"Totoo pong nangyari yun na hindi po kami nagpansinan ni Miss Ai Ai sa isang lugar," Vice Ganda on rift with Ai Ai delas Alas


Matagal nang bulung-bulungan ang diumano'y away sa pagitan ng dalawa sa pinaka-malalaking pangalan sa showbiz ngayon pagdating sa comedy - Ai Ai delas Alas versus Vice Ganda! Hanggang last week, lumabas ang isang report na diumano, binastos ni Vice Ganda si Ai Ai! Malisyosong balitang naging dahilan, para tuluyan nang magsalita si Vice sa issue. Ang tinutukoy ng nasabing report, ay ang hindi raw pagpansin ni Vice kay Ai Ai nang minsang mag-krus ang landas nila.

"Totoo pong nangyari yun na hindi po kami nagpansinan ni Miss Ai Ai sa isang lugar... Hindi ko siya pinansin, hindi niya ako pinansin, walang pansinang naganap. Meron po kasi kaming pinagdadaanan... Meron kaming issue," ang pag-amin ni Vice.

"Meron po kaming problema ni Miss Ai Ai... Meron po kaming problema, ina-acknowledge ko po yun... Sana sa takdang panahon ay mabigyang resolusyon din yung problemang yun," ang pagtatapos ng Unkabogable Star.


Pero bago ang isyung ito, condolence kay Vice Ganda, dahil kahapon ay tuluyan nang namaalam ang kanyang lola. 

Comments

  1. Condolence viceral...

    ReplyDelete
  2. Condolence Vice ! May she her soul rest in peace !

    ReplyDelete
  3. karma yan vice, puro kasi panghahada at pagboobooking ng boys ang inaatupag.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts