EXCLUSIVE PICS! Thai superstar Mario Maurer, joins the ASAP family in Singapore!

Friday, October 19, 2012



Todo-saya at kilig ang idinulot kamakailan ng Thai superstar na si Mario Maurer sa libo-libong Pilipinong dumagsa sa engrandeng pagdalaw ng "ASAP 2012" sa Singapore.

Matapos ang special welcome na inihandog para kay Mario ng ASAP, agad na naki-bonding at nakiisa ang lead actor ng upcoming Star Cinema film na "Suddenly It's Magic" sa mga Kapamilya star na lubos na nagpaligaya ng mga taong dumagsa sa show. Bukod sa production number, nagkaroon rin ng pagkakataon si Mario na mag-host sa ASAP at lubos ang tilian ng fans nang inanunsyo niya na sa November 1 na ang simula ng Singapore screening ng "Suddenly It's Magic," kung saan katambal niya si Erich Gonzales.

Samantala, mas pasisiyahin pa ni Mario ang kanyang Pinoy fans dahil sa October 29 ay lilipad ang Thai heartthrob sa Pilipinas at bibista sa iba't ibang show ng ABS-CBN upang i-promote ang first Filipino-Thai film ng Star Cinema na "Suddenly It's Magic."

Ang "Suddenly It's Magic" ay mapapanood na sa mga sinehan sa buong Pilipinas sa October 31 (Wednesday).


CLICK HERE for more photos!





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP