POKWANG... in love?!

Sa isang segment sa Wowowee, kung saan biniro ni Willie ang mga female co-hosts niya tungkol sa kani-kanilang boyrfriends... hindi inaasahan ng lahat ang hirit niya kay Pokwang. "Ikaw may foreigner ka... May foreigner kang boyfriend sama mo rin," ang banat ni Willie kay Pokie.

Si Pokwang... In a relationship na nga ba?

Kaagad hinanap ng SNN ang komedyante para tanungin tungkol dito at ang naging pag-amin ni Pokie, hindi pa daw niya boyfriend ang foreigner na taga-UK pala. Fini-friendship pa lang daw nila ang isa't isa... pa-chat-chat sa Facebook kung saan sila nagkakilala. [Friend daw si foreigner guy ng isang avid TFC fan nina Pokwang, at in-add nito si Pokie sa FB]. Ang madalas daw na bungad sa kanya ni foreigner friend sa chat? "Hi hello! You're so beautiful today in Wowowee. Yes, I know! My mom raised me inside the well! Sadako?!," ang natatawang kwento ng in demand comedienne.

Ang businessman friend daw niyang ito ay may initial na "R," at mid-next year ay nagsabi daw itong pupunta dito sa Pinas para bumisita sa Wowowee... syempre kay Pokie na rin! Kung saan man patungo ang "Nagsimula sa Facebook" na kwento ng dalawa, ang statement ni Pokie : "Hindi na ako iibig nang bonggang-bongga, iniingatan ko na yung puso ko. Pero kailangan ko rin bigyan ng chance ang sarili ko para maging masaya."

Comments

  1. Pokie deserves to be happy!

    Hope it will be another great year for her. =)

    ReplyDelete
  2. sana makilala na namin ang magiging new love ni pokie!!! she deserves to be happy ng bonggang-bongga talaga!!! we love you pokie!!! napaka-talented mo!!! idol!!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts