Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

WITH EXCLUSIVE PICS! KathNiel, kabado na raw sa kanilang unang pagbibida sa sarili nilang pelikula sa 2013!

Saturday, December 15, 2012


Finally, narinig ng Star Cinema ang request ng milyon-milyong tagahanga ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla! Dahil tuloy na tuloy na next year ang pelikulang silang dalawa na talaga ang bida. After 24/7 In Love and itong MMFF entry nilang Sisterakas, ngayong naiisip na raw nila na next year na ang launching movie nila, unti-unti na raw silang kinakabahan. Sabi pa nga ni Daniel sa story conference para sa 2013 movie nila, "magkakaalaman na tayo dito."

Isang romantic-comedy o rom-com movie ang kanilang gagawin. Sang-ayon daw sila na ganto muna ang tema ng kanilang pelikula, para angkop lang sa edad nila at hindi masyadong mabigat sa puso. Lalo pa't ayaw daw ni Daniel ng heavy drama, dahil "ka-badtrip" daw yung makaramdam ng lungkot at bigat sa dibdib. 

Pero bilang fan nilang dalawa, sigurado namang maraming susuporta sa pelikula nilang ito. Abangan na lang natin sa 2013! Sa ngayon, panoorin muna natin ang Sisterakas - pati syempre One More Try - sa December 25!

Thanks Mylene De Leon for the photos!


CLICK HERE for more pics!






2 comments:

muratsky December 15, 2012 at 11:40 PM  

awwww! so excited :) KathNiel FTW :))

Belle Tomas January 2, 2013 at 5:50 PM  

Go kayniels love you LOTX...

♥♥♥♥

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP