"I stopped wishing a long time ago," Charlene Gonzalez-Muhlach when asked by Aga kung ano pang birthday wish niya

Monday, May 2, 2011


Lahat kanina sa studio ng The Buzz ay naiiyak at kinikilig at the same time, sa special birthday celebration ni Charlene Gonzalez-Muhlach, na walang idea na ang "guest" niya pala - her husband Aga Muhlach, ang siyang magi-interview sa kanya sa sarili niyang segment. 

Bago pa mag-start ang show, while we were in his dressing room, super nate-tense na raw si Papa Ags sa gagawin niyang pagi-interview kay Cha. Kahit pa we gave him a set of questions for the segment. Ang ending, nung nasa stage na sila at umeere na ang show, Aga decided to ask his personal and more meaningful questions para sa kanyang wife. Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ng lahat ang sincerity, ang kilig, ang love, ang saya ng dalawa... lalo pa't present din sa studio ang kambal nilang anak na sina Atasha at Andres, pati na rin ang panganay ni Papa Ags na si Luigi (with his wife and son). Sa pag-uusap ng dalawa live, feel na feel ng lahat ng nanunuod at nakikinig kung gaano sila ka-simpleng mga tao, at kung gaano ka-pure ang pagmamahal nila sa isa't isa. When Papa Ags asked Charlene nga kung ano pa ang mahihiling nito ngayong birthday niya, tagos sa puso ang naging sagot ng tv host.

"I stopped wishing a long time ago. All I do is dream. Because when you dream, you live your life without expectations. When you dream that's what motivates you to become a better person. At kung anuman ang dumating sa buhay mo, you'll always appreciate everything and be grateful with whatever life has in store for you. Hindi na ako nagwi-wish ng kahit ano pa."


Syempre pa, hindi rin nawala ang pagiging kalog ni Papa Ags na that time, hirap na hirap pigilin ang luha sa sobrang saya at pagmamahal na nararamdaman for Charlene. He asked his wife kung kelan ang huling time na kinilig ito, at prangkahan naman siyang sinagot ni Charlene na that moment, kinikilig siya. And the last thought na meron siya bago sila matulog ni Papa Aga? "Ang bango-bango ng asawa ko!" ang sabi ni Charlene. Kaya naman pati ang mga anak nila na nasa audience pa at that time, tawang-tawa rin. Pero syempre, pati ang kambal ay may surprise sa mom nila. Andres played the guitar for Charlene, at si Atasha naman ay kinanta ang "Sana Maulit Muli." Aga gave Charlene a very special watch, bilang personal niyang regalo dito. The watch na magma-match sa watch na ibinigay rin sa kanya ni Charlene nung birthday niya last year. Click here to see related story.

Kaya naman until now, bago ako matulog, kinikilig at nai-inspire pa rin ako sa love story at family life nina Aga and Charlene. Perfect na para sa akin ang buhay nila. At kung sila kayang magkaroon ng ganun kasaya at peaceful na samahan, kaya rin natin dapat. Happy birthday ulit Cha, I love you (and Papa Ags and your whole family) sooooo much! Click here for more photos.





3 comments:

Anonymous,  May 2, 2011 at 1:11 AM  

- they were just really lucky to have each other and the kind of family that they've been building up. Still very kilig to see them together on-screen, na para bng teenager p. God may blessed their family more, how I just wish to have that type of husband someday who's purely in love everyday. =)

Anonymous,  May 10, 2011 at 5:40 AM  

I WATCHED THIS EPISODE SA THE BUZZ,,GRABE!,.KILIG AKO,,IWE LOVE CHARLENE AS A HOST ,SHES SMART,EDUCATED,MAY BREEDING AT VALUES,SIMPLE PERO SENSIBLE AT STRAIGHT FORWARD SYA PERO NASA AYOS,,I THINK,,DAPAT SYANG MANALO AS BEST FEMALE SHOWBIZ TALK SHOW HOST ,.!LOVE HER,,NAPAKA NATURAL NYA,,SHES A KIND HEARTED WOMAN,,MAS LUCKY SI AGA TO HAVE CHARLENE TLAGA,,MAKIKITA MO SA PANANALITA NYA,KILOS,,NA MABUTI SYANG TAO,MAAAYOS NA PINALAKI,MAAYSO NA INA AT ASAWA,.ISA PA SA MAY MAGANDANG FACE..LUCKY SI AGA!!

KAKAIYAK DIN,.THE WAY CHARLENE,TREATD LUIGI,NA PARANG GALING TLAGA SA KANYA,,I LOVE WEN SHE SED,``COME ON LUIGI,PARA BUO ANG PAMILYA```AT ISINAMA PA ASAWA NI LUIGI..WE LOVE CHARLENE,,KAKA INTIMIDATE LANG SYA KASE SHES TALL AT PRETTY PERO IBA SYA..ISA SA THE BEST NA BABAE..LOVE U CHAR,,HAPPY BA DAY,,

TAMA KA,,SI GOD MUNA,.EVERYTHING WILL FOLLOWS NA,,IBA TLAGA KAPAG MAY GOD ANG FAMILY AT MAG ASAWA,,..I THINK,,SANA MATAPOS MUNA NG COLLEGE MGA ANAK NILA BAGO MAGSHOWBIZ,,

Anonymous,  May 10, 2011 at 8:56 PM  

wow ang gwapo ni ADRES ganda ni ATASHA...... future leading man and a leading lady

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP