Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Bagong Pilipinas with PNoy!

Wednesday, June 30, 2010









Photo courtesy : Jigs Mayuga (@tingduque and @jigsmayuga for the make up of Mariel and Bianca)

Other inauguration photos courtesy : KC Concepcion



Read more...

Pauleen Luna, nabiktima rin ng basag-kotse gang!

Monday, June 28, 2010



Naku, naku! Umatake na naman ang bukas-kotse gang! Matapos mabiktima noon sina Direk Paul Soriano at Nikki Valdez... nabiktima rin last Saturday si Pauleen Luna! (not necessarily the same group naman ang nambibiktima hehehe)

Nangyari ang insidente sa may Broadway Centrum, habang nasa Eat Bulaga si Pauleen. Basag na ang salamin ng bintana sa may driver's seat nang lumabas ang tv host-actress. According to reports ay limang lalaki diumano ang nakitang gumawa nito. Nakuha ang mga gamit ng driver at personal assistant ni Pauleen, na nakalagay sa upuan sa harap ng sasakyan. Kwento pa ni Pau, may naiwan daw na shades sa loob ng sasakyan, na malamang ay pag-aari ng magnanakaw dahil hindi naman ito sa driver o p.a. niya. Mabuti na lang, walang nawala kay Pauleen. Nasa likuran daw kasi ng sasakyan ang ilang valuables niya.



Kahit pa may investigation nang nagaganap, sabi sa akin ni Pauleen ay hindi na raw siya magsasampa ng kaso dahil alam naman natin ang hassle ng ganito. Bahala na raw ang nasa Taas sa mga gumawa nito. Naku friends, sa mga may sasakyan dyan, ingat po. Iwasan nang mag-iwan ng mahahalagang bagay sa loob ng sasakyan niyo dahil talagang delikado na ang panahon ngayon. Thanks Pauleen for the photos!

Read more...

Exclusive Photos! First solo concert ni Jericho Rosales abroad, dinumog!





Sold out ang concert ni Jericho Rosales sa Cache Creek Resort and Casino in Brooks, California last June 25! His fans and other pinoys, came all the way from other states para lang mapanood siya! Special guests niya sa show sina Yeng Constantino and Gab Valenciano. Thanks MadameBovet for the info and photos! And congrats Echo!




Read more...

Kris Aquino at James Yap, HIWALAY NA! The Buzz, tuluyan na ring iniwan ng Queen of All Media!

Sunday, June 27, 2010



Hay, may nag-tweet sa akin kanina, sabi niya today's The Buzz episode is the saddest episode ever. Tama! Grabe, kulang na lang humagulgol ako kanina sa pamamaalam ni Krisy. Pero teka, sige issues first para sa mga hindi pa nakapanood.



After pag-usapan buong linggo ang marital problems na pinagdadaanan nina Kris and James, kanina finally ay binigyang linaw na ni Kris ang lahat. Pero before anything else, she made it clear na ang desisyon niya ay hindi overnight decision lang. Matagal niyang pinag-isipan at dinama ang sarili. Pero as she said nga, sumusuko na siya sa relasyon nila ni James. Their marriage, according to her, is over. And as of press time, ay inaayos na raw ang legal matters patungkol sa kanilang kasal. As a changed woman, pinili ni Kris na wag nang i-detalye ang dahilan ng pagkalas niya kay James. Dahil for her, tanging ang anak nilang si Baby James lang ang may karapatan na mag-demand ng explanation from her, or from James. Sad, pero kung sa ikabubuti nilang dalawa ang desisyong maghiwalay na, ipagdasal na lang natin sina Kris at James, and of course Baby James.


Pagdating naman sa farewell niya sa The Buzz, syempre through a VTR ay binalikan ang unang paglabas ni Kris sa programa - bilang isang guest pa lamang sa pilot episode ng The Buzz. Hanggang sa naging host na nga siya, at pinatunayan na siya ang reyna hindi lang ng daytime talk, kundi of all media. Hehehe! I got so emotional kanina, well lahat naman sa studio umiiyak. Umiyak ako not because close kami or host ko siya, pero mas napaiyak ako bilang viewer, bilang isang fan. Damang-dama ko kanina ang laki ng sacrifice na ginawa ni Kris para sa kanyang pamilya, especially for President Noynoy Aquino. Tama naman siya, hosting is what she does best and iiwan niya ito. Sobrang naantig din ang puso ko nang magpaalam siya kay Tito Boy... Hay. Pero sa kalagitnaan ng pag-iyak, nagawa pang magpatawa ni kris when she said na malay natin, after 6 years (term ng brother niya sa presidency), ay through science maganda pa rin siya, baka makabalik pa siya. Hehehe! Hay. We will miss you Krisy. We hope na magbunga ang lahat ng ito ng maganda. Hanggang sa muli our Queen.

The Buzz photos courtesy : EJ Salut

Read more...

PBB Teen Clash of 2010 Big 6 boys... sino kaya ang aarangkada ang career sa kanila?






Kagabi, nagtanong pa ako sa Twitter kung magpapa-I Love Darla ako sa apat na boys sa PBB Teen Big 6. Lahat naman sabi go, kaya nanguna ako kanina sa guesting nila sa The Buzz. Bago pa mag-start ang show, I went na to their dressing room and had these photos taken. Nakakatuwa naman pala silang lahat in person, yun nga lang, hirap ang communication kasi medyo struggle sa kanila ang mag-tagalog. Buti pa si Bret, nakakausap ko ng bisaya. Hahaha!

While nagfi-fit ng isusuot niya for his guesting, I asked James na about Tricia, Devon and Ann Li. And tulad ng sinabi niya sa interview, si Ann Li ang gusto niya. Si Bret naman, consistent sa pagka-like niya kay Fretzie. While Ivan said naman sa interview sa kanila ni Kris Aquino, na "bahala na" sina Bret at Fretzie. Hehehe! Si Ryan, super nakaka-aliw! Si Ivan naman, gave me the pinaka-mahigpit na yakap. Hehehe! So eto po, para sa inyo friends, PBB Big 6's boys!






Read more...

Former Miss Mauritius (Take it, Take it scam girl) Viveka Babajee, nag-suicide?

Saturday, June 26, 2010



First saw this news sa tweet ni Ruffa Gutierrez, and upon checking... eto po ang lumalabas, natagpuang patay ang Bollywood actress na si Viveka Babajee, 37 years old sa kanyang suburban Mumbai apartment. Diumano, nagbigti raw si Viveka sa ceiling fan sa kanyang apartment. Some sources say na break-up with her boyfriend daw ang dahilan ng depression ni Viveka which led nga to her alleged suicide.

Para po sa mga hindi nakaka-alala, na-involve si Viveka sa isang film festival scam dito sa Pilipinas when she was here for the Miss Universe Pageant last 1994. Siya ang nagsabi ng line na "take it, take it" nang i-announce nila ang maling winner. 

Photo from : missosology.info

Read more...

King of Talk Boy Abunda, teacher na!




Habang patuloy na nagre-reign as the King of Talk and one of the well-respected talent managers, isang panibagong titulo na naman ang madadagdag kay Boy Abunda. Dahil ngayon ay isa na rin siyang teacher! Tito Boy is now teaching Radio and Television Practices and Principles sa Philippine Women's University. When asked kung ano naman ang baon-baon niya before he embarked on this new "career," ito ang sagot ni Tito Boy :
"Ang baon ko po tubig tsaka telepono (laughs)... Baon baon ko din po ang aking mga karanasan, lahat ng mga palabas na ginawa ko sa telebisyon, mga radio programs na aking ginawa... I am excited dahil lumalawak na ang aking mundo hindi lamang po sa loob ng studio dahil pumupunta tayo sa paaralan, and this makes me very happy."

Thanks Liza Bacason-Madriennes for the photos!

Read more...

Mariel Rodriguez, handa nang MANAKOT... (o MATAKOT?) sa CINCO! This July na!




Thank you Liza Bacason-Madriennes for the photos!

Read more...

Kris Aquino at James Yap, may pinagdadaanang pagsubok!

Wednesday, June 23, 2010



Ginulat na naman ang lahat sa paglabas ng balitang may pinagdadaanang pagsubok ngayon ang mag-asawang sina Kris Aquino at James Yap. Nauna na itong ni-reveal ng kaibigan ni Kris na si Boy Abunda sa TV Patrol. Pero kanina sa SNN, isang official statement ang ipinadala ni Kris at eto po ang sinabi niya :
"There have been a series of life altering events in my life this past year - from our mother's death to my brother's election & now my moving in a different direction as far as my career is concerned. Lastly there is the state of my marriage. I would like to say that where I am now is a result of many months of fortitude & in the last couple of months, careful thought. My sole priority is the well being of my sons, Josh & Bimby. We are together, they r in my care & it's my intention & prayer to make this period of our lives to be as free from trauma as possible. I choose to keep my silence primarily because my current state is not one for celebration or lengthy discussion but rather prayer, private reflection & quiet. It is in the best interest of my 2 sons that I remain quiet most especially because I shouldn't make what's already difficult more painul."

source : SNN, June 22, 2010

Read more...

Maja Salvador at Rayver Cruz, sa shooting nila now ng CINCO! Sa July na, ABANGAN!



Thanks Maja for the photo! 

Read more...

True na this time! CHARICE, pasok sa next season ng GLEE!

Tuesday, June 22, 2010

Just saw these tweets ni Charice and wanna share with you friends... Hehehe!
I tried to audition. And i made it!!! Let's Party!!!!
It's official. I'm on Glee (next season) but story behind it. When d rumor came out, it wasn't true. But then after that;

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! First Here! ANGELICA PANGANIBAN and DEREK RAMSAY, so happy and so in love... in SOUTH AFRICA!

Ilang linggo na ba silang wala dito sa Pilipinas? Sandali pa lang naman kung tutuusin, pero miss na miss na sila Angelica Panganiban and Derek Ramsay ng napakarami nilang friends and fans! Nagkakausap kami from time to time ni Angelica through internet, and I am so happy dahil they are now having the best days of their lives! In love and peaceful sa South Africa! 

Bago pa man sila umalis, marami na ang nagre-request sa akin na sana, magpost ako ng photos nila from South Africa. Syempre naman, malakas kayong lahat sa akin... kaya gamit ang lahat ng powers ko, may-I-contact ako sa common friends namin nina Angelica and Derek na kasama nila doon at pa-send ako ng photos! Hehehe! Kaya eto po, patikim pa lang na photos ng dalawa na sinend ng friend namin... Hmmm, may proposal kayang naganap while they're there? May diamond ring na kaya si Angelica pag-uwi nila dito sa July? Well, well... yan ang abangan nating lahat! Oh and by the way, Derek and Angelica wanna send their love pala sa lahat ng kanilang friends and supporters, lalo na sa DERELICAs! 

Stadium : Derek and Angelica, super sweet while watching the 2010 FIFA World Cup Italy vs. Paraguay :



Derek and Angelica, go sky diving!



Read more...

EXCLUSIVE! FIRST HERE! Shaina Magdayao, happy sa pag-amin ni John Lloyd Cruz at sa positive reactions ng mga tao sa kanilang relasyon!

Sunday, June 20, 2010

Right before mag-start ang The Buzz kanina, bilang napaaga ang dating ko sa ABS-CBN, I had the chance to make rampa muna sa ASAP XV dressing rooms. There ay nagkita kami ni Shaina Magdayao and nagkausap ng kaunti about the John Lloyd Cruz Tell-All. She told me na honestly, wala raw siyang alam sa mga sinabi ni John Lloyd. So... katulad nating lahat, she had to wait for JL's interview to air para malaman niya how JL expressed his love for her.


Cut to : after the interview aired, I immediately texted her and told her na ang daming nakagusto sa ginawang pag-amin ni JL. This is her first text message :
"Nakakatuwa to know that people are also happy for us nakakatuwa na nakikita nila yung happiness namin "
Syempre bago ko ito i-post dito, tinanong ko muna siya kung pwede. And she said yes, and here's her longer message for everyone :
"Sige mars no prob and please tell everyone. Thank you for the love and appreciation, sa honesty na pinakita ni Idan (JL). Sa mundo nga talaga natin, if you give positivity and show happiness, ibabalik din naman nga talaga sa'yo. Maybe not right away, pero He never forgets... In His time "
Thank you so much Shaina for the trust and the friendship! yah!

Read more...

John Lloyd Cruz tells all about Sarah Geronimo, Ruffa Gutierrez and Shaina Magdayao!

Wow! As in wow! Lahat ng tao sa studio ng The Buzz kanina ay napapa-react / napapatili sa bawat revelation ni John Lloyd Cruz sa one-on-one interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda, para sa undisputed showbiz talk show ng bansa, ang The Buzz. Para po sa lahat ng naka-miss ng another The Buzz TV moment na yun, here's the full transcription of the interview :


BOY : Umpisahan natin, let's start from the easy ones. Bad influence daw si john Lloyd sa kaniyang mga kasama what is your take?
JL : Siguro hindi ako makakapagsabi o makakasagot. Ayoko naman i-claim na ako'y isang mabuting ehemplo o good influence sa mga kaibigan, sa mga nakakabata kong pinsan, sa mga napapalapit sa akin...
BOY :  No but this is your chance, it's answerable by yes or no. You know yourself.
JL :  Sana hindi... kasi hindi mo alam kung ano epekto mo sa ibang tao... Ngayon wala naman akong sinasabi o nagagawa na pwedeng magbigay sa kanila ng dahilan para malagay sila sa masama
BOY : You are a womanizer, babaero ka raw?
JL : Ouch!
BOY : How do you manage it?
JL : Kanina nung lumanding yung mga tanong na yan galing sa mga bibig ni Ate Nancy (The Buzz Executive Producer who briefed JL before the interview) kasi kasunod nung tanong with Sarah, with Ruffa... Parang sa 'kin yung mga pangalan ng mga babae na yan, lahat sila nagkaroon ng special part in my past, and wag na natin gawing parang as if at this moment lahat sila nasa tabi ko at yakap-yakap ko. Mga naging parte ng past mo, ng buhay mo and di mo naman tinatanggal o binubura...


BOY : Since you mentioned Sarah umpisahan natin dun. Diretsong tanong ito, ang aming pagkakaalam ay pinaasa mo raw si Sarah na diumano'y sinabi mo raw na antayin mo lang ako in five years or I don’t know, liligawan kita... What is the truth?
JL : That’s not true. Hindi mo yun sinasabi o hindi mo yun pinapangako sa isang babae, ano yun mag-aantay ka dyan ‘antayin mo ko ha or antayin mo ko after 4-5 years,’ hindi mo naman alam kung anong pwedeng mangyari eh. So hindi yun totoo.
BOY : Ano ang totoo niligawan mo ba si Sarah? Did the girl fall in love with you? Did you fall for her? What is the truth?
JL : Whoo! Mataas ang respeto natin sa katotohanan and gusto kong iwanan lang siyang ganun... May respeto ako sa kaniya, sa mga magulang niya, and kung anuman yung napaka-importanteng katotohanan, maari sigurong sapat na sa aming dalawa... na alam niya, alam ko kung ano yung totoo.
BOY : Kamusta kayo ni Sarah ngayon?
JL: ... Okay ako, okay ako sa kanya, wala akong problema.
BOY : Go back to the last time you saw each other how was it?
JL : Sa ASAP pero nagkausap din kami prior to that day  na nagkita kami sa ASAP. Nagkamustahan kami and okay naman siya and sabi ko nga sa kaniya ‘ikaw, ikaw kamusta ang controversial lady’ and sabi niya oo nga nasa akin ang spotlight ngayon. Masaya, masaya siya. At that point okay na siya. Okay siya.
BOY : Nagsumbong sa'yo tungkol kay Rayver?
JL : Wala kaming napag-usapan...


BOY : Isa pa sa mga pinag uusapan at mga naisulat, diumano'y ang dahilan kung bakit di kayo nagkatuluyan ni Sarah Geronimo ay ang ating kaibigang Ruffa Gutierrez?  Ito ba'y totoo o hindi?

JL : Hindi yun totoo.

BOY : Pero ito deretsa again, nagkaroon ka ba ng relasyon kay Ruffa Gutierrez?

JL : Yeah, it’s a very special relationship [long pause]...
BOY : Ito naman totoo ba na nag-away at hindi nagkaunawaan si Shaina Magdayao saka si Ruffa Gutierrez. Didiretsa ko na, nagkasabay ba si Shaina saka si Ruffa?
JL : Nagkausap sila and nagkaayos na, tapos na, so walang problema.
BOY : You're talking about the misunderstanding... Pero yung nagkasabay ba, nagkasabay ba, nag-overlap ba si Shaina saka si Ruffa?
JL : No...
BOY : Inagaw mo ba si Shaina kay John Prats?
JL : No.
BOY : Alam mo ba na diumano'y masama ang loob ni John Prats sa'yo?
JL : Yun kasi yung nakakatawa tsaka... Sa kalagitnaan ng mga usap-usapan na yan dati... Ito yung kay john... Siyempre ang tama mong gagawin bilang lalaki kakausapin mo yung tao and nagkausap kami and sa usap namin lalaki sa lalaki, okay maayos.
BOY : Lloydie sandali lang, nagkausap kayo tungkol kay Shaina? That's important to us.
JL : Yes kasi ang nangyayari na nun ay parang naapektuhan na yung reputation nung tao. She was being put in a bad light and hindi naman yun fair.
BOY : Sino ang nag-initiate ng usapan?
JL : Ako.
BOY : Nangyari sa ABS, sa labas ng ABS?
JL : It was over the phone kasi ano eh...
BOY : Hindi namin alam ito so nagkausap kayo... Did he tell you straight na masama ang kaniyang loob?
JL : Okay siya. Like wala na yun, let;s move on, ganun yung mga salita niya...
BOY : So nag-usap kayo ng maayos at nagtapos kayo ng maayos 
JL : Lalaki sa lalaki... Kasi siyempre sabi ko nga sa kaniya alam mo let's put our egos aside kasi kung meron mang naapektuhan dito, sa hindi magandang paraan, yung babae. Sabi ko sa kaniya are you saying this, are you saying that sabi niya ‘hindi.’ ‘Okay pare i'll take your word for it, lalaki sa lalaki ang usapan natin naniniwala ako sayo. So kung anuman ang maririnig ko sa iba hindi ko na yun iintinidhin...
BOY : Mapangahas na tanong, pumasok ka sa buhay ni Shaina wala na sila ni John? Hindi ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay si John Prats at si Shaina?
JL : Hindi ako. Hindi ako.
BOY : And John was out of Shaina’s life when you became friends...
JL : Matagal na kaming friends, matagal na kaming nagkakasama sa trabaho, sa paglabas labas namin dahil nasa isang circle kami sa ASAP...
BOY : May mga usap usapan pa raw na while you’re very close to Shaina diumano’y ika’y nakita na kasama si Ruffa na nagba-bike. What is the truth, is it true?
JL : Not at all.
BOY : Ginagamit mo raw si Shaina para pagtakpan mo ang iyong relasyon kay Ruffa?
JL : Sobrang andami nang anggulo.
BOY : Yung iba ba tinatawanan mo na lang?
JL : Ngayon kasi sabi ko nga Tito Boy, okay ako eh. Sobrang hindi naman ako magiging okay o maayos o magaan ang pakiramdam kung mayroon akong tinatapakan o meron akong tinatago… mamaya i'll have something to say para sa kanilang lahat...


BOY : Ito muna para di na tayo paligoy ligoy pa, si Shaina ba ay girlfriend mo?
JL : Ang tagal kong hiningi tong timing na to... since nandito na tayo... And para matigil na yung mga… kasi andami rin kasing nagca-cause din kasi ito ng mga hindi magandang nararamdaman ng mga taong importante sa buhay natin... once and for all gusto ko na rin sabihin... yes its us… [long pause]
BOY : But I'm happy im really happy. You know how special she is to me. And thank you for your honesty... you’re sharing something very important with me as a fan, you’re sharing with me something that is private and personal and tinatanaw namin yan na malaking bagay...
JL : Salamat Tito Boy... eto kung bakit ako nandito ngayon. Malaking part din eto dahil I wanted to come out, and once and for all say something kasi andami nang taong nagte-take advantage sa pagtahimik ko sa pananahimik ko, and hindi na maganda. Maraming tao na yung nadadamay maraming tao na yung nasasaktan for me and for themselves. Hindi na nakakatuwa...
BOY : Tama ka dahil pag tumahimik ka at patuloy kang mananahimik some people will take advantage of that silence...
JL : Yeah totoo, especially yung ibang accusations ng mga ibang tao ng ibang manunulat. Baka akala niyo lang ho na nakakagawa lang o nakakapagpasa lang kayo ng trabaho para kumita, mahirap kuwestiyunin yun, hindi ko kukwestyunin yun nasa sa inyo yun eh... Kaya lang may ano na eh, may epekto na siya. Kapag may sinasabing hindi maganda about me or about you Tito Boy, sinong mga nasasaktan, nanay mo, kapatid mo, mga mahal mo sa buhay. Ganun din ho ako kagaya niyo and parang feeling ko dapat magsalita na ko kasi kumbaga para sa kanila din hindi lang para sa 'kin... So para sa akin talaga ngayon at this point, wala ko talagang maico-complain sa buhay ko and yung sa lahat ng mga tao who don’t mean me well, I can only wish them the same happiness that I have right now...
BOY : Did you tell Shaina that you’re going to tell us na kayo na?
JL : Hindi pero alam niya na siguro sana naramdaman niya na hindi lang ako tatahimik at hindi ko lang hahayaan na patuloy na huhusgahan yung pangalan niya. Yung mga ini-imbento ng mga tao about me about her, and sa ibang tao na rin na mga ibang tao na nadadamay na baka naman hindi naman nila hinihiling na madawit yung pangalan nila sa pangalan namin...
BOY : But you know your heart that you made her very happy...
JL : Actually Tito Boy the beauty of it is that, hindi ako dumating dito na alam ko yung gagawin ko hindi ako pumasok dito na alam ko yung sasabihin ko dumating siya lumabas sa bibig ko… yun ang totoo.
BOY : Ano ang nais mong sabihin, sabihin mo na it's your birthday. This is a very, very special moment for us, iyong mga tagahanga, sambayanang pilipino, coming from you... we will listen...
JL : Talagang ako everytime lalo na kapag nalalapit ang birthday ko punong puno ka lang ng pasasalamat... alam niyo hindi naman talaga ko yung ganyang tipo, yung uupo ako dito mag uusap tayo tungkol sa personal kong buhay... Pero tingin ko every year nangyayari tong mga ganitong bagay, dahil it's time for me to give back sa mga taong pinagkaka-utangan ko ng loob...

BOY : Maraming salamat Lloydie. Maraming salamat.  


Source : The Buzz

Read more...

John Lloyd Cruz talks about Sarah Geronimo, Ruffa Gutierrez and Shaina Magdayao!







Alam ko maraming naghihintay for this time, na finally ay magsasalita na si John Lloyd Cruz about all the intrigues hurled against him mula pa last year. And don't worry peeps, hindi kayo madi-disappoint dahil mamaya po sa The Buzz... isa-isang haharapin at prangkahang sasagutin ni Lloydy ang lahat ng issues involving him and SARAH GERONIMO, RUFFA GUTIERREZ and SHAINA MAGDAYAO sa kanyang tell-all one-on-one interview with the King of Talk Boy Abunda. Kaya wag na wag niyo pong palalampasin... THE BUZZ, 4pm! Tutok lang!

John Lloyd being briefed by The Buzz Executive Producer, Nancy Yabut


Syempre as Lloyd celebrates his birthday on June 24, kailangang ma-update ang "I Love Darla" ko! Hahaha!












Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP