Judy Ann Santos-Piolo Pascual movie, posible na nga bang matuloy?


Sa ginanap na ABS-CBN Trade Launch last Wednesday, muling nag-krus ang landas nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. At nang ma-interview sila ng The Buzz, ay nakakatuwang makita na talagang magkaibigan na sila.


"Palagi kaming nagkakasama niyan! Hindi lang napapansin ng camera! We see each other! Kung anuman yung noon, tapos na yun! Hindi lang nakikita ng mga tao na nag-uusap kami but we’re okay! We’re still okay," ang sabi ni Judai.

Kung anumang friendship meron sila noon, napanatili naman daw nila yun hanggang ngayon. "Oo naman hindi mawawala yun, hindi maaalis yun kahit kailan! We belong to one family so okay lang!"

Posible na bang matuloy ang reunion movie nila?

"Pag pumayag siya andito lang ako! Ganon naman ako ever since!"

"Kung meron, pag-uusapan naman yan eh. Pero with Piolo we’re friends naman niyan," sabi naman ni Judai.
 

Comments

  1. Go Piolo-Judai movie! Calling Ms. Malou Santos/star cinema. ;))

    ReplyDelete

Post a Comment