Kris Aquino, namigay ng 8 houses in Iloilo! More bahay na ipamimigay with the proceeds of the BIGGER Kris Aquino Bazaar on April 9!

Si Papa James, na kadarating lang from Escalante last night, bonding time agad with Bimby dahil namiss nila ang isa't isa! Habang kami, with Krisy's staff, busy sa pag-aayos ng items for the bazaar. Oh, and there's Bernard Cloma also.

Naaalala niyo pa ba last February, part ng birthday pasasalamat ni Kris Aquino ay nagkaroon ng Kris Aquino Birthday / Charity Sale? Super successful po iyon, salamat daw po sa mga sumuporta at bumili! Ang kinita po noon ay nakapagbigay ng bahay sa 8 families in Iloilo. 

Roxy Liquigan, Eva Dulay, and Krisy's staff... ang daming items grabe!

Ngayong darating na April 9 po, muling magkakaroon ng Kris Aquino Bazaar sa Resurrection Store, #34 Sgt. Esguerra St., Diliman, Quezon City. Mas malaki po ito, meaning mas maraming items... mas bongga! Naku walang biro, dahil last night, kasama si Roxy Liquigan and Eva Dulay ay kinuha na namin sa bagong house ni Krisy ang mga items na ise-sale. Naku, more than six boxes of clothes po ang pinag-uusapan natin dito. Plus bags from Chanel to Balenciaga to Gucci na ang iba, never-been-used! Kaya paghandaan niyo na agad - APRIL 9 sa Resurrection Store, #34 Sgt. Esguerra St., Diliman, Quezon City - The Bigger Kris Aquino Bazaar! Makakabili na kayo ng bonggang stuff at very cheap prices, makakatulong pa kayo sa mga less fortunate nating kababayan. Dahil katulad po nung February, ang proceeds po nito ay gagamitin para makapagbigay ng bahay sa kapamilya nating nangangailangan.

Ayan, minodel pa ni Eva Dulay ang sample ng Chanel bags na ise-sale! Naku, APRIL 9 po ha!

More photos of the Bazaar items soon!

Comments

  1. vote buying, obviously. :P

    ReplyDelete
  2. uu nga. never naman nagbigay yang si Kris nang walang kapalit, unless napagsawaan na nya. hihihi. kung hindi votes kay noy ang kapalit niyan, good publicity chorva ang aim nya i'm sure.

    ReplyDelete
  3. Sa ugali mong yan Kris, super yabang alam mo unti-unti magsasawa din ang tao sayo. Mark my word. Kakasawa na ugali mo, mataas ang lipad!

    ReplyDelete
  4. Hahahaha. Yong isa sawang sawa kay Tetay pero heto't nagbabasa at tumitingin sa mga pictures.

    Mga inggitero! Wala ng tamang ginawa si Tetay sa inyo. Ang masama kung ang ipinamimigay ay galing sa inyo or nakaw niya. Bakit di nyo itanong kay Manny Villar ang mga ipinamimigay nya? Or saaan nanggaling ang bilyones kuno ni Manny at ni Willie Revillame. THere is a big question kung saan nanggagaling ang milyon ni willie. alam nyo ba kung saan?

    ReplyDelete
  5. Noong pa, bago pa man mamatay si TIta COry or bago pa tumakbo si Noynoy ay likas na syang tumutulong sa mga batang gustong mag-aral. FYI, si kris ang nagpapa-aral ng halow 300 kids to school. As in noon pa? Ang itanong nyo eh kung bakit sa bilyones na gastos ng mga ibang kandidato ngayon..mapa local or national position. Puro lang yang pakitang tao ngayon.

    ReplyDelete
  6. ang mga nega na comments dito...ask yourself if ano ang nagawa mo pra sa kapwa mo....kahit publicity or propaganda lang....

    ang galing mambatikos...

    there's a saying if you can't say anything good don't say anything at all...

    ReplyDelete
  7. People bago kay magcommment against Kris eh magresearch muna kayo, wla pang election may scholar na siya pinag aaral at may mga foundation siya tinutulungan, kayo ano ang nagawa niya mabuti para sa kapwa nio kundi mamintas mahiya naman kayo sa mga sarili nio mahilig kayo manghusga bakit di nio suriin ang pagkatao nio baka kau ay palihim din hinusgahan ng malalapit sa buhay nio mas masakit yon

    ReplyDelete
  8. Wlang matino pag-iisip ang mga tao humuhusga sa kanila kapwa unless gawain nila mga sinasabi nila, kung wla rin lang kayo magandang sasabihin just keep quiet nagkakasala lang kayo....Holy week ay malapit na siguro mas maganda magsoul searching ang mga tao mapanghusga

    ReplyDelete
  9. Sa mga nega diyan, matagal na itong ginagawa ni Kris. She's really such a generous person. That's why she have so many blessing, because she knows how to share those blessings to others. Tignan niyo muna ang sarili niyo sa salamin and ask yourself, "May naitulong na ba ako sa mga kapwa ko?".

    I can't wait for the part II of the Bazaar. Lovey ou Ms. Kris! Love you Darla! Thanks for the updates! ☺

    ReplyDelete
  10. To the tune of Manny Villar campaign jingle:

    Nagpamudmod ka na ba ng mga bahay sa Camella?
    Nakagastos ka na ba ng bilyon sa kampanya?
    Yan ang tanong namin
    Pano mo yan babawiin?

    Si Bilyar ang tunay na mayaman
    Si Bilyar ang kandidatong namimilit
    Si Bilyar ang may kakayahan na tapatan ang pera ng kalaban
    Paano na yan kung natalo si Bilyar
    Sa halalan?

    Hahaha! Saw this on YT! Funny but true? :)

    GO NOYNOY!! IKAW ANG PAG ASA NG BAYAN!!

    ReplyDelete
  11. I know Kris personally,in fact close kami before we had a falling out... and while it's true na nagpapaaral sya at nagdodonate sa charities, I say totoo rin yung unang dalawang comments.

    Yung mga nagsasabing hindi totoo yung mga naunang comments, well obviously you don't know her that well. :) sorry na lang :)

    ReplyDelete
  12. Noynoy ang pag-asa ng bayan? no wonder wala pa ring asenso ang Pinas. nung 1998 landslide victory si Erap. Nung 2004 GMA vs FPJ naman. Ngayon Noynoy at Villar ang most likely mananalo. Tingin nyo ba natuto na ang Filipino voters, eh since time immemorial ang mga leading candidates ay laging yung may malalakas na PR at mga gimik lang! sige tingnan natin kung saan kayo pupulutin kung si Noynoy or Villar ang manalo. Hay naku, giving up my Filipino citizenship is the best thing that I have done with my life. Nakakadismaya kayong lahat sa totoo lang!

    ReplyDelete
  13. to ms. kris..i like you and i love you kasi totoo ka. pls lng po extra careful lng s mga sinasabi mo especially now para wala na lng sila maipintas sayo at kay noy.

    Baby James your sooo cuuute..iloveu

    ReplyDelete
  14. yohooo!mga nega,bket keo b 2mu2long?!mag inggetera!bongga kc c ms.kris kea inggeterz keo!

    ReplyDelete
  15. ito naman talaga mga taong ito na inaalipusta si Kris, kaya hindi kayo umuunlad diyan sa pina s kasi wala kayong makitang mabuti sa kapwa ninyo, tumutulong na nga si Kris ,may pintas para rin kayo ,maynagawa na ba kayong mabuti para sa ibang tao , o may nagawa ka na bang mabuti s asarili mong pamilya.kaya stop na kyo s akakalipusta kay kris ,nagpapakatao lang naman siya at totoong tao,hidbikatulad ninyo mag walang alam s abuhay ,kaya manahimik na lang kayo at mag dasal na lang kayo para guminhawa rin ang buhay ninyo.

    ReplyDelete
  16. Sino ba itong nagpipilit na kilala niya si Kris kuno? Puwes, hindi kapani-paniwala ang sinasabi mo, ikaw ang "sorry na lang". Dahil, team Kris pa rin kami. Eat your heart out, INGGITERA.

    ReplyDelete
  17. hulaan ko nga kung sino yang nagsasabing kaclose niya si Kris before they had a falling out...

    ay mahirap pala. sa dami ng mga nakabangga, nakaaway, at naapakan ni Kris all her life, mukhang imposible atang hulaan. haha.

    ReplyDelete
  18. o tignan mo,mga regalo na nga lang sa kanya yan, pinagkakakitaan pa?!
    ipamigay na lang nya lahat yan ng walang bayad, mas ok yun.
    at walang camera dapat.
    mahilig talaga sa photo op yang isang yan.
    bakit kailangan i auction pa o ibenta eh di nman nya lahat binili yan at binigay lang sa kanya?
    kasi kung sya mismo ang bibili, di yan ang taste nya at for sure hihingin na lang nya sa iba.

    ReplyDelete
  19. we love you Krisssy!

    bongga ka talaga!

    ReplyDelete
  20. vote buying daw sabi nong una...


    hahahahahahaha! tanga! di ka pa siguro pinapanganak eh nag do odnate na si Kristeta sa mga charities no! wag kseng mag comment ng nega ng di muna nag re research!

    ReplyDelete
  21. at sino namang me sabi sa isang to na yung mga items eh regalo sa kanya... isa pa tong bobo. di ata alam na si Kris ang isa sa pinaka gastadorang artista sa Pinas at di basta basta umaasa sa bigay lang.

    ReplyDelete
  22. kahit anong negative comment ang sabihin ninyo mga alipores ni rufita, si kris eh sikat at mahal ng tao kesa dyan sa mga idolo ninyo! bwahahahahahha!

    tanggapin na kse ninyo ang katotohanan!

    ReplyDelete
  23. love love love.
    i love you ate Kris!

    ReplyDelete
  24. sobrang dami pa rin ng ipokrita't ipokrito ingitera't ingitero at mga taong walang magawa sa buhay kundi punahin ang mga munting pagkakmali ng isang tao at husgahan at paratangan ng masama kahit alam nya sa sarili na wala syang kahit katiting na ebidensya. magsalamin nga kayo mga hindot, mabuhay ka kris! we are proud to have kris aquino in showbiz isa ka sa mga nagbibigay ng pagkakataon na tumataas ang kalidad at tingin ng mga foriegners sa mga filipino. kung meron man pangit na nangyari syo salamat natatakpan yan ng kabutihan ginagawa mo.mabuhay ka ms. kris aquino...marami ka pang blessing na makakamit at dahil dyan marami ka pang matutulungan.

    ReplyDelete
  25. Let's support Kris. Ba a Facebook fan of the new Kris
    http://www.facebook.com/pages/Kris-will-be-an-asset-to-Pres-Noynoy/118900824816339?v=app_2373072738&ref=ts#!/pages/Kris-will-be-an-asset-to-Pres-Noynoy/118900824816339?v=info&ref=ts

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts