibig bang sabihin nito dapat lahat ng presidentiables (and vice presidentiables?!?) mag-I LOVE DARLA? Hirap naman nun. )=

Read more...

Young Hunk Actor, stalker ng isang Sexy Star!

Wednesday, November 18, 2009

Sino itong isang batang hunk actor na ilang taon na raw kinukulit sa text ang isang pa-sweet reality-search-contestant-turned-sexy-actress! Ang katotohanan pala daw, noong magkakilala sila three years ago type na type na ni young hunk si sexy star! Kaya lang si hunk actor, ipinares sa isang sikat na aktres kaya pilit na pinalayo kay sexy star!

Sa projection nina hunk actor at famous actress sa public ngayon, super smooth at promising ang dating ng relationship nila. Yung tipong, sila na ang magkakatuluyan pagdating ng araw. Pero sa mga bulung-bulungan about him, mukhang hindi talaga type ni hunk actor ang ka-loveteam niya dahil ang dami niyang girls na itinatago --- isa na nga itong sexy star na umemote na text-kiti-text pa rin sa kanya si young hunk! Ay ano ba yan! Baka naman kasi likas lang na "mahilig" si young hunk actor!

Thank you red lips for this inside chika!

Read more...

Megastar Sharon Cuneta, TUTOL sa KC Concepcion-Robin Padilla TEAM-UP!

Ngayong isang buwan na lang matatapos na ang teleserye niyang "Lovers in Paris" with Piolo Pascual and Zanjoe Marudo, marami ang curious kung sino ang next leading man na makakatrabaho ni KC Concepcion. Sa launch niya as the newest Swatch endorser, KC expressed na ang gusto niyang maging next leading man ay ang Bad Boy ng showbiz na si Robin Padilla! Bata pa lang daw siya, idol niya na si Binoy. Bilib daw siya kung paanong sa kabila ng pagkakaroon ng Bad Boy image, napapanatili naman ng action star ang pagiging Good Boy nito sa tunay na buhay. Kaya lang... ex-leading man daw ito ng mama niya kaya medyo nakakahiya kung sila naman ang magiging magka-partner!


Samantala, kagabi sa SNN, ang Megastar Sharon Cuneta nag-react sa naging pahayag na ito ni KC! According to her : "Parang... nakakailang lang din. Pag mga naging leading ko, oo nga no? Kasi anak ko yun para namang nag-aagawan kami sa pag-kiss! Naku parang hindi best to stick to people of our own age. Sila na lang ng Papa [Gabby Concepcion] niya okay lang. Hindi siguro, okay lang yun artista naman kami, okay lang yun pero wag na si Robin. Hahaha! Nakaka-nerbiyos yan, wag tayo dyan! Hahaha!"

Nang siya naman ang tanungin kung handa na siyang makipag-tambal ulit kay Gabby, diretsahang sinabi ni Megastar na hindi muna siya gagawa ng project with any leading man --- lalo na with Gabby --- hangga't hindi pa siya namamayat!

Read more...

Manny Pacquiao - Jimmy Kimmel Live show.

Tuesday, November 17, 2009

Got this from youtube, uploaded by a user with the username : celebritynationVIDS. The video description says : "I caught boxing champion Manny Pac Man Paquiao leaving the Jimmy Kimmel Live show. Manny didn't bother to sign for about 70 fans that were there to show there [sic] support for him. Manny fights Miguel Cotto later this month and I hope Manny wins."

Wow! Manny himself drives pala pag he's abroad? Bongga! Who's with him? Mahiyain nagtatakip ng face!


video

source : youtube - http://www.youtube.com/watch?v=Ip2Ob8EWFf8

Read more...

Ultimate Loveteam Poll Results



KC-CHARD 22, 439
KIM-GERALD 11, 870
KC-PIOLO 2, 030
ECHO-TIN 942
BEA-JOHN LLOYD 142
SARAH-JOHN LLOYD 95
TONI-SAM 76
ERICH-ENCHONG 69
MELISSA-MATT 33
MARIAN-DINGDONG 21


total votes : 37, 717!!!!

Thanks sa lahat ng bumoto! Hanggang sa susunod na poll!

Read more...

I Love You, Goodbye.....

Monday, November 16, 2009

video

Angelica Panganiban and Kim Chiu... "I Love You, Goodbye"

Read more...

I Love You, Goodbye....

Angelica Panganiban and Gabby Concepcion... "I Love You, Goodbye"

video

Read more...

I Love You, Goodbye...

video

Angelica Panganiban and Derek Ramsay... "I Love You, Goodbye..."

Read more...

EDU MANZANO for Vice President!

Friday, November 13, 2009


Former OMB Chairman, and Game Ka Na Ba host Edu Manzano, confirmed na magiging running mate ni Defense Secretary Gilbert Teodoro! So... Edu vs. Mar Roxas vs. Loren Legarda na ang mga sure... kanino ka?

Read more...

Happy Birthday to our COMEDY QUEEN!

Thursday, November 12, 2009


Last night, star-studded ang simple birthday celebration ng ating comedy queen na si Ms. AiAi delas Alas. Sa mga nagdaang tv shows, naging very vocal ang lahat ng friends ni Ms. AiAi na ang tanging wish nila for our Tanging Ina ay ang magkaroon na siya ng special someone to be with forever. Ang sagot dyan ni Ms. Ai : "Lahat sila gusto nila yun, pero hindi lahat binibigay ni lord eh, so okay lang. Ako naman kung ano yung ibigay sa akin yun na yun, tanggapin natin at saka wag tayong maghanap ng wala tayo, icherish natin kung ano yung meron tayo."

With her BFF, the Megastar Sharon Cuneta
With ABS-CBN President Ms. Charo Santos-Concio and Channel Head Ms. Cory Vidanes
With her life, her kids : Nikki, Sancho and Sophia

Sa tinatamasa niyang success, natanong din ang Comedy Queen kung may gusto pa siyang gawing pelikula - at sino ang pangarap niyang makasama. "Marami pa! si Tito Dolphy hindi ko pa nakakasama, si Aga, ah sino pa ba? Si Ate Vi syempre hindi ko pa nakakasama! At saka marami pa akong artistang hindi nakakasama," ang humble na sabi niya. Next year, maghahanda naman daw sila ni Direk Wenn Deramas para sa "Ang Tanging Pamilya - OFW" at may isang teleserye daw siyang gagawin. Kapag mabait at generous ka talagang tao, patuloy ang balik sa iyo ng biyaya. Ganyan si Ms. AiAi delas Alas! Congrats and Happy Birthday Tyang Ai!

With the king of pop Erik Santos
With the megastar and BB Gandanghari

With Anne Curtis and Sam Milby

Thank you Sancho delas Alas for the photos!

Read more...

Famous 'yummy' actor, may mestisang itinatago sa bahay niya!

Blind item time again! Isang sikat at hunk actor na naman ang subject natin ngayon. Nang sabihin sa akin ng source ko ang balitang ito, medyo hindi na ako nagulat dahil totoo namang babaero in real life si yummy actor. Kaya lang, na-sad ako for his reel life partner [hindi ko masabing "real" dahil until now hindi pa rin clear ang real score between them] na parang super faithful sa kanya. Maganda naman kasi si actress na ka-loveteam niya, sikat na sikat din ngayon.

Oh well, ang kwento : sa bonggang bahay daw ni yummy actor, may nakakakita sa isang mestisang taga-Visayas na bumibisita every now and then. Pwede namang hindi bigyang malisya kung bumibisita lang - as in umuuwi rin that same day. Kaya lang, si mestisa girl, minsan ay inaabot daw ng isang buwang na doon sa bahay ni yummy actor tumutuloy. Eh di ba hindi naman kasama ni actor ang parents niya sa bahay? Uh-oh. Baka ma-depress ang sikat na aktres, na ka-loveteam ni aktor, pag nalaman niya ito! Marami pa naman ang sumusuporta sa kanilang dalawa as a couple... tsk, tsk, tsk.

Si yummy actor ay syempre maganda ang katawan, maganda ang mukha, at galante naman sa babaeng napupusuan [or at least pinu-project na napupusuan] niya. Ang dami nila no? Hahaha! Basta isa siya sa pinaka-sikat na male celebrities ngayon!

Read more...

Mommy DIONISIA, P6 Million ang halaga ng suot na alahas sa "Ang Tanging Pamilya" premiere night!

Wednesday, November 11, 2009

Contrary to the initial reports na Cartier ang suot-suot na alahas ni Mommy D during the premiere night of her first movie "Ang Tanging Pamilya," sa "Mixed Gems" daw binili ang mga alahas niya.

According to some reliable sources, during her preparation for the premiere, ang suot ni Mommy D na alahas ay worth P600, 000 'lang' bigay ng son niyang si Manny Pacquiao. Pero ang ikinagulat ng marami, pagdating sa meeting place ng cast bago tumuloy sa Megamall, ang Mommy D nag-change alahas! Mas malalaki, mas makikinang... at mas mahal! Ang price : tumagatinting na P6 Million! Ibang level talaga ang Pacmom!

Pero sa kabila ng kasikatan at kayamanan niya now, alam niyo ba na super simple pa rin si Mommy D at lagi pa rin niyang ina-alala ang mga amigas niya sa General Santos City! Kasi sa mga guestings niya sa mga shows sa ABS-CBN at GMA-7, gusto ni Mommy D na maiuwi ang mga outfit na sinusuot niya. Ang sagot niya when i asked her why : "Para souvenir ba, kasi pag-uwi ko magtanong ang mga tao asan yung suot mo sa Wowowee, yung suot mo ganyan..." O di ba?! Sa ngayon, nasa Las Vegas na si Mommy D. At ang aabangan natin, ang pagkikita nila ng idol niyang si Imelda Papin [na inakala niyang patay na!]! Good luck Mommy D!

Matuloy kaya ang showdown nila sa Las Vegas?

This Just in : The other diva-na-kalevel-ni-imelda-papin - Ms. Claire dela Fuente, nag-react na sa sobrang pag-iidolize ni Mommy D kay Ms. Papin! Ang sagot ni Ms. Dela Fuente, kakantahan niya daw live si Mommy D ng version niya ng "Isang Linggong Pag-ibig" para magustuhan din siya nito. At eto pa ang huling hirit niya... Kung gusto daw ni Mommy D si Imelda, si Michael Bolton naman siya ang gusto! At kakanta daw si Bolton ng Filipino song dahil sa kanya! Ang taray!!! (Thanks to Red Lips for the information)


*Mommy D's premiere night photo courtesy of RV.

Read more...

KAPUSO stars for DARLA!

Thanks Dmitri for the photo! Luv yah!

Read more...

HUNK ACTOR, gustong tuhugin ang dalawang teleserye actresses?

Monday, November 9, 2009

Uh-oh... Akala siguro ng sikat na hunk actor na ito, hindi makakalabas ang attempt niyang mamangka sa dalawang ilog [mamangka sa dalawang ilog daw o!]. Sorry na lang, dahil eto na siya...

Kahit pa super sweet ang projection nilang dalawa ng "GF" niyang sikat na aktres, itong si hunk actor daw ay sumisimple rin ng panliligaw sa isa pang aktres na madalas maging leading lady sa mga teleserye. Nakarating ngayon ito sa "GF," kaya si "GF" panay ang paninira ngayon kay teleserye leading lady! Kesyo, hindi raw ito marunong umarte [ang taray parang siya magaling umarte!], at kung anu-ano pang pangchachaka. Kaya ang usap-usapan ng mga nakaka-trabaho nila, nalalapit na rin ang panahong mangyari kay "GF" ang ginawa ni hunk actor sa ex-gf niya! Yun na! Karma is a bitch!

Read more...

Sarah G. on team-up with Gerald Anderson : "WAG IPILIT!"

After her record-breaking concert at the Big Dome last Saturday night, muli na namang napatunayang si Sarah Geronimo na nga ang biggest star in her generation! Kaya naman tulad ng ibang sikat, kahit busy sa napakadami niyang shows here and abroad, ayaw pa ring tantanan ng intriga ang Popstar Princess. Ang hottest at hindi nga mamatay-matay : ang patuloy na pagtatapat sa kanila ni Kim Chiu, na nag-ugat sa kumalat na balita noon na magkakaroon ng movie together sina Sarah at ang ka-loveteam ni Kim na si Gerald Anderson. Dahil dito, panay daw ang bangayan ngayon ng fans ng Kim-Gerald lovetem at ng new concert queen / box-office queen.


Kahapon sa The Buzz, finally ay tinuldukan na ni Sarah ang issueng ito. Ang matapang na pahayag niya : "Natutuwa ako sa gestures ng supporters ko, syempre nagre-react din sila pag medyo marami nang nasasabing hindi maganda sa akin. Naiintindihan ko lahat yung fans ng KIMERALD, wala sa akin yu. Hindi ko po pinagpipilitan ang sarili ko na makapareha si Gerald. Wala na, tapos na po. Itigil na po natin kasi hindi maganda ang nagiging resulta. Wag ipilit."

As of now, busy sina Kim at Gerald sa movie nilang first 2010 offering ng Star Cinema [oh, and Kim will be part of Star Cinema's entry to the MMFF on December din pala - "I Love You, Goodbye with Angelica Panganiban, Derek Ramsay and Gabby Concepcion]. Si Sarah naman, magiging busy na rin with her movie kasama si Judy Ann Santos at Luis Manzano.

Read more...

ERAP loves DARLA!

TVJ [Tito, Vic & Joey], Richard Gomez, Mark Herras, Mar Roxas, and Noynoy Aquino na lang... okay na ako sa ilovedarla collection ko! (=


Read more...

This Just In! Regine Velasquez, ipinasa na ang trono kay Sarah Geronimo?!

Saturday, November 7, 2009


Sa Record Breaker concert ni Sarah G sa Araneta Coliseum [na ongoing pa habang sinusulat ko to], as expected umapaw ang Big Dome sa dami ng pumunta to watch!

Isa sa pinaka-ikinagulat ng marami na nangyari sa concert : Sa You Changed My Life in a Moment at A Very Special Love medley ni Sarah, bumaba siya sa stage. All of a sudden, biglang napahinto ang Popstar Princess nang mapatapat sa isang unexpected taong nakaupo sa audience area - si Asia's Songbird Regine Velasquez! Mangiyak-ngiyak daw si Sarah dahil sa pleasant surprise na ito, lalo na nang tumayo si Regine at sabitan siya ng pearl necklace. According to my source, mala-eksena daw sa movieng "Bituing Walang Ningning" nina Lavinia Arguelles and Dorina Pineda ang nangyari. Does Regine's gesture mean na ipinasa niya na kay Sarah ang kanyang trono? Abangan ang updates!

Read more...

TONI GONZAGA, hindi comfortable makipag-kissing scene kay SAM MILBY?!

May romantic movie bang walang kissing scene?
Para kay Toni Gonazaga... it is possible. Sa romantic-comedy movieng "You are the One" - her first movie with Sam milby - marami ang kinilig at na-in love sa team-up, nang hindi nakitang nag-kiss ang dalawa.

Sa kanyang revelation sa SNN last night, umamin si Toni na kahit 4th movie na nila ni Sam ang "Ang Tanging Pamilya" bilang magka-loveteam, hindi pa rin siya comfortable na makipag-kissing scene sa hunk actor [at sa kahit sino pang makaka-partner niya]. Ang reason lang niya : hindi niya daw ito forte. Kahit pa ang younger actresses now like Maja Salvador, Erich Gonzales at Kim Chiu ay game nang nakikipag-love scene sa kani-kanilang teleseryes... hindi pa rin daw talaga keri ni Toning makipag-sabayan. She made it clear din na hindi ang boyfriend niyang si Direk Paul Soriano ang dahilan, talagang feeling niya daw kasi hindi bagay sa kanyang makipag-kissing scene - awkward daw tingnan! Kung kinakailangan talagang makipaghalikan siya, hanggang "smack" lang daw ang kaya niyang gawin.

Magawa kayang panindigan ni Toni ang declaration niyang ito? We'll see...

Read more...

Palaos na actress, masama ang loob sa isang sikat na aktor!

Thursday, November 5, 2009


Hot! Hot! Hot!
Isang ex-super sikat na singer-actress ang may galit daw ngayon sa kanyang ex-leading man! Ang reason : ang aktor ang bini-blame ni singer-actress bakit wala siyang pelikula sa ngayon! Pero ang bulung-bulungan ng marami, with or without her ex-leading man, palaos na talaga si singer-actress! Dahil bukod sa kanyang kinda weird na pangangatawan now, may kagaspangan pa rin daw talaga ang attitude! Oh well... Let's wait na lang na maramdaman niya kung saan na lang siya nakatayo ngayon sa entablado ng show business - or better yet, mag-concentrate na lang siya sa pagiging isang ina at asawa.

Read more...

Happy Birthday Shaina Magdayao!

Shaina is one of the prettiest and sweetest celebrities na nakilala ko. Happy birthday teh! (=

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP