Hand, Foot and Mouth Disease : Ano nga ba ang sakit na ito, na tumama kay Kris Aquino at sa kanyang sons?
Nauna nang i-anounce ni Kris through her Twitter account, ang karamdamang dumapo sa kanilang mag-iina. Pero sa latest update niya, kung ang mga anak niyang sina Baby James at Josh ay may Hand, Foot and Mouth disease, malamang ay ibang virus ang tumama sa kanya dahil hindi siya nagkaroon ng rashes o mouth sores.
Dahil dito, naging curious ang marami. Ano ba itong HFMD? Paano ito naiba sa nakilala nang sakit ng hayop noon, na Foot and Mouth disease? O, pareho ba sila? Sa nakausap na doktor ng The Buzz na si Dr. Eric Tayag, ito ang naging paliwanag :
"Ang hand, foot and mouth disease ay isang viral illness kung saan karaniwan mga bata ang nagkakasakit. It’s very uncommon in adults. Ito ay nakakahawa sa pamamagitan ng mucus, saliva o kaya dumi. Nag-uumpisa ang hand, foot and mouth disease sa mataas na lagnat, pananakit ng lalamunan at pagkakaroon ng mouth sores. Sa loob ng bibig pwedeng magkaroon na ng sores. Tapos dito sa kamay dito sa mga palad at saka sa talampakan... Yun namang foot and mouth disease sakit naman yun sa cattle, sheep, o kaya goats o kaya baboy... (foot and mouth disease-free na diumano ang Pilipinas) so walang dapat ikatakot. At saka yung foot and mouth disease naman bihirang mahawa ang tao dun. Itong hand, foot and mouth disease, person to person ang transmission. So para wag kayong malito, tayo po ang may kamay kaya dapat hand, foot and mouth disease."
Naku, at hindi raw dapat balewalain ang sakit na ito dahil maaari itong lumala at umabot sa kamatayan.
"Importante sa amin 'to dahil lingid sa kaalaman ng iba, maaaring maging grabe ang hand, foot and mouth disease sapagkat pwede itong maka-cause ng meningities o encephalitis, mamamaga yung utak, magkakaroon ng kombulsyon, maninigas yung… at kadalasan ay baka mamatay pa nga yung bata. O magkakaroon ng paralysis o napagkakamalan yung may polio yung bata so wag nyong babalewalain yung hand foot and mouth disease."
Kaya ang panawagan pa ni Dr. Tayag sa ating lahat :
"Para sa mga kababayan po natin, yung mga bata po lalo na sa daycare center, i-monitor nyo po kung nagkakaroon sila ng lagnat at saka kung lumalabas yung rashes sa katawan. Pag napansin nyo hong meron na sa bibig, sa palad o sa talampakan, o kaya sa may bandang puwitan, ang pinakamaganda ho ay ipagbigay alam nyo halimbawa sa teacher para yung ibang bata ho ay mabantayan na rin, tapos ibukod yung batang yun kasi nakakahawa nga pero sa loob ng lima hanggang pitong araw, makakarecover yun wag ho kayong mag alala. Subalit kung nagkakaroon ng kombulsyon, naninigas yung leeg baka naapektuhan na yung utak, kaya nagkakaroon ng paralysis, dalhin nyo po sa ospital para maagapan yung kumplikasyon. Wala hong pinipiling antas sa lipunan yung virus, so mayaman ka, mahirap, pag yun eh nakapitan ka, kahit anong estado mo sa buhay ay magkakasakit ka pa rin."
ay level up na si Kris. Dati foot in mouth disease lang ang sakit na na mukhang wala nang lunas in her case... ngayon naman hand foot and mouth disease na! level up na talaga ang bruha!
ReplyDeleteang bottomline, HYGIENE ang kaso dito. san mo ba iniiwan ang mga anak mo Kris at nagkaganyan yang mga yan? kahit saang anggulong tingnan, mula sa panggagamit mo kay Baby James sa pangangampanya kay Abnoy at ngayon tong sakit na to na karaniwan lang naman sa mga dugyot na bata, you are so unfit to be a mother! kung hindi mo maalagaan yang mga anak mo, please lang ipaampon mo na lang sila for their sake.
ReplyDeleteKahit gaano ka kayaman hindi mo mabibili ang kalusugan. Health is wealth ika nga.
ReplyDeletegrbe naman kau makahusga kay kris !!
ReplyDeleteoo nga kung makapang husga kayo...antayin nyo mga anak nyo magka ganyan...di yan maiwasan anu!!!
ReplyDeleteHindi kagustuhan ng isang ina ang magkasakit ang anak..
ReplyDeletetama hindi porke ayaw nyo sa kanya at galit kayo sa kapatid nya ganyan na kayo manghusga,kahit sinong magulang na nagmamahal sa anak hindi gugustuhin magkasakit ang anak nya lalo pa't matinding sakit katulad ko ngayon hirap na nga kami sunod sunod pang nagkaroon ng HFMD ang mga anak ko.pls.pray for them na lang po na makarecover nang maayos..thanks po
ReplyDeletetama hindi porke ayaw nyo sa kanya at galit kayo sa kapatid nya ganyan na kayo manghusga,kahit sinong magulang na nagmamahal sa anak hindi gugustuhin magkasakit ang anak nya lalo pa't matinding sakit katulad ko ngayon hirap na nga kami sunod sunod pang nagkaroon ng HFMD ang mga anak ko.pls.pray for them na lang po na makarecover nang maayos..thanks po
ReplyDelete