Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Bakit umiyak si John Lloyd Cruz sa movie Press Conference at The Buzz kahapon?

Monday, March 18, 2013

Kahapon ay ginanap ang press conference ng pinaka-kilig na movie ng taon, ang part 3 ng love story nina Laida at Miggy na ginagampanan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, ang "It Takes A Man and A Woman." Marami ang nagulat nang biglang maging emosyonal at mapaiyak si John Lloyd. Kaagad bumuo ng espekulasyon ang mga nakasaksi tungkol sa pinagdadaanan ng aktor.

But according to my very reliable source na narinig mismo ang paliwanag ni John Lloyd, ang dahilan daw ng pag-iyak nito ay ang mami-miss niyang mga kasama sa pelikulang humigit-kumulang isang taon nilang ginawa, ito ngang third movie team-up nila ni Sarah. Ilang araw na raw walang tulog si John Lloyd at talagang super pagod sa taping. Kaya sa last taping nila kahapon ng madaling araw, dahil sa pagod ay hindi na nito nagawang i-express ang saya at pasasalamat sa lahat ng kasama niya sa set. Kanina lang daw sa presscon nag-sink in lahat sa aktor na tapos na ang shooting nila... at ayun nga, hindi na niya makakasama yung mga taong naging close na sa kanya habang ginagawa ang pelikula. Habang kinukwento ito sa akin, mas lalo akong humanga kay Lloydy. Ibang klase rin ang kabaitan ng ultimate leading man na ito. Pamilya talaga kung ituring ang mga ka-trabaho.


Sa guesting naman niya sa The Buzz, sa VTR bago ang live interview sa kanya ni Tito Boy Abunda, nagsalita ang mga babaeng naging parte ng career at buhay ni Lloydy patungkol sa gaano kasarap katrabaho ang aktor. Pinatunayan nilang lahat ang husay, ang pagiging maalaga, ang kabaitan ni John Lloyd. At kung gaano sila kaswerte na nakatambal nila ito. Habang pinapanood ang VTR teary-eyed na siya. Hanggang sa hindi na naman niya napigilang mapaiyak nang magsimula na silang mag-usap ni Tito Boy. Natutuwa raw siya dahil sa kabila ng napakaraming naninira sa kanya, heto at marami ring taong nagpapa-alala kung gaano siya kabuting tao.

Personally, si John Lloyd na talaga ang itinuturing kong ULTIMATE leading man ng showbiz ngayon. At gaya nga ng tweet ko, mas lalo ko siyang hinangaan at minahal dahil kahit super pagod na... hindi siya nasusungit sa mga tao sa kanyang paligid. Napaka-nice pa rin. Kaya naman,  panigurado... wagas pa rin ang ibibigay na suporta ng sambayanan sa pelikula nilang ito ni Sarah. Kahit pa hindi mag-promo, sigurado na. Maging ang girlfriend nga ni John Lloyd na si Angelica Panganiban ay aminadong fan siya nina Laida at Miggy, at maging siya ay pumipila sa sinehan para panoorin ang kwento ng dalawa. Kaya naman, sa holy week... I'll make sure na ang manood ng "It Takes A Man and A Woman" ay una sa listahan ko - March 30, Black Saturday! 


CLICK HERE for more photos!






13 comments:

Anonymous,  March 18, 2013 at 1:34 AM  

I super love johnlloyd! ;) forever! ;)

Anonymous,  March 18, 2013 at 1:47 AM  

Obvious na depressed siya. Aminin niyo, he's alcoholic. Huwag na mag-deny at lunasan na kaagad, bago pa man lumala ang sitwasyon. Sayang siya kasi magaling siyang aktor. PalagObjectively speaking lang po., isantabi muna ang pagiging fan. I will watch their movie though because I'm a fan of their tandem. :)

Anonymous,  March 18, 2013 at 3:15 AM  

ma miss lang nya si shaina magdayao... charot!

Anonymous,  March 18, 2013 at 7:19 AM  

malungkot sya obvious eh halatang may pinagdadadaanan...

Anonymous,  March 18, 2013 at 8:16 AM  

Hmmm....npaka plastic. Tama na mr. Cruz.

Anonymous,  March 18, 2013 at 11:09 AM  

Sus ayan na naman alcoholic di nga ninyo alam kung bakit talaga siya umiyak e husgahan kaagad hay naku manahimik nalang kayo kung puro di maganda mga opinion ninyo.kakaloka kayo:-(

Anonymous,  March 18, 2013 at 1:00 PM  

May matinding depression si John Lloyd at yun ang totoo. Kahit dinedeny at pilit na tinatago ng kampo nya na may alcoholism and depression si John Lloyd, lumalabas pa rin ang totoo.

Pati nga trabaho nya pinapabayaan nya. Sya naman talaga dahilan kung bakit nasira kwento ng Beautiful Affair. Sya ang bidang lalake..tapos di nya sisiputin taping..natural magugulo istorya..pumangit tuloy kaya maaga natapos.

Pati movie nila ni Sarah na-delay ng husto dahil hindi nya sinisipot. Kesyo may sakit daw. Pero pag sa inuman kasama si Angelica masigalang masigla! Pang Valentine dapat movie nila ni Sarah..pero hindi natapos sa oras dahil sa kanya..kaya nga Coco-Julia ang nagsipag magshooting para may mapalabas ng Valentine!

Kaya dapat pa-rehab na yang si John Lloyd. Umiwas rin sya sa mga tao na lalong nagpapasama sa kanya. Si Angelica Panganiban, imbes na tulungan syang magbago, kinukunsinti at sinasabayan pa sya sa bisyo nya..grabeng lumaklak. Kaya tigilan din nya press release nya na masaya sila ni John Lloyd..dahil obvious naman na kasinungalingan. Severely depressed si John Lloyd!

Anonymous,  March 18, 2013 at 1:06 PM  

I agree with you. Kaya nga kairita pagyayabang ni Angelica P. na kesyo super happy daw sila. Baka sya masaya pero ang boyfriend nya nagdudusa. Nanghihinayang din ako kay John Lloyd dahil magalung talaga syang actor. Pero unti unto syang sinisira ng alak at depresyon nya. He needs help ASAP!

Anonymous,  March 18, 2013 at 2:19 PM  

Wtf!! Ano ba naman, duktor ba mga nagcocomment dito? Lasenggo o hindi, he's John Lloyd. He won't get affected by your comments. Di naman kayo mga importanteng tao sa buhay nya. If you're a family, gora sa comment. Til then, manahimik na lang dahil it won't affect him a bit. Baka kayo ang stressed! Buhay ng mag buhay eh pinakikialaman nyo. Whether you hate him or not, he still wins. Pinapanood at pinagaaksayahan nyo sya eh. All I can say, I'm a John Lloyd fan! He's suCcessful because he works hard for it. End of discussion....

Anonymous,  March 18, 2013 at 2:29 PM  

Hahaha..kaloka ka teh! Masyado ka affected. Bakit kaw ba nanay ni John Lloyd? Aba kung ganun engganyuhin mo magparehab anak mo! Dahil konting konti na lang Baron Geisler level na sya. Haha.. At oo, magaling si John Lloyd na actor. At oo pinagpapaguran nya trabaho nya pero noon yun. Ngayon, pati kapwa artista at production staff nagdurusa sa kanya. Pinagtatakpan lang ng ABS lahat ng kalokohan nya. ---- EX-HUGE FAN OF JOHN LLOYD

Anonymous,  March 18, 2013 at 2:50 PM  

I love JLC as an actor..super galing nya talaga umarte..kuhang kuha nya talaga bawat emotion. But honestly, sana ayusin nya personal life nya. He is obviously disturbed. Maaaring may emptiness syang nararamdaman sa buhay nya at kalungkot lang na hinahanap nya sa alcohol at pambababae ang kakulangan na yun. Pati work nya naaapektuhan na:( Sana magbago sya bago mahuli ang lahat.

Anonymous,  March 19, 2013 at 3:53 AM  

Yon nga eh dhil mgaling nauuto nya manonood.

Anonymous,  March 23, 2013 at 6:10 PM  

anyone can say what they wanna say about you Lloydie.. but i still love you! best actor of your generation!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP