Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

EXCLUSIVE PHOTOS : Star Magic Games 2012!

Monday, July 30, 2012




CLICK HERE for more photos! Thank you so much Marc Noveloso for the photos!

Read more...

"Hindi naman ako nagmamadali Ma eh, muntik lang!" Sarah Geronimo to her Mommy Divine



Kung paanong super kilig ang episode nito last week, kagabi naman ay halos bumaha ang luha dahil sa eksenang napanood ng lahat sa Sarah G Live. In a rare moment ay umupo sa isang interview kasama ni Sarah Geronimo ang mga magulang niyang sina Daddy Delfin at Mommy Divine - na buong linggong napunta sa sentro ng kontrobersiya, dahil diumano ay pinatigil niya na sa panliligaw si Gerald Anderson sa kanyang anak. Pero ang isa pang bersyon ng kwento, mismong si Gerald na raw ang sumuko sa panliligaw sa Popstar Princess - na sa guesting niya sa Kris TV ay sinabi niyang isang amazing journey.

Ang special guest ng show na si Ai Ai delas Alas ang tumayong host sa interview portion nina Sarah and her parents. May isang grupo ng fans na nagtanong kung sinong nagpapatibok sa puso ni Sarah ngayon... at matapos ang mahabang silence, sinabi ni Sarah na "siguro po kailangan ng, kung sino man siya, kailangan siguro ng panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ba yung tinitibok ng puso ko, o kung totoo din ang tinitibok ng puso niya. So sabi nga time will tell, at ang Diyos, ako hindi yung gusto ko kundi yung gusto ng Diyos para sa akin."

"Kasi pagka gusto ni Lord, 100% yan," pagsegunda ni Mommy Divine.
"Talagang walang doubts and fears," dugtong ni Sarah. 

Biglang sinundot ng tanong ni Ai Ai kung sa tingin ba raw ni Mommy Divine sino ang gusto ni Lord... "Mahirap magsalita, pero magpaparamdam syempre yun lalo, lalo na sa akin. Nanay ako eh," sagot ni Mommy Divine.

Hirit pa ni Ai Ai, "so ngayon medyo alam mo na kung sinong gusto ni Lord?"

"Hindi pa, wala pa. Alam ni Sarah yun," ang diretsong pahayag ni Mommy.

Matapos ang mga pambuwelong tanong... tinumbok na ni Ai Ai ang gustong marinig ng lahat. Diretsahan niyang tinanong si Mommy Divine kung totoong siya ang nagpatigil kay Gerald sa panliligaw kay Sarah.

"Tsismis naman yan... No. Actually kami nga ni Daddy ang nagbigay ng permiso na ligawan siya sa bahay. Kinausap  namin siya talaga ng formal, na sabi ko, sa bahay lang pwedeng ligawan ang anak ko, hindi sa labas, hindi sa text. And then sabi ko kung mapagpapasensyahan mo yung patakaran namin, ganito kami. And nirerespeto namin, respetuhin mo rin kami. Kasi babae yung anak ko. But ah... ewan ko kung dapat sabihin..."

Sa puntong ito kitang kita sa screen ang pagpigil ni Sarah sa Mommy niya... pero sa pagpapatuloy nito, sabi ni Mommy Divine, "pero hindi yata ano, di ba? Pero kung hindi mapagtyagaan yung ganun, at mapayagan..." Para mapigil si Mommy sa tuluyang pagre-reveal, niyakap na ni Sarah si Mommy sabay bulong dito. At paglilinaw ng Popstar Princess, "sa totoo po talaga, hindi po Mommy ko ang nagpatigil kay Gerald na manligaw talaga, so wala..." Sa sinabing ito ni Sarah, nalinaw na hindi pinatigil ni Mommy. Ang naiwang tanong, kung walang nagpatigil... sumuko na ba si Gerald?


Kung akala ng lahat ay natapos na dun ang medyo "painful" para sa marami na revelations, sa sumunod na segment - kung saan kumanta si Sarah with her parents, hindi na ito nakapagpigil na maging emosyonal. Nagsimula sa messages ng mga magulang niya...

"Sarah ang message ko sayo, sana makatapos ka pa ng pag-aaral mo, good health, God bless nak. I love you, mahal na mahal ka namin. Ako bilang ama mo, bilang kaibigan, bilang tagahanga mo, hindi magsasawang sumuporta sayo. Mahal na mahal ka namin. Love you," sabi ni Daddy Delfin.

"Ako naman, natatandaan mo ang palaging, yung pinag-usapan natin sa CR, na Mommy sorry sabi mo sa akin, ang sabi ko Nak kahit anong mangyari, magtampo man kayo, magalit minsan sa akin, pero ang... magiging firm ako sa stand ko. Kung anong tama para sa inyo, lagi kong ilalaban yun, para maprotektahan ko ang pamilya. At mabigyan kayo ng magandang kinabukasan, maipagmalaki kayo ng kahit sino kung saan kayo mapunta. Sino mang maswerte para sayo, maging maswerte rin sayo dahil pinag-ingatan ka namin. Di ba? So lagi mo anak tatandaan yun, kahit anong mangyari, mga kapatid mo, nandyan lagi nagmamalasakit lagi sayo..." ang sabi naman ni Mommy Divine.

Sagot ni Sarah, "Sobrang pasasalamat ko sa Diyos dahil buo tayo Mommy, at nandyan po kayo para po gabayan ako. Ibangon ako pag nagkakamali ako, minamahal pa rin ako kahit nagkakamali ako. At patawad po dahil hindi po ako perpektong anak, pero gagawin ko po ang makakaya ko para patuloy ko kayong mahalin... (starts to get emotional) at sundin sa mga, sa mga aral po ninyo na binibigay sa akin dahil alam ko po na kayo ang nakakaalam ng makakabuti para sa akin. Mahal na mahal ko po kayo, at maraming maraming salamat po sa lahat ng suporta't pagmamahal."

"Darating din yun 'nak, wag ka mag-alala ibibigay din ni Lord yun," ang biglang sabi ni Mommy Divine giving a clue sa pinagdadaanan ni Sarah.

"Oo Ma! Hindi naman ako nagmamadali Ma eh, muntik lang!" tinawanan saglit ni Sarah ang hirit niyang ito pero sa pagyakap niya sa ina ay tuluyan na siyang napaiyak, sabay bawi na lang na "Ma kakanta tayo!"


Habang kinakanta nilang mag-ama ang "You've Got a Friend" may part na sa solo ng Daddy niya, matagal na hindi humarap sa camera si Sarah dahil naiyak na siya. Kahit pa natawa na siya nung kumanta na pati si Mommy Divine, ako personally damang dama ko ang pain na dinadala ni Sarah that time. Mula dito, ano pa kaya ang susunod na chapter sa buhay ni Sarah? Ano kaya ang isa pang bersyon ng kwento - mula kay Gerald? Lahat tayo naka-abang dyan, at syempre umaasang maging masaya na sana si Sarah G.


Read more...

EXCLUSIVE VIDEO : Magkababayan na sina Jason Francisco at PBB Teens' Karen, nagkita na sa wakas!

Saturday, July 28, 2012


video


For the first time, noong Thursday ay nagkita na ang parehong taga-Calapan, Mindoro at former housemates sa PBB na sina Jason Francisco at Karen Reyes. Matatandaang bago pa mag-Big Night nitong huling PBB Teens edition ay todo kampanya na si Jason para sa kanyang kababayan sa Twitter. Sobrang thankful si Karen kay Jason nang magkita sila nun. Pareho kasing nag-guest sa Kris TV ang dalawa, para sa magkaibang episodes. Nandun din sa dressing room that time si Dominic Roque ng Aryana - na in fairness, okay din silang tingnan together ni Karen ha! Hehehe!


Read more...

FAN SIGNS : PBB Teens 4 Edition!

Friday, July 27, 2012



CLICK HERE for more photos!

Read more...

With Premiere Night Photos : "The Healing" humataw agad sa takilya!

Thursday, July 26, 2012



Talk-of-the town ngayon ang patuloy na tumatabo sa takilya na “The Healing,” ang graded A horror-suspense film na pinagbibidahan ng Star for All Seasons Vilma Santos at ng Princess of Philippine TV and Movies na si Kim Chiu.

Sa matagumpay nitong premiere night pa lamang noong Martes (July 24), naging no.1 trending topic na agad ang “The Healing” sa sikat na microblogging site na Twitter kung saan bumaha ng tweets mula sa mga netizen na sobra na ang pananabik na mapanood ang pelikula.

Sa labis na excitement ng publiko sa “The Healing,” matagumpay agad ang first day of showing nito sa laksa-laksang tao na sumugod at matiyagang pumila sa iba’t ibang mga sinehan sa buong bansa. Sa katunayan, sa patuloy na pagdagsa ng moviegoers, ilang malls na ang nagplanong magdadag ng cinemas ngayong weekend upang matiyak na maa-accommodate ang dami ng nais manood.  

Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema, ang "The Healing" ay ginawaran kamakailan ng pinakamataas na marka na Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang "The Healing" ay engrandeng panimula ng selebrasyon ng ika-50 anibersayo ni Ate Vi sa showbiz.

Palabas na ngayon ang "The Healing" sa mahigit 140 na sinehan sa buong bansa.

Kasama rin sa cast ng "The Healing" sina Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Jhong Hilario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin at Pokwang.

CLICK HERE for more photos!

Read more...

Minsan lang may magtopless sa fan signs ko! Go Ryan Boyce!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : "Time will decide what's best for us..." Gerald Anderson to Sarah Geronimo!

Sunday, July 22, 2012

Gerald : "Ano ba talaga ang gusto mo?"
Sarah : "Ikaw! Hahaha!"
Gerald : "Ready ka na ba talaga?"



Isa lang ito sa nakakakilig na hiritan kanina nina Sarah Geronimo at ng manliligaw niyang si Gerald Anderson, na special guest niya sa pagpapatuloy ng month-long birthday celebration niya sa Sarah G Live. Binitiwan nila ang mga kilig hirit na ito nang ibigay ni Gerald ang regalo niya kay Sarah na isang t-shirt na may naka-print na "Babe" at isang unique clock, na sabi ng aktor ay symbol ng importance ng time sa buhay ni Sarah. "Time para sa studies mo, sa career mo, para sa mga popsters, ashralds at ibang grupong sinusuportahan ka, sa family mo - sa mommy mo, sa daddy mo at sa mga kapatid mo, time para sa'yo..." sabi ni Gerald. Mabilis daw kasi ang oras kaya habang may time ay dapat nang sabihin at gawin ni Sarah ang lahat ng gusto niya. Sabay sabing "time will decide what's best for us."

Nang tanungin naman siya ni Sarah kung ano ang birthday message niya, natagalan si Gerald bago kumpletuhin ang message niya. Lahat pigil-hininga dahil baka sabihin na ni Gerald diretsahan kay Sarah na "I Love You." 




"Happy birthday... Ang wish ko talaga sa'yo, sana mahanap mo yung mga sagot sa tanong mo. At sana mahanap mo yung happiness na matagal mo nang hinahanap," sincere na sabi ni Gerald.

Sinagot naman ito ni Sarah ng, "thank you sa joy, sa kilig, sa inspirasyon na naibahagi mo sa akin... Wish ko na yung friendship natin maglast FOREVER... Basta just call my name and I'll be there."




Trending worldwide at sa Philippines ang nasabing episode, kung saan lahat ng viewers ay kinikilig at natutuwang makita si Sarah na very "tao" at hindi na natatakot ipakita sa lahat ang kilig niya. Indeed, isang "amazing journey" ang love story na ito nina Sarah at Gerald. At lahat tayo naka-abang sa masayang pagpapatuloy ng kanilang kwento.



Tutok na tutok si Gerald sa panunuod kay Sarah rehearsing.



CLICK HERE for MORE PHOTOS!

Read more...

Zsa Zsa Padilla recalls falling in love with Tatay Dolphy... And letting go.

Sunday, July 15, 2012


Kanina sa The Buzz ay naging madamdamin ang usapan nina Boy Abunda at Zsa Zsa Padilla, tungkol sa kwento ng pag-iibigan nina Zsa Zsa at Tatay Dolphy hanggang sa pamamaalam nito. Narito po ang buong usapan nilang dalawa.

Photo courtesy : Sol Caco
ZSAZSA  It was a struggle. It was hard Tito Boy I fell in love with a man… parang I never imagined it. To begin with, falling in love with Dolphy, yung age difference sobra sobra. 36 years ata yung age difference namin eh. I called him Mang Dolphy until you know we worked together several times, I think the first time we worked together he got me for his US tour.
BOY The first time you saw him? How was that moment?
ZSAZSA Very friendly eh. Na-starstruck ako sa kanya, tapos syempre flattered ako na gusto niya kong kunin kasi up and coming pa lang ako during that time. So yun pagkatapos nun our first film together, we got comfortable na with each other a little bit. We’d come on the set I would clearly remember, pareho kami ng kulay ng damit. Siyempre there was something to talk about, oh you’re in green too today. And it happens a lot of time. Pero wala naman talaga, sobrang wala.
BOY Pero did you know that may mga kwento noon na pag nakikita ka niya sa telebisyon, even before he met you na kahit anong kanyang ginagawa, hihinto si Tito Dolphy at talagang napapatingin daw kay Zsa Zsa Padilla?
ZSAZSA Hindi niya kasi kinukwento sa akin yun, he never says that. Actually pag nagbibihis ako and I’d feel that I’m at my best, I’m looking really good, ‘lovey’ magpapaganyan ako. I would dance around him, you know magpapansin ako sa kanya, ‘how do you think I look?’ he never says you’re pretty, you’re beautiful, you look amazing.
BOY But how would he articulate that?
ZSAZSA He would just look.
BOY But you knew?
ZSAZSA I knew. [Boy : na pag tumingin siya, humahanga na siya] oo. Humahanga na siya. Minsan tinanong ko na sa kanya yun bakit hindi mo naman ako pini-praise. Kasi gusto ko naman marinig sayo yun na maganda ko ngayong gabi, na nagbihis ako para sayo. Sabi niya baka kasi lumaki ulo mo. Baka yumabang ka. Pero pag iba yung tingin niya yung seryosong may ngiti ng konti, yun alam ko na yun.




BOY ZsaZshing the very first time you felt that you were falling for him, natakot ka?
ZSAZSA Oo naman kasi hindi ba parang alam na alam ko na marami siyang anak. Meron siyang kasama during that time. Alam kong magulo, alam kong magiging magulo. Saka ako din eh hindi naman ako libre nun eh. I was having my own struggles with my marriage during that time.
BOY In my last interview with Tito Dolphy, the most memorable I had with him was in 2008 for Inside The Cinema, ang dami naming napag usapan, isa dun ZsaZshing yung you and Tito Dolphy contemplated on living abroad, diba? How was that, what were you talking about?
ZSAZSA Kasi actually nung umalis ako nung pumunta ko sa states, I really left him. Sabi ko hindi ko na kaya, ang hirap hirap ng situation ko, everytime I have a presscon they would be asking me about you. How true it is? Ganyan ganyan and of course I had no other choice but to deny it. Because ako kasi hiwalay na nung time na yun pero he was with someone else. Ayun so nadecide ko yun, pero sumunod siya kasi.
BOY Tumapang ka during those times?
ZSAZSA After kasi nung pinaglaban ko na talaga. When a lot of people would say a lot of things... Kasi Boy pag bata ka, matapang ka eh. Feeling mo nun sobra sobra yung confidence ko in the sense that siguro naman kung meron naman akong ibubuga kahit papano makakabalik ako sa show business, parang ganun. Yun ang iniisip ko noon.
BOY Dun ko nakita Zsa kung paano kayo nanindigan kung paano ka lumaban even when you are very quiet.
ZSAZSA Actually the first two years with him was really difficult kasi wala pa kaming mga anak nun eh. Sobrang dami, siyempre siguro maraming sinasabi sa labas, siyempre apektado ka rin. Tapos sabi ko kung talagang mahal ko tong taong to paninindigan ko to. And I did. I really love him so much.
BOY At saka sa aming pag uusap sinabi rin niya sakin na this was the king of comedy who said na kaya kong talikuran ang aking trabaho, im willing to go abroad live a quiet life kung yun ang ibig sabihin ng pagmamahalang ito, isasakripisyo ko ang lahat.  That’s very touching.


CLICK : READ MORE

Read more...

Gerald Anderson, YSL Tribute ang regalo kay Sarah Geronimo!

Wednesday, July 11, 2012

Sa July 25 ay birthday na ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo. At ilang linggo pa lang bago ito, nagbigay na ng regalo sa kanya ang "special" na lalaki sa buhay niyang si Gerald Anderson. Isang YSL Tribute na heels daw ang ibinigay niya kay Sarah.


Sa guesting ding ito ni Gerald sa Kris TV with Chiz Escudero last Tuesday, kasama ang kaibigang si Rayver Cruz, naging very open siya tungkol sa feelings niya kay Sarah. Ang panliligaw niya raw sa Box Office Queen ay isang 'amazing journey'. Nang tanungin naman siya kung kailan siya nagsimulang manligaw kay Sarah, nagsimulang magbilang si Gerald mula March ng taong ito. Ibinuking din ni Kris Aquino na may mga episodes ng Sarah G live na nakabantay lang si Ge kay Sarah sa director's booth. Sa fast talk segment naman, isa sa mga tanong sa kanila ni Rayver ay kung ano for them ang most beautiful name of a girl - ang naging sagot ni Gerald, Mommy Divine. Yun na! Kilig!

Read more...

King of Comedy Dolphy, pumanaw na.

Tuesday, July 10, 2012


Sunod-sunod na ang pagdagsa ngayon ng messages ng pakikisimpatiya ng lahat sa pagpanaw ng hari ng komedya na si Tito Dolphy, 8:34 daw ngayong gabi ayon sa reports. Mismong si Zsa Zsa Padilla raw ang nag-confirm ng malungkot na balita. Pumanaw ang komedyante sa edad na 83. Nakatakda pa sana siyang mag-birthday sa July 25.

Paalam Tito Dolphy. Sige po magpahinga ka na. Maraming, maraming salamat po sa lahat.

Read more...

The true story of Daniel Padilla, according to Kathryn Bernardo!

Sunday, July 8, 2012


"Hi this is Kathryn, and this is the true story of my friend Daniel Padilla," ito ang bungad ng Princess and I star na si Kathryn Bernardo kanina, sa Celebrity True Stories na segment ng The Buzz. Kasunod ang kanyang pag-alala sa unang pagkikita nila ni Daniel at kung paano nahulog ang loob sila naging close sa isa't isa.

Pagkukwento ni Kath...
"First na nakita ko si DJ, sa showtime nag-guest ako with Julia tapos parang nag-guest siya dun. Yun yung first ever pero hindi kami nag-usap nun. Tapos after nun next na yung sa Growing Up na audition. Naging close kami nung taping ng Growing Up, parang may time dun na nag-usap kami. So starting nun, medyo nawala na yung ilangan. Actually Growing Up talaga yung nag-paano ng relationship namin."

"Mayabang. Yung parang lahat tayo kung ano yung first impression sa kanya, mayabang na playboy ganun."

"As a person parang, outside nun is maangas ganyan pero pag nakilala mo siya super bait, super gentleman and pag kasama mo siguradong sigurado kang aalagaan ka niya. Tapos super bait niya sa mga kapatid niya. Caring at saka trustworthy. Ewan ko kasi parang sa tao hindi rin ako madaling magtiwala pero parang kay DJ kahit anong sabihin mo alam mo na safe yun."

"Na-convince naman ako na sincere si DJ kasi sa mga pinapakita nya naman and sa mga tao, alam din naman nila kung gaano kabait si DJ and gaano kaalaga siya sakin. Hindi rin naman kasi tinatago ni DJ yung feelings niya so malalaman mo talaga na pinapahalagahan ka niya and na special ka para sa kanya."

"Para sakin ah, memorable yung GGV namin. Ewan ko kasi nagulat din ako na special guest pala siya dun tapos kumanta pa siya so unexpected talaga, so hindi ko siya nakakalimutan. Meron siyang ginawa neto lang binigyan niya ko ng dalawang puppies so nakaka-flatter."

"Sakto lang. Oo kinikilig naman siyempre kahit sino namang babae, kinikilig siguro pag nandun na yung Padilla look niya, yung pag smile na ganyan yung eyes na basta may something sa kanya na wala yung ibang lalaki malakas yung dating niya."

"Hindi ko pa masasabi kasi matagal pa naman yung right age ko na yan pero siguro magkakaroon ng chance naman talaga. I like him as a friend, ngayon friend muna. Siguro sakin special friend si DJ, hindi ko alam kung M.U. tawag dun pero special friend."

"Hello DJ Padilla, first gusto kitang i-congratulate dahil nag-Gold na yung album mo, and of course yung sa acting career mo sana lang wag magbabago, laging makikinig sakin or kay Tita Karla sa lahat. Lagi lang kaming andito para sayo."

Read more...

EXCLUSIVE PICS : Silipin natin ang katuparan ng pangarap ni Julia Montes - ang bahay para sa kanyang pamilya!

Saturday, July 7, 2012

Thanks to my bebe Julia Montes for allowing me to post these photos here. 




CLICK HERE for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Kris Aquino, Josh and Bimby nag-donate ng hospital beds sa Philippine Children's Medical Center!

Kahapon ay pormal nang tinurn-over ni Kris Aquino sa Philippine Children's Medical Center ang sampung hospital beds na ipinangako nilang ibibigay nila para sa kapakanan ng mga batang naco-confine sa nasabing hospital. Milyon din ang inabot ng donasyong ito ng mag-iina. Pero nangako si Kris na kung tuloy-tuloy ang dating ng blessings sa kanila, muli siyang magbibigay sa PCMC sa susunod na taon. First time kong makapunta sa PCMC at na-impress ako sa ganda ng ospital, at sarap sa pakiramdam na talagang nage-exert silang lahat ng bonggang effort para gawing mas conducive to healing ang environment para sa mga bata. 



CLICK HERE for more photos!

Read more...

Kris Aquino creates her own Twitter account!

Sunday, July 1, 2012

She is really THE Queen of All Media! After Instagram, ngayon naman pati ang Twitter world ay pinasok na ni Kris Aquino - pinasok meaning, siya na mismo ang gumawa at magpo-post. Sabi niya nga sa isang follower na nag-tweet sa kanya, "this is my 1st, my own. A dear friend took care of the 1st. This is connected to my IG acct. Nitey."


Kaya friends, let's all follow --- @aquinokristina on Twitter!

Read more...

DNA TEST RESULT nina Angeline Quinto at ng babaeng nagsasabing siya ang tunay niyang ina, NEGATIVE!



Sinubaybayan ng buong bayan ang paghahanap ng pop superstar na si Angeline Quinto sa kanyang tunay na ina. At sa buong journey na ito ni Angeline, exclusive na na-cover ng The Buzz ang bawat pagdaanan ng singer. Hanggang lumantad nga ilang linggo na ang nakakaraan itong si Veronica Tolentino na nagsasabing siya ang tunay na ina ni Angeline. Umabot na ang kwento sa pagpapa-DNA test nilang dalawa, at pati na rin ng ama ni Angeline na si Pop Quiros. Noong Byernes ay naganap ang inaabangang DNA testing. At ngayon, matapos ang ilang araw... lumabas na ang resulta ng pagsusuri na una at exclusive niyo pa ring narinig sa The Buzz. 


Nag-match ang DNA samples nina Angeline at ng kanyang amang si Pop. Samantalang ang DNA samples naman ng singer at ng nagke-claim na tunay niyang ina... hindi nag-match! Negative! Ibig sabihin, hindi ito ang tunay niyang ina. At si Mang Pop ay totoong tatay niya. Masayang-malungkot si Angeline sa naging resultang ito. 

"Ayun po natutuwa po ako na si papa ko talagang tatay ko po tapos siyempre yung mga nakilala ko po simula nung bata ako na mga pamilya ko, talagang kapamilya ko. Pero siyempre may halo din pong lungkot kasi nakita niyo naman po yung naging reaksyon ni Aling Veronica talagang umiyak siya nung niyakap niya ko. Sabi ko nga po pasensya na po kayo siguro po ganun talaga. Tapos sabi niya, tinatanong nga po niya ko bakit daw ganun alam daw po kasi talaga niyang anak niya ko. Naiyak nga din po ako kanina pero pinigilan ko kasi ayokong makita niyang umiiyak ako, tapos ang sabi ko na lang po sa kanya na sana hindi magtagal ay makita na rin niya yung mga anak niya," ang sabi ni Angeline.

Samantala, ayon naman kay Aling Veronica kahit sobrang nalungkot siya sa naging resulta, laking pasasalamat niya sa atensyong binigay sa kanya ni Angeline.

"Angeline salamat sa binigay mo na atensyon sa akin na ginastusan mo. Alam mo na mabigat sa loob ko kasi nga alam ko na anak kita at si Ronron parang hindi ko makaya para kong binagsakan ng lupa at langit. Pero anak, anak pa rin ang tawag ko sayo wag mo lang ipagkait na anak pa rin ang tawag ko sana wag kang magbago [cries]... Napakasaya ko pag nayayakap kita anak. Nadampian mo lang ako ng balat ko pakiramdam ko mamatay na ako sa saya hindi lang ako makatulog. Sana matagpuan mo na ang tunay mong nanay, pero hanggang sa mamatay ako mamahalin pa rin kita kung di man kita tunay na anak kasi ramdam ko sa puso ko na anak talaga kita," emosyonal na pahayag ni Aling Veronica.

Kasunod nito ay isang panawagan naman ang binitawan ni Aling Veronica para sa taong nagsabing si Angeline Quinto ang tunay niyang anak...

"Jun sguro nakita mo na ko sa The Buzz, Jun please yung mga anak ko san niyo dinala ng nanay mo, nagmamakaawa ako magpakita ka sakin Jun. Mga anak ko nasaan na ba si Ronron saka si Angelie kasi baka ikamatay ko naman na hindi ko pa sila nakikita. Sabihin mo naman sakin yung totoo dahil sinabi mo sakin na si Angeline Quinto ang anak ko. Magpakita ka sa akin alam mo ang bahay namin sa Pandacan hindi ka maano o gusto mo dito ka sa ABS-CBN magpunta. Please lang parang awa mo na, wag mo naman akong lokohin na si Angeline Quinto ang anak ko. Makita ko lang sila ni Ronron masaya na ko."

Samantala, matapos ang lahat ng ito, patuloy pa rin ang magiging paghahanap nina Angeline sa kanyang tunay na ina lalo pa't pinangalanan na ito ng kanyang ama. Nasaan na nga kaya ang tunay na nanay ni Angeline? Nasaan na kaya si ROSEMARIE MABAO?

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

TopBlogs.com.ph

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP