EXCLUSIVE PHOTOS : Toni Gonzaga visits cancer patient fan

Sunday, April 10, 2011


Last April 7 - Thursday, binisita ni Toni Gonzaga sa Philippine General Hospital ang isa niyang tagahanga na ngayon ay may bone cancer - stage 4, si jeb Christian Garcia, 14 years old at taga-Iloilo. Sumulat sa ABS-CBN ang tita ni Jeb para ipaabot ang isang pakiusap, na sana nga ay makita ni Jeb sa personal ang idol niyang si Toni. Masyado na kasing mahina ang bata, para pumunta pa sa ABS-CBN studios. 

Very active pagdating sa sports si Jeb, hanggang dahil sa sunod-sunod na injuries sa kanyang braso at balikat dahil sa paglalaro raw ng basketball (6'1" ang height ni Jeb) ay umabot na nga ito sa pathologic fracture - na naging tumor at ngayon nga ay stage 4 na. Kaya nagdesisyon na ang pamilya ni Jeb na ipaputol ang right arm ng binatilyo, dahil before that ay sinabihan na sila ng doktor na 20% na lang ang chances nito dahil very active nga ang cancer niya. 


Ang ma-meet si Toni ang isa sa apat na wishes ni Jeb habang nandito siya sa Manila. Ang iba pa niyang wishes ay ang makapunta sa Avilon Zoo, Ocean Park at makapag-ice skating. Sobrang nakakalungkot, pero nakakapagbigay ng pag-asa ang sitwasyon ni Jeb nang maabutan ni Toni at ng The Buzz sa hospital. Pag-asa, dahil sa kabila ng kanyang kondisyon, nananatiling very positive at masayahin pa rin si Jeb. Para po sa lahat ng nagbabasa nito, let us all pray for Jeb's recovery. Thank you Erick Habijan for the photos!

Click here for more photos! Text DARLA ON to 2366!








Source : The Buzz

8 comments:

Anonymous,  April 10, 2011 at 6:15 PM  

Thanks Ms. Darla for the photos...Please tell Tin that it makes us more proud to be her fan with simple gesture like this she does for a fan. She is truly a genuine person. Send my love and regards to her.

Anonymous,  April 10, 2011 at 7:01 PM  

.agree ako xau te '. i'm super proud of you IDOL TONI. ang dami mung napapasaya. stay humble and beautiful idol. hmmp idol, kaw pa rin ang box office queen para sa amin mga billion fans mo. LOVE YOU. and GOD BLESS.

Anonymous,  April 12, 2011 at 6:05 PM  

Nice gesture from Toni. I really like her, magaan ang loob ko sa kanya. She exudes a certain kind of aura that endears her to me. I am happy everytime I see her, whether she is hosting, singing, or acting. Just by seeing her there on tv makes my day, so her 24/7 tv exposure sits well with me.

Anonymous,  April 15, 2011 at 10:40 PM  

WE BELIEVE MALAKI TLAGA NAITUTULONG SANA NG MGA STARS SA MUNDO,SA PINAS,O SA BAYAN NILA,,KASE PUBLIC FIGURE SILA,,,

SABI KO NGA,,WAG LANG BASTA SIKAT,,DAPAT ROLE MODEL AT MAY SILBI KA DIN SA BAYAN,,,MO,,,DIBA,,,KASE ANG PERA AT FAME O POSISYON,MAWAWALA DIN IYAN,,ANYTYM,,IF GODS WANTS KAYA NYANG WALISIN MGA IYAN,,,SAYO,,,SO,,ALWAYS BE A GUD HUMAN,,SA MUNDO,,,KAHIT PA SANA,,MGA ANIMAL NA MGA TAO SA PALIGID MO,,,AND THAT SPIRIT AY MAKUKUHA SA MAGANDANG RELASYON SA DYOS,,,GODBLESSS TO ALL SICKED PIPOL,,,GOD LOVES US..

Anonymous,  April 30, 2011 at 11:39 PM  

we are so proud of you tin.

Anonymous,  May 1, 2011 at 9:04 AM  

Ang bait naman ni Toni G. Sana ganyan lahat ang mga celebrity.

Anonymous,  May 11, 2011 at 11:47 PM  

nakaka touch naman huhu..bait ni toni.

Anonymous,  May 18, 2011 at 4:33 PM  

san po pwd mah buy ang t.shirt?

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP