Pauleen Luna, nabiktima rin ng basag-kotse gang!



Naku, naku! Umatake na naman ang bukas-kotse gang! Matapos mabiktima noon sina Direk Paul Soriano at Nikki Valdez... nabiktima rin last Saturday si Pauleen Luna! (not necessarily the same group naman ang nambibiktima hehehe)

Nangyari ang insidente sa may Broadway Centrum, habang nasa Eat Bulaga si Pauleen. Basag na ang salamin ng bintana sa may driver's seat nang lumabas ang tv host-actress. According to reports ay limang lalaki diumano ang nakitang gumawa nito. Nakuha ang mga gamit ng driver at personal assistant ni Pauleen, na nakalagay sa upuan sa harap ng sasakyan. Kwento pa ni Pau, may naiwan daw na shades sa loob ng sasakyan, na malamang ay pag-aari ng magnanakaw dahil hindi naman ito sa driver o p.a. niya. Mabuti na lang, walang nawala kay Pauleen. Nasa likuran daw kasi ng sasakyan ang ilang valuables niya.



Kahit pa may investigation nang nagaganap, sabi sa akin ni Pauleen ay hindi na raw siya magsasampa ng kaso dahil alam naman natin ang hassle ng ganito. Bahala na raw ang nasa Taas sa mga gumawa nito. Naku friends, sa mga may sasakyan dyan, ingat po. Iwasan nang mag-iwan ng mahahalagang bagay sa loob ng sasakyan niyo dahil talagang delikado na ang panahon ngayon. Thanks Pauleen for the photos!

Comments

  1. i saw pauleen luna pa naman nungsunday night sa church namin parang masaya naman siya and walang prob :) oh well take care na lang po lagi at pau! :)

    ReplyDelete
  2. SANA MUKHA NA NIYA ANG BINASAG...

    sawsaw ever siya sa lahat ng may relationship.. starting pa kay diet-kristine.....bakit di siya maghanap ng lalaki na unattach, yung kanyang kanya...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts