Part 1 : Angelica Panganiban, for the first time nakita na ang tunay na ama!


A few weeks ago, naging emotional si Angelica Panganiban nang humingi siya ng pabor sa Star Magic on air, na bigyan siya ng two days extension niya nitong huling linggo ng November. Sinabi niyang meron siyang kailangang gawin na feeeling niya, kapag nagawa niya ay magiging ibang tao na siya.


That time, palaisipan sa lahat kung ano ang ibig sabihin ni Angelica. Pero ngayon, marami na ang nakaka-alam na ang itnutukoy ng award-winning actress ay ang pagpunta niya sa America, at pakikipagkita niya sa amang never niya pang nakita - kahit sa photo (until this year). Sa exclusive one-on-one interview sa kanya ni Boy Abunda for The Buzz, idinetalye ni Angelica ang mga nangyari at naramdaman niya when she finally saw her dad.



BOY :
 Merry Christmas
ANGELICA : Merry Christmas Tito Boy
BOY : is it safe to say na itong paskong ito ang isa sa iyong pinakamasaya, na pasko sa iyong tanang buhay?
ANGELICA : ito po siguro yung magiging pinakapaborito kong pasko.
BOY : bakit ito ang magiging paborito mong pasko?
ANGELICA : marami rami na rin naman pong nakakaalam na nagkita kami ng daddy ko sa LA. So masarap lang yung pakiramdam.
BOY : sabi nga natin, ngayon ay angelica…
ANGELICA : Charlson [laughs] (Mark Charlson ang name ng father niya)
BOY : okay paano nagumpisa ang paglalakbay, your journey to looking for your father?
ANGELICA : after kong kausapin yung mama ko, hindi siya sure kung ano talaga yung name nung daddy ko. So yung binigay niya po sakin walang first name, last name lang, so una kong pinuntahan yung website ng US navy and then nakita ko dun yung pangalan niya. pero wala siyang, walang phone number walang kahit na ano. And nung mga panahon po na yun wala kong plano na tawagan siya makausap siya, gusto ko lang makita yung picture niya, para lang mabuo yung imagination ko. Siguro mga two weeks din, nahanap ko yung isang fan page nung ship na sinakyan nila, may isang tao dun na nagpost ng never daw niyang makakalimutan yung experience niya nung martial law sa Philippines nung 1984 to 1986. Pinanganak po ako nung 1986, so nagbakasali ako na baka kilala nga po niya yung mr. charlson na yun. So nagpadala ko ng message sa kanya, then sumagot naman siya. tinanong ko kung may kilala siyang mr. charlson then sumagot siya sabi niya ‘yes why?’ nung narinig ko pa lang yun, nung nabasa ko pa lang yung yes niya para kong nabunutan ng tinik na… hanggang sa after I think wala pang two weeks, nagkausap kami ng daddy ko.    
BOY : go back to that moment, the very first time you heard his voice? Sino bang tumawag, tumawag ka?
ANGELICA : ahm nagcha-chat lang kami nun. Nung nakita ko pa lang yung picture niya, nanginginig na ko.
BOY : dahil alam mong siya ang tatay mo? Magkamukha kayo?
ANGELICA [nods] [teary eyed]
BOY : and then anong nangyari after?
ANGELICA : para siyang ano tito boy, lulubog lilitaw. Minsan nandyan minsan...
BOY : anong buwan to angel?
ANGELICA : mga first week of march, hindi ko maintindihan nung una yung dahilan niya na bakit ngayon makikipag-usap. Then para kong pinagtataguan. Then dumating na po ko sa point na nagpadala na ko ng message sa kanya na wala naman akong gusto, hindi ko kailangan ng kahit na anong support, ang gusto ko lang is…
BOY : did you tell him that you are a big star in this country?
ANGELICA : nung nagkatanungan po kami ng trabaho sabi ko nga, artista ko. Then sabi niya igu-google daw niya ko. Then nagtry naman akong igoogle yung sarili ko, nakita ko puro naka-two piece ako. [laughs] so sabi ko no don’t do that. Hindi naman na siya nagcomment na dun pero nitong nagkakausap kami, dun siya parang nagulat na nung hinanap niya ko nagresearch siya about me, na parang yung term niya, gusto niya maging proud ako sa kanya pero parang sa nangyayari sa kanya ngayon, sa mga pinagdadaanan niya hindi niya kayang humarap sakin dahil pakiramdam niya mas mataas ako sa kanya. so ang tagal tito boy, simula march travel ako ng travel, tanggap ako ng tanggap ng show sa ibang country lalo na sa states kasi minsan sasabihin niya yes, pwede siyang magpunta halimbawa sa new jersey, pupunta siya ng san Francisco, and then pag malapit na yun, hindi na siya sasagot so hanggang sa napagod na ko. Sabi ko kung ayaw mo eh di wag at least nakita ko na yung picture mo, yun lang naman yung gusto ko nung una eh 
BOY : so paano nangyari na nagkita kayo?
ANGELICA : nung birthday ko po, yung mama ko nagpunta sa bahay then may gift siya sakin na isang cd. Then  yun na pinaplay nga namin. Bigla na lang lumabas siya. Binabati niya ko, sabi niya hi angel, happy birthday surprise! This is your dad! Tapos hindi ko maexplain yung pakiramdam kasi nanggaling pa sa pamilya ko yung ganung klaseng regalo. [cracky voice] na sila pa yung gustong magkita kami, magkasama kami, makilala namin yung isa’t isa. Hindi ko po masabi sa kanila kasi baka sumama yung loob nila baka iniisip nila hindi ako masaya sa kanila kaya hinahanap ko yung tatay ko... kaya po ang laking bagay na pinuntahan pa siya ng tita ko sa Iowa para lang makunan ng birthday greeting para sakin. And then nung araw ng birthday ko, tinawagan niya ko. Yun yung first time na nag usap kami. [crying] 
BOY : how was it?
ANGELICA : narinig ko palang yung boses niya iyak na ko ng iyak, then alam niyang may cruise dapat ako papuntang mexico. Sabi niya makakakuha daw siya leave ng November 29-30. Sabi ko sige kung pwede ko maextend yung vacation ko magpapaalam ako, para makita kita kahit one day lang. and then nagkataon naman po yung cruise nacancel so napaaga yung flight niya. so five days kaming nagsama.
BOY : go back to the first meeting how was it?
ANGELICA : [crying] ang sarap. [pause] Para pong magic parang... hindi ako makapaniwala hanggang ngayon
BOY : the first words, ano ang lumabas sa inyong mga bibig?
ANGELICA : ah sabi niya ‘it’s okay’ gumanun lang siya kasi iyak ako ng iyak
BOY : and then in the five days what would you talk about?
ANGELICA : nung tinanong ko siya sabi ko, do you know how to speak in tagalog? Sabi niya hindi [laughs] sabi ko ‘a little’ sabi niya ‘oo’ ganun siya, and then nung matutulog na ko binigyan niya ko ng isang baso ng tubig so naglalagay siya ng water sabi niya, ‘isa baso tubig, mesa’ kasi pinatong niya sa table
BOY : did he expect you to be this beautiful?
ANGELICA [laughs] gulat na gulat din po siya actually, gandang ganda po siya sakin [laughs]
BOY [laughs]
ANGELICA : hindi po siya makapaniwala na nakabuo siya ng ganito.
BOY : at nalaman ba niya finally na ika'y malaking artista dito sa pilipinas na ikaw ay si rubi?
ANGELICA : tinatanong po niya kung ano yung mga projects na nagawa ko na and then pagdating ko naman nagbigay ako ng mga movies ng mga dvds, para mapanood niya ko makilala niya ko
BOY : ikinwento mo ba na the reason why you didnt want him to google was, para...
ANGELICA : ay hindi na po umabot diyan kasi pinanood po namin yung i love you goodbye ng magkasama. Eh naparami po yung bedscene ko dun. So medyo kinakabahan po ako at everytime na bedscene tumatalikod ako, akyat ako ng bahay ganun po pala yung pakiramdam kapag may tatay ka na, na para kang nahihiya na hindi mo kayang ipakita yung mga ginagawa kong kalokohan
BOY : but you knew na proud ang tatay mo?
ANGELICA : opo hindi siya nakatulog tito boy. Pinagtyagaan niya talaga yung subtitle.
BOY : tell me the story about the trophy
ANGELICA : nung nanalo po ako sa star awards syempre sobrang happy ako. So dinala ko yung trophy papunta dun, sabi ko that’s for you. The trophy that’s for you. So syempre gulat na gulat na siya... syempre gusto kong ibigay sa kanya kasi parang yun yung pinakaunang best actress award ko and bilang sya yung tatay ko gusto ko nasa kanya yun tito boy kasi sa kanya ko galing. Sa kanya galing lahat ng to
BOY : did he talked about his family?
ANGELICA : opo
BOY : ilan sila?
ANGELICA : tatlo po. Isang babae then dalawang lalaki. 
BOY : was he also careful na when he’s talking about his family.
ANGELICA : nung tinanong ko po sa kanya kung alam na ba ng mga kapatid ko yung tungkol sa akin ang sinabi lang niya, nagbibigay na siya ng mga hint. Sinisimulan na niyang magkwento, pero hindi pa umaabot sakin kasi gusto niyang magkita muna kami
BOY ilang taon na sila?
ANGELICA : may 9, may 14 saka may 22.
BOY : kung ang inyong pagkikita was very emotional, how was the goodbye?
ANGELICA : mahirap po, nung nandun pa lang po kami dun sa bahay, siguro mga 30 minutes bago kami umalis, nagkapaalamanan na, yung mamimiss nga daw namin yung isat isa. Tapos yun nagkaiyakan kami then nagyakapan kami. Then naaalala ko inupo niya ko tapos sabi niya kung naaalala ko daw ba parang 2 days ago parang pagod na pagod daw ako nakatulog daw ako sa shoulder niya. then nagising daw siya nakita niyang natutulog ako sa shoulder niya and ginawa daw niya lahat para di siya gumalaw para di ako magising, kasi sinasabi niya yung first born child niya [cracky voice] nakatulog for the first time sa shoulder niya.
BOY : five days five days…




ANGELICA : kulang na kulang tito boy pero yun yung pinakamasayang five days ng buhay ko...


Source : The Buzz

Comments

  1. nakakaiyak naman...

    ReplyDelete
  2. iyak aq ng iyak nun napanuod q sa The Buzz...char!!

    ReplyDelete
  3. waah.. as i read all the conversations grabe patak luha ko ha.. asyang d ko npanuod ang the buzz.

    ReplyDelete
  4. naiiyak naman ako huhuhu waaaaaaaaaaaaa grabe! naluha talaga ako sa kuwento ni Angelica

    ReplyDelete
  5. very touching! im so happy for Angelica.

    ReplyDelete
  6. kung gano kagrabe tawa ko sa here comes the bride, grabe din iyak ko sa interview na ito

    ReplyDelete
  7. ano b yan, kakaiyak ko lang sa the buzz, pati sa transcript naiiyak pa din ako

    ReplyDelete
  8. than you mr abunda for that wonderful one-on-one with angelica p. such a touching story

    ReplyDelete
  9. 2mulo nlng bigla ang luha q! Bnbsa q lng yan pno p kya pg npanood q s t.v.....hapi 4 u angelica p./charlson

    ReplyDelete
  10. nakakaiyak talaga grabe were happy for you angel god bless you,

    ReplyDelete
  11. grabe...iyak tlaga ako..to the highest level..

    ReplyDelete
  12. yung katabi ko si jorelyn...grabe..tintawanan ako..kasi grabe ang iyak ko...huhuhuh...touching talaga ang story,...

    ReplyDelete
  13. regardz nga pala xa mga frendz ko...gumagawa ng projects..xa html...javascript..php...haizt..hirap...di kme nakikinig xa prof..kasi yung lyf ni angelika yung tinitingnan....hehehe...regardz ky elen joy..roxane..jorelyn..mabell...and i myself...riza..

    ReplyDelete
  14. grabe super cry cry aq pag naalala ko interview ni tito boy ke angel,love u more angel!

    ReplyDelete
  15. I wonder why it's never been asked if Angelica has half brothers or half sisters on his real father and/or real mother?

    apobani@gmail.com

    ReplyDelete
  16. sobrang hapi aqoh para kay angelica panganiban kase sa wakas natagpuan nia na ang pinakaomportanteng tao sa buhay nia ang father nia .... tama ang sinabi nia na sa wakas kumpleto na ang pagkatao nia .... im hapi 4 her .? masaya ang x-mas nia this 2010 ... sana marami pang project ang magawa nia sa kapamilya .... mukha lang cxang mataray pero kahit ndi ko pa cxa nakikita in personal i think mabaet cxa nd maganda pa cxa ......... gudlock angel


    apple21

    ReplyDelete
  17. Grabeh Nakakaiyak! I'm happy for you Angel!

    ReplyDelete
  18. since bta p lng c angel gus2 ko n sya hngang ngdalaga sya at mssabi ko deserve nya lhat kung ano meron sya at kung ano nangyyari s buhay nya kc tlagang ngsikap sya pra mrating nya yung kinallagyan nya ngaun....best wishes angel more projects to come...

    ReplyDelete

Post a Comment