Zsa Zsa Padilla recalls falling in love with Tatay Dolphy... And letting go.


Kanina sa The Buzz ay naging madamdamin ang usapan nina Boy Abunda at Zsa Zsa Padilla, tungkol sa kwento ng pag-iibigan nina Zsa Zsa at Tatay Dolphy hanggang sa pamamaalam nito. Narito po ang buong usapan nilang dalawa.

Photo courtesy : Sol Caco
ZSAZSA  It was a struggle. It was hard Tito Boy I fell in love with a man… parang I never imagined it. To begin with, falling in love with Dolphy, yung age difference sobra sobra. 36 years ata yung age difference namin eh. I called him Mang Dolphy until you know we worked together several times, I think the first time we worked together he got me for his US tour.
BOY The first time you saw him? How was that moment?
ZSAZSA Very friendly eh. Na-starstruck ako sa kanya, tapos syempre flattered ako na gusto niya kong kunin kasi up and coming pa lang ako during that time. So yun pagkatapos nun our first film together, we got comfortable na with each other a little bit. We’d come on the set I would clearly remember, pareho kami ng kulay ng damit. Siyempre there was something to talk about, oh you’re in green too today. And it happens a lot of time. Pero wala naman talaga, sobrang wala.
BOY Pero did you know that may mga kwento noon na pag nakikita ka niya sa telebisyon, even before he met you na kahit anong kanyang ginagawa, hihinto si Tito Dolphy at talagang napapatingin daw kay Zsa Zsa Padilla?
ZSAZSA Hindi niya kasi kinukwento sa akin yun, he never says that. Actually pag nagbibihis ako and I’d feel that I’m at my best, I’m looking really good, ‘lovey’ magpapaganyan ako. I would dance around him, you know magpapansin ako sa kanya, ‘how do you think I look?’ he never says you’re pretty, you’re beautiful, you look amazing.
BOY But how would he articulate that?
ZSAZSA He would just look.
BOY But you knew?
ZSAZSA I knew. [Boy : na pag tumingin siya, humahanga na siya] oo. Humahanga na siya. Minsan tinanong ko na sa kanya yun bakit hindi mo naman ako pini-praise. Kasi gusto ko naman marinig sayo yun na maganda ko ngayong gabi, na nagbihis ako para sayo. Sabi niya baka kasi lumaki ulo mo. Baka yumabang ka. Pero pag iba yung tingin niya yung seryosong may ngiti ng konti, yun alam ko na yun.




BOY ZsaZshing the very first time you felt that you were falling for him, natakot ka?
ZSAZSA Oo naman kasi hindi ba parang alam na alam ko na marami siyang anak. Meron siyang kasama during that time. Alam kong magulo, alam kong magiging magulo. Saka ako din eh hindi naman ako libre nun eh. I was having my own struggles with my marriage during that time.
BOY In my last interview with Tito Dolphy, the most memorable I had with him was in 2008 for Inside The Cinema, ang dami naming napag usapan, isa dun ZsaZshing yung you and Tito Dolphy contemplated on living abroad, diba? How was that, what were you talking about?
ZSAZSA Kasi actually nung umalis ako nung pumunta ko sa states, I really left him. Sabi ko hindi ko na kaya, ang hirap hirap ng situation ko, everytime I have a presscon they would be asking me about you. How true it is? Ganyan ganyan and of course I had no other choice but to deny it. Because ako kasi hiwalay na nung time na yun pero he was with someone else. Ayun so nadecide ko yun, pero sumunod siya kasi.
BOY Tumapang ka during those times?
ZSAZSA After kasi nung pinaglaban ko na talaga. When a lot of people would say a lot of things... Kasi Boy pag bata ka, matapang ka eh. Feeling mo nun sobra sobra yung confidence ko in the sense that siguro naman kung meron naman akong ibubuga kahit papano makakabalik ako sa show business, parang ganun. Yun ang iniisip ko noon.
BOY Dun ko nakita Zsa kung paano kayo nanindigan kung paano ka lumaban even when you are very quiet.
ZSAZSA Actually the first two years with him was really difficult kasi wala pa kaming mga anak nun eh. Sobrang dami, siyempre siguro maraming sinasabi sa labas, siyempre apektado ka rin. Tapos sabi ko kung talagang mahal ko tong taong to paninindigan ko to. And I did. I really love him so much.
BOY At saka sa aming pag uusap sinabi rin niya sakin na this was the king of comedy who said na kaya kong talikuran ang aking trabaho, im willing to go abroad live a quiet life kung yun ang ibig sabihin ng pagmamahalang ito, isasakripisyo ko ang lahat.  That’s very touching.


CLICK : READ MORE

BOY Your most memorable conversations with Tito Dolphy, ano yung pumapasok sa iyong isipan?
ZSAZSA Singing with him, he loves to sing. Isa yun sa mga bagay na nagbond sa amin. Old songs like… palagi kong kinakanta, really cant stay… kaninang umaga kinakanta ko yun habang nagsha-shower ako ini-imagine ko yung boses niya na kaduet ko. And that's what keeps me strong now Boy eh. And this morning nakaupo ako dun sa sink, I was having my coffee kasi tinimplahan ako ni Karylle ng coffee... Sabi niya Mama what are you doing there, sabi ko, I was having coffee with my lovey. Tapos I realized again I can have coffee anywhere with him I can talk to him anywhere. It’s not that I feel his spirit, that I just imagine it Boy, and it comforts me. The first night that he left us I said good night lovey ko. And sometimes when I just feel it in the house ‘lovey ko! Lovey ko ‘ [laughs] I imagine it sometimes or yung room dun sa baba ng bahay namin where he still has his hospital bed, nakaganun ako sa pinto, naimagine ko nandun siya, ‘what are you still doing here you know you can come upstairs and you can ano..’ ganun lang I can imagine these things and it just makes me feel better. I really miss him Boy…
BOY ZsaZhing you know that things are going to be different. 
ZSAZSA Yeah. I really miss him…  [teary eyed]
BOY The moments, ano pa yung mga pumapasok sa iyong puso at isipan when you talk about the good times with Tito Dolphy?
ZSAZSA Nandun kami sa kwarto nun eh nasa hospital bed na siya nagset up ako dun, sabi niya napakabilis talaga ng panahon no anong nangyari so pinag iisipan ko yun, sabi ko alam mo ang lalaki na nga ng anak natin... Ang bilis bilis talaga ng panahon kung mababalik mo lang hindi ba? Boy alam mo ba nung nag umpisa kami, I really just bargained for ten years sabi ko Lord if I would have ten years with this man, I would be the happiest but he gave me more than that so I’m really greateful.
BOY This is also the kind of a relationship where people had so much to say. Hindi magtatagal yan, this is not gonna last but it lasted. You know even when people said, even Tito Dolphy was categorical when he said that she is going to be the last woman of my life alam ko naman sa puso ko na hindi marami ang naniwala… but you believed
ZSAZSA [cries] Yeah.  
BOY What did you tell him nung narinig mo yun galing kay Dolphy?
ZSAZSA Actually nagbiro ako sabi ko, siguro naman sa edad mo dapat ako na ang last [laughs]...
BOY Anong sabi niya?
ZSAZSA Wala pag nagbibiro ako dun pikon yun eh. Pikon siya talaga. Pag tahimik yun hindi niya sasabihin sayo na nahuhurt na ko. Minsan pag nagbibiro ako sasabihin niya that’s not funny. Pikon siya
BOY How was he in private?
ZSAZSA Katulad ng sinasabi ng lahat tahimik.
BOY Was he funny?
ZSAZSA Palagi siyempreng may punchline, he loved people but at the same time he had his own space.
BOY Pag nag uusap kayo Zsa ano yung mga madalas na sinasabi niyang mga pangarap pa niya?
ZSAZSA Sinasabi niya sakin na fulfilled na yung buhay niya, kung meron man siyang hihilingin para talaga sa mga anak niya, maging okay sila lahat. Ganun lang niya sinasabi, maging okay silang lahat.




BOY In my conversation also with Tito Dolphy, he also spoke about wanting to get married with you. What happened?
ZSAZSA It was painful Boy. There was a time when we thought that it was okay na and then we printed out the invitations... Masakit talaga Boy, and I was turning 40 and para sa babae big deal yun eh na kwarenta ka na ganito papakasal na ko hindi ba, tapos yun nga hindi siya natuloy… nadepress ako dun ng husto. Hindi ako bumabangon ng kama. He didn't know how to console me eh. Sasabihin lang niya sakin na siguro dadating din naman yung time hindi ba. And actually nung dumating na nga yung panahon last year, ang dilemma naman namin, o may sakit ka na paano ito ako na yung nagsabi sa kanya na lovey wag na lang kasi magiging magulo pa eh. Kahit pangarap ko rin yan, matagal ko siyang pinangarap. 

ZSAZSA thank you
BOY When he would speak about pains and struggles ZsaZshing what was he saying to you?
ZSAZSA Hindi siya kasi pala-complain Tito boy totoo yan. You know very, very few times sa buong time na may sakit siya mga 8 years siyang nagkaroon ng COPD hindi siya umuungol. Hindi mareklamo. Actually December, kasi masyadong ang tagal ng hospitalization niya last year, meron pang 2 months kaming nasa hospital nung bumalik siya, bumalik kami sa bahay sabi ko sa kanya… akala ko may melancholy siya, sabi ko nalulungkot ka ba? Ang sagot niya sakin bakit naman ako malulungkot? We didn't tell people but during that time he was not able to walk anymore. Very hopeful siya eh na pwede namang mag PT baka naman mayroon pa kong pag asang maglakad, pwede naman akong magwheel chair, gusto lang niya talagang makita yung mga kaibigan niya. Kung sa ospital may isang beses na mataas ang steroids niya at combative siya ng konti, bihira lang sya maging combative, the next day mag aapologize siya sa lahat. Ayaw na ayaw niya na meron siyang masasaktang tao, ganun ang pagkatao niya.
BOY Having said that the best thing about Tito Dolphy? From a personal point of view? From Zsazsa’s point of view?
ZSAZSA He’s very loving. Mapagmahal siya talaga. Yung generosity niya palagi kong sinasabi na best trait niya yun pero worst trait din niya. Kuya boy lahat talaga ibibigay niya. Pag meron kang sinabi lang sa harap niya, like merong lalabas sila ng mga bata and I think Zia, sinabi lang na ‘oh, I really want a phonograph, im gonna get one one day.’ In passing, birthday niya meron siyang ano. Phonograph, hindi niya hinihingi, nabanggit lang niya. ganun siya eh. Sabi ko very careful kami sa mga sasabihin namin tungkol sa mga material na bagay. He will really get it for you. 
BOY He worked so hard, he didn't wanna stop. Did you understand that?
ZSAZSA Yes pero dumating din sa punto na pinagaawayan na namin yun. Tumatakas siya. Pag aalis na ko ng taping, magtetaping din. Pag hinahanap ko kung ano ano yung sagot. Ako naman yung siyang clueless hindi ko alam kung ano yung nangyayari. Pipilitin at pipilitin niya not because kailangan niya ng pera, buhay niya talaga yun. So pag uuwing ganun na mabubuking ko na nagtaping, uuwi din naman dahil di rin naman makakayanan eh. Natatawa na lang ako sabi ko lovey ah. Naiintindihan ko yun kasi Boy workaholic din ako eh pareho kami talaga.
BOY Napag usapan din namin ni Dolphy, yung mga haka haka na about him having bought a coffin. Sabi ko Tito Dolphy totoo ho bang ika'y bumili na and then he told me na  alam mo naman ako madaling mabentahan. But it was true?
ZSAZSA Yeah bago pa lang kami nabalita na yun eh. Tinanong ko sa kanya. Sabi ko totoo ba yun na bumili ka daw ng kabaong na worth one million ganun pa mga sinasabi nun eh. Sabi niya totoo, kung mahal mo ang pamilya mo gagawin mo talaga yun.
BOY Is this the coffin that he’s used now?
ZSAZSA Yeah that's from 1977 Kuya Boy. But it's beautiful.
BOY Why did you sing through the years? During the eulogy?
ZSAZSA Yun na talaga yung kanta namin eh. Siyempre alam mo ang pagsasama namin sa 23 years hindi naman yan ganun ka rosy. Sa umpisa siyempre ang hirap hirap sabi ko sayo the first two years was very difficult and then we had our children it was smooth sailing. Partly sa eulogy sinabi ko yun marami siyang anak. Hindi yun naging madali para sa amin, sa akin. Yung lifestyle din niya na marami siyang kasama kasi nga hindi ako ganun, medyo hindi kami magkasundo doon.

BOY Alam ko that the children at saka ikaw had the chance to talk to him nung siya’y nasa ospital, take me to that moment paano ka nagpaalam? What did you tell him?
ZSAZSA Sinuwerte lang ako Kuya Boy kasi, actually ang tagal na niya sa icu it was really difficult. Nahirapan na kaming tignan siya. Unang una naka tracheostomy siya isang bagay na hindi niya gusto. Habilin niya talaga samin na sana wag siyang umabot dun. Kaya lang andami naming magdedecide boy hindi lang naman ako diba 17 children pang 18 ako. So in the beginning gusto ko talagang sundin yung habilin niya, but then parang feeling ko baka hindi ako maintindihan ng iba. And in a way I bargained for more time. Ilang beses na rin kasi sa regular room pa lang bago pa lang siya I respirator talagang muntik na, talagang pag pinanood mo pa lang, parang he would go na. Pinatawag ko lahat ng mga anak niya na sabi ko na susubukan nilang i-pipe up yung daddy niyo pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari so sabi ko baka ito na yung punto na kailangan na niya ng respirator. Kasi sinasabihan naman kami ng doctor na yun eh pag stage 4 na ano ba ang dapat naming iexpect, yun ay umaabot na sa respirator aabot na sa tracheostomy so palagi niyang sinasabi na pagdating dun ayoko na. Pero sabi ko sa kanya papano kung respirator? Sabi niya sakin tignan natin diba. Parang pag talagang kinakailangan sabi niya sige.
BOY That last moment that you had to just talk to him quietly ano yung sinabi mo sa kanya?
ZSAZSA Maraming beses kasi yan Boy kasi, he was given 24 hours to live about 3 times. Tatlong beses yun so
BOY Sa mga pagkakataong iyon, ano ang parati mong sinasabi sa kanya?
ZSAZSA Come home to Jesus. Saka parati kong ina-assure na okay kami, wag mo kaming intindihin. Okay lang kami. Sinasabi ko sa kanya binubulong ko na alam ko naman na pag napunta ka sa langit alam ko naman na hindi mo kami pababayaan. Alam ko na iga-guide mo kami. And yun sinasabi ko sa kanya na do not be afraid just come home to Jesus we will be okay. And how much I love him, I always tell him how much I love him.
BOY ZsaZshing what is your prayer?
ZSAZSA Kuya Boy kasi yung tagal niya sa icu naintindihan ko na kung bakit nangyari yun. Kasi talagang kailangang maging united kami bilang isang pamilya. 17 of his children. Dahil yun ang gusto niya eh.
BOY Do you feel his presence in the last few days?
ZSAZSA I just imagined it I don't know I always tell him that I’m a little sensitive but I kinda lost it. I thought about that when I was in the den and it was a little eerie sabi ko kaya mo ba talaga na makita mo siyang nakatayo diyan? Siguro alam niya na baka himatayin din ako so hindi. I really wish I would feel his presence.
BOY If you do what would you tell him?
ZSAZSA I want a hug and I really miss him.
BOY And what would you tell him?
ZSAZSA I love you. Same thing. You know his last words talaga is ‘I love you’ [pause] sinwerte sabi ko pa nga, Dana Dana hurry up he just said, he’s awake pala he’s awake pala and he’s saying I love you. But then when his daughter came ay naku nakatulog na si daddy, tapos nun his bp just started dropping and dropping na. Sabi ko kasi lovey lovey! I love you! ‘I love you’ oh my God you’re awake sabi kong ganyan… so ill always remember that moment.
BOY ZsaZshing nanonood ang sambayanan sa atin anong nais mong sabihin sa kanila/
ZSAZSA Maraming maraming salamat sa inyong lahat. Maraming salamat dahil pinaramdam niyo samin kung gaano kaimportante si Dolphy sa buhay ninyo. Importante sa amin malaman na hindi kami nag iisa sa aming dalamhati dahil ang buong sambayanan ay nakikiramay sa amin.
BOY What would you want to tell yourself now?
ZSAZSA Kuya Boy kasi when my friends would come and console me sa ospital pa lang I would tell them I’m actually very strong but I know that this is not my fight eh. This is not my battle kay Dolphy pa yun and my battle actually starts siguro pag nailibing na siya after Sunday. In one of the times na na-ER si Dolphy tumawag ako sa kapatid ko sinabi ko sa kanya na ate sa palagay ko mahihirapan ako pag nawala na si Dolphy dahil talagang yung buhay namin for so many years nakapaligid sa kanya na hindi ko na alam kung anong gagawin ko na all of a sudden he’s gone. Alalayan mo lang ako kasi ayokong mangyari yung nangyari sakin noon na hindi na ko bumabangon sa kama… diba merong commercial… para kanino ka gumigising… yun yun kuya boy masakit… [cries]
BOY 4459 Zsazshing maraming salamat and take good care of yourself and you will always have my love.



My first photo with my Nanay Zsa Zsa and Tatay Dolphy together.

Comments

  1. Thank you for sharing this. Am crying again. Hats off to Zsa Zsa. You really don't stop loving someone. Even beyond death....

    ReplyDelete
  2. My prayers for the eternal repose of Dolphy as well as for the family he left behind, especially Zsa Zsa.

    ReplyDelete
  3. I can relate to Zsa Zsa very much. My boyfriend and I have a 40-year age gap and we're just starting. Like Zsa Zsa, I pray that God grants me at least 20 years with this man..and I'd be very happy.

    ReplyDelete

Post a Comment