Angeline Quinto talks about her Mama Bab and her real mom, Nanay Susan.


Mama Bab in one rare interview, talking about how she adopted Angeline and kung paano niya itong pinalaki na parang tunay niyang anak.

Angeline telling Kris her version of the story.

Angeline's biological mother Rose Marie "Nanay Susan" Mabao (right), with Lara (Left) - ang kaibigan niyang tumulong na ma-kontak si Angeline through the Pop Superstar's Fan Club na Angeliners.
Naging mala-teleserye ang paghahanap ni Angeline Quinto sa kanyang biological mother. Sa simula ay na-reveal na sa ating lahat na ipina-ampon at diumano'y ibinenta lang siya ng tunay niyang magulang, sa kinikilala niyang ina ngayon na si Sylvia Quinto o mas kilala bilang si Mama Bab. Pero kasabay ng pagsikat niya ay ang paglaki rin ng kagustuhan niyang mabuo ang kanyang pagkatao, sa pamamagitan nga ng paghanap sa kanyang tunay na ina. Matapos ang mga babaeng nag-claim na sila ang nanay ni Angge, matapos ang kontrobersiyal na DNA testing sa isa sa kanila... finally, Angeline found her real nanay. At kanina sa Kris TV, for the first time at sa isang exclusive interview, humarap sa camera ang umampon kay Angeline na si Mama Bab, at ang kanyang biological mother na si Rose Marie "Susan" Mabao. Para sa buong kwento, at pag-uusap nina Kris, Mama Bab, Angeline at Nanay Susan... CLICK HERE.







(Note : Pasensya na po sa mga typo errors)
(Legends : K - Kris, M - Mama Bab, A - Angeline, S - Nanay Susan)

Mama Bab's story :


Kris: Mama Bab, nung nag-getting to know each other tayo, nabanggit niyo po nagkaroon kayo maraming boyfriend before.
Mama Bab: Wala
K: sabi niyo ka-live in
M: oo pero isa lang, before wala pa si Angge
K: kasi po di ba 48 years old kayo nung napunta siya sa inyo. So nung time na yun, iisa boyfriend?
M: oo
K: bakit di kayo kinasal?
M: ewan ko
K: kaya ko po inintro yun kasi napunta si Angge sa inyo because yung father niya, pamangkin niyo?
M: pamangkin.
K: So si Papa Pop, malapit sa inyo talaga?
M: malapit sakin. Pamangkin ko yun, tapos nung nabuntisan si Susan
K: live in po sila nung time na yun hindi pa?
M: hindi pa
K: May job si Papa Pop nung panahon na to?
M: tumutulong sa Nanay niya
K: tapos po? Na-pregnant si Susan?
M: oo
K: and then
M: kasi si Susan, gusto niyang pumunta sa Japan
K: e nabuntis. So hindi na pwedeng mag-Japan muna
M: oo nga. Pero gusto niya pagkatapos buntis niya
K: magja-Japan na?
M: magja-Japan
K: oh. So magja-Japan as a dancer or as a singer?
M: kasi sinasabi sakin magaling din boses nun
K: Si Papa Pop may boses?
M: wala
K: ah so baka dun nga nanggaling
K: kayo po?
M: wala
K: ah wala rin, okay hihihi!
K: Mama Bab, so buntis si Susan and tumutulong na kayo sa kanila? Ni Papa Pop di ba ho? sabi niyo sakin binibigyan nyong vitamins pa
M: vitamins lang, syempre si Susan di ko alam katayuan niya, so vina-vitamins ko si Angeline
K: sa Fabella Hospital po siya ipinanganak, tama?
M: oo
K: so after that nung na-release sa hospital kinuha niyo na?
M: (nods) kinuha ko na. lahat ako na pumirma. Kasi gusto niya rin e
K: sino po may gusto nito? Si Susan?
M: Si Susan
K: by pumirma sa birth certificate nya po kayo ang nanay?
M: ako na
K: oh my goodness. so sino ho ang listed na tatay?
M: wala
K: ah wala?! So father unknown, ganun nalang? So sa inyo na from the start.
K: she has a brother di ho ba?
M: may brother sya dun sa yung unang asawa ni Pop
K: ah okay. Akala ko may kapatid siya kay papa Pop at kay Susan?
M: May kapatid siya kasi
K: ah maraming anak si Papa Pop.
M: Dalawa lang, tatlo pala (kris laughs)
M: yung una sa ibang babae. Pagkatapos si Angeline, tapos itong si Susan umuwi pa sa kanila sa bahay nila Pop
K: pero nung time na yun sila pa rin po?
M: di ko na alam kasi di na ko nagpupunta
K: siguro di pa hiwalay kasi nakabuo pa ng isa
M: oo nga
K: so anong age gap ni Angeline at brother nya?
M: isang taon lang
K: see. Bakit po brother nya di nyo na kinuha?
M: nandun sa Papa nya
K: bakit po napagkasunduan nyo ni Papa Pop na boy sa kanya, yung girl sa inyo po?
M: nung una sinabi kapatid ko, bigay sakin, tutal walang anak yan, nasa mabuting kamay naman. E papa nya parang ayaw, ibigay mo na sa kanya. Umoo na rin.
K: at di nag-object yung biological mom na si Susan, pumayag na rin?
M: oo. Siya mismo ang nasabi rin
K: huh?! Na?
M: na ampunin ko, sabi ko ampunin ko yan susan. Sabi nya o sige
K: so at that time nag-uusap kayo?
M: oo. Pero nung nakuha si Angeline, wala na.
K: sino po ang lumayo? Kayo po ba o si Susan ang lumayo?
M: ako
K: ah ikaw, bakit?
M: di ko na pinakita si Angeline sa kabila.
K: bakit po?
M: basta ayoko. Pinabinyagan, di sila nagpunta
K: di nyo ininvite?
M: hindi
K: ow. Ginawa nyo po yun kasi na-feel nyo na mas mainam para kay Angeline na kayong dalawa nalang po? Para ma-shelter sa gulo, kung may gulo man. (bab nods)

Pero di nagtagal, nalantad pa rin ang tunay na pagkatao ni Angeline.

K: Di ho ba at 9 years old nya nalaman na hindi kayo ang tunay nyang nanay?
M: pero di ko sinabi sa kanya yun.
K: sino po ang nagsabi sa kanya?
M: nalaman nya nalang. kasi wala akong binabanggit sa kanya ni pangalan ni Susan, na ampon sya.
K: bakit ho di nyo sinasabi?
M: di rin nagtatanong e
k: okay
m: nag-ano ata yung kapatid ko. Tinanong ni angeline sa kapatid ko
k: ito ho ba lola nya? yung nanay ni Papa Pop
m: oo
k: tinanong ho nya?
M: kung totoo na ampon sya. Tsaka sa kapitbahay namin, huy ampon ka lang dyan e. pero di sinabi ni Angeline sakin na “mama ampon ba ko?” di nya sinabi. Ang sinabi nya sa kapatid ko, kung totong ampon ako
K: tapos kinonfirm

Hindi man nanggaling sa sinapupunan niya ang Pop Superstar, sinikap pa rin daw ni Mama Bab na mapalaki si Angeline na puno ng pagmamahal.

K: Nung nag-aaral si Angeline nagpakita na ng husay sa pagkanta?
M: kasi po mga 7 years old, kanta nang kanta yan. Sabi ko bumili ka nga ng kamatis sa palengke, pagbalik nya, di pinabayaran sakin, kumanta nalang ako
K: nilibre yun kamatis?
M: oo
K: bongga
M: wala pang 6 years old
K: so mamalengke, di kailangang bayaran kasi nililibre na
M: oo
K: panalo ah. At that time po may canteen kayo?
M: may canteen ako
K: so yun kinabubuhayan nyong dalawa. san ho nag-elementary si Angge?
M: Dominican
K: true po ba na one batch ahead sa kanya si Sarah Geronimo?
M: dalawa. kasi kung minsan may ano sa school, kumakanta silang dalawa ni Sarah. Pero si Angeline grade 4 yata, grade 6 nun si Sarah
K: so parang nagkaka-competition sila nun sa school?
M: hindi
K: so di competition. Parang sila lang dalawa ang magaling kumanta so sila pinapakanta. Tapos po nabasa ko, there was an instance na si Angeline tinalo si Charice sa isang singing contest. Kelan ho ito?
M: sa Boom ba Boom yun e
K: ilang taon ho si Angeline nung panahon na to?
M: 8 siguro
K: ow! So maaga talaga nagpakita ng husay. until napunta tayo sa Star for a Night. Sinamahan nyo ho ba siya para mag-audition dyan?
M: Kami ni egay.
K: who is Egay sa buhay ninyo?
M: si Egay may talent sa fiesta fiesta
K: parang agent po siya
M: si Angeline narinig nya sa isang fiesta na kumakanta, sa totoo lang nakuwan si Angeline, di nanalo
K: pumiyok nga raw po, tama
M: pumiyok
K: pero sinabi raw ni Egay na may presence itong batang to
M: may quality ang voice nya. ngayon nagpunta samin sa bahay, sabi sakin kunin daw siya. Sabi ko ayoko baka mamaya kumuha ng bata yan. Sabi ko di po ibigay. Sabi nya hindi po talagang may mga talent ako, ganito ganito. Dun ko nalaman na manager sya ng mga bata. Oh sige sabi kong ganun. Sinasamahan ko si Egay.
K: si Egay nagdala sa Star for a Night
M: oo
K: and she actually won sa month of?
M: April
K: april sya, si Sarah ang September, October. Tapos po umabot ng grand finals di ho ba? Pero natalo
M: talo siya
K: at dun medyo nawalan gana
M: wala na siyang gana, kasi maraming nang-iinis sa kanya. Sasabihin na ang boses pang-fiesta fiesta lang, parang nawawalan na siya ng gana.
K: ng confidence
M: oo sabi ko ay di sa iyo yan, may star pang naghihintay sayo. Star for a Night kay Sarah, ewan ko lang di ko sinabi may isa pang naghihintay sayo

Dahil daw sa mga pagsubok sa buhay ng batang si Angeline, may time raw na nalihis ito ng landas.

K: may years na nag-rebelde sya?
M: mayroon
K: ilang taon ho sya nun?
M: 15,14
K: bata
M: nabarkada sya
K: na minsan di uuwi. So ano pong naramdaman nyo nung panahon na yun?
M: masakit sa loob ko pero kami ni Angeline di ko yan pinapagalitan e. kasi sabi ko pag papagalitan ko ito, di na uuwi. Sabi ko basta umuuwi sakin, pinapakain ko, nilulutuan ko ng masarap.
K: pag uwi may pagkain nakahanda?
M: may pagkain, nakalagay dun sa ref, pagkatapos nagluluto sya ng kanin, pero di ko kinikibo
K: ilang years pong naganap itong pagrerebelde?
M: mga two years yan
K: ah matagal
K: so pano tumigil? Pano naging matuwid ang landas?
M: nag-tour kaming dalawa, magkatabi kami nyan. Minsan pagkain iisang pagkain lang, sa isang plato. Sabi ko sa kanya basta magtapos ka lang high school. Pag nakatapos ka ng high school, sabi nya gusto ko ano, ay di ko kaya yun anak, yung Culinary. Sabi ko Nursing nalang baka kaya ko pa. ayoko yun, sabi nya, may dugo dugo yun. Sabi nya HRM, sabi ko sige pero mamayang konti nagda-drop
K: sa subjects? Dahil sa barkada po?
M: hindi po, sa singing
K: ah kanta na nang kanta ulit

M: sumasali sa ano, si Egay kasi tumatawag, sabi nya may contest dito gusto mo sumali, sasali yan di ko alam. Kaya minsan nag-aaway kami ni Egay.


Hanggang sa dumating nga ang Star Power.


Mama Bab: sa Star Power/ kasi may tindahan kami e. ngayon minsan natutulog ako, siya magtitinda, sari-sari store. Nakita nya. Pwede ako dito sabi nya. di ko alam yun.
K: nakita nya auditions inaannounce sa tv, tapos po
M: umagang umaga nagbalot na yan,
K: ng?
M: damit pagkatapos punta dito, nung 20 na sila dun ko nalaman na kasali sya sa 20
K: pero sa Star Power din po kayo nagkasakit
M: nung sampu nalang ata sila
K: ano ho nangyari?
M: natumba ako e, nahimatay ang nagdala sakin kaibigan ko sa ospital
K: tapos po?
M: Pumunta sya sa ospital, pagkatapos minsan hirap na hirap kami. Binibigyan ko lang syang pera pag-uwi sabi ko sumali ka pala dyan. Di sya kumikibo. Sabi nya oo ma
k: pero by God’s will po napagamot kayo
m: dito sa heart center. Kasi kung minsan kumakanta dyan
K: si?
M: Angeline
K: may kaibigan sya taga-samin nagtatrabaho sa Heart Center, sa canteen. Sabi kung may okasyon, sinasama si Angie, nakilala sya ng ibang doctor
K: so nabigyan ng mas magandang rate
M: malaking discount
K: bongga thank god
M: tapos walang wala kami. Sabi ni angge kasi gusto na yata umatras. Sabi ni ano aatras ka, malapit na, wag ka na umatras, kung matalo ka, sabi nya kung matalo ako maraming mag-open opportunities. kaya nagpursigi sya


At kahit pa may mga nagpakilalang tunay na ina raw ni Angeline, hindi ito dinamdam ni Mama Bab.


K: may nagke-claim na nanay sya, ano naramdaman nyo?
M: kay susan?
K: hindi po, yung naunang girl
M: ay wala akong kwan dun
K: di mo nafeel?
M: maski tatay nya, hindi yun sabi ganun. Pero pati si Pop, ah di yun, ako rin di talaga.

Nagulat na lang daw si Mama Bab, nang madiscover niyang nagkakilala na si Angeline at ang tunay nga nitong ina, si Nanay Susan.

M: isang beses nakahiga ako, sabi nya mama may papakita ko sayo. Pinakita nya si susan
K: na ano po?
M: cellphone.
K: na picture nilang dalawa.
M: hindi, si susan lang. Nakita ko sya
K: anong na-feel nyo?
M: tsaka mga angeliners sabi ko pano mo nakita yan. Ewan sinabi nila na may ano ako, fan daw ako na gustong magpalitrato. Siya ba ma? (nods) siya. Sabi ko siya si susan. Ano ginawa  sayo sabi ko? Niyakap nya ko. Edi yakap din ako. O ngayon. sabi ko nakita mo na nanay mo, wala kawawa rin pala. Kawawa rin pala sya ma. Edi tulungan mo siya sabi ko, kung minsan tumatawag si susan tapos magtetext. Tapos humihingi ng pera sabi ko? Sabi nya hindi. Binigyan ko sya mga de lata, tsaka bigas yata. Sabi ko sige.
K: sa mga times po na nakakwentuhan ko si Angeline. Binibida din nya na kahit malaki kita nya, di rin po kayo palahingi
M: hindi, hindi ko tinatanong magkano kinita mo, di ko tinatanong yun
K: pero yan pong singsing?
M: kanina nya lang ibinigay ito
K: gift nya sayo? Ganda ah, may bato-bato. Bakit ho?
M: ewan ko. Sabi nya nasan hikaw mo ma, di ko nga alam may interview ako. Sabi nya o ito suot mo sabi nya. kanina nya lang ibinigay. Sabi ko salamat.
K: I remember nagpunta kayo sa boracay
M: oo sinama nya ko.
K: Dinala nya po kayo sa discovery po kayo nag-stay
M: sabi ko bakit mo pa ko sasama dyan, mahal mahal dyan. Wag na sabi ko ganun. E di ko nga alam yung Boracay na yun
K: pero nung nakapunta po kayo natuwa kayo?
M: tuwang tuwa. sabi ko ang mahal mahal dito, sabi nya minsan ka lang mapunta dito. Ang ganda dito sabi kong ganun, bumili ka na nga lupa dito. Akala ko mura (kris laughs) hindi dyan sa labas, sabi kong ganun. Ang ganda pala dito angie. Oo ma ang ganda.
K: mama bab tanong ko lang ho, naiilang ho ba kayo kay susan?
M: di ako naiilang kasi kilala ko naman si angeline
K: di ho kayo nagseselos?
M: basta sabi nya sakin wag kang magselos, di ba nagpapagawa sya bahay. Para sa iyo yan.
K: yung condo nyo ngayon
M: ang ganda no? ang ganda
K: tapos hinuhulugan po nya infairness
M: sabi ko mabuti ipinagbili sa iyo. Sabi ko okay mam Kris yan, mahal yan anak
K: kayo magkasama?
M: e nauna Mandaluyong e, pag ano daw dyan ako. Sabi ko o sige na nga
K: so di nyo naramdaman nabawasan atensyon sainyo ni angge
M: hindi. sabi nya sakin bahay pinapagawa ko para sayo pero bibilhan ko rin si susan maliit na bahay para di sya palaboy. Sabi nya. sabi ko nasa iyo yun
K: mama bab alam ko na bakit si angge ganun ka-derecho magsalita, sayo nagmana (laughs)
K: tanong lang po, si Papa Pop at kayo close? 
M: close kami
K: ah wala naman ho kayong medyo misunderstanding dahil kay angeline? Dahil si papa po kasi baka nagseselos
M: hindi rin. Kay susan parang naiinis sya. Sabi nakita mo na mana mo? Opo sabi nya. sabi ko pinabibigyan pera e. sabi bakit bibigyan pera? Sabing ganun, bakit di mo naman pera bibigay nya e. Pabayaan na. ngayon baka susan sabihin masama ako, kay angeline. Hindi wala yun, pero malapit kay angeline tatay nya
K: close sila
K: pati brother nya?
M: oo close sila. Pagkatapos si angeline close sa mama nya. sabi nya mama mo syempre, yung nanay mo, siguro nagkamali noon, sabi kong ganun kaya inis na inis papa mo sa kanya
K: oh ano kayang pagkakamali nya, I will ask her.
K: ano pong gusto nyong ibigay na mensahe sa kanya, kay angeline ngayong 23 years old na sya
M: natupad na nya pangarap nya, mahalin nya pangarap nya, dinasal mo yan alam ko madasalin ka, dinasal ko rin yan. Kasi sabi ko pag dinasal angeline at magbabago ka ugali, babawiin diyos yan
K: true. Ang biyayang galing sa Diyos dapat pangalagaan. mama Bab salamat kasi alam ko ninenerbyos ka for this interview pero salamat.
M: ang ganda mo pala mam kris
K: thank you po (laughs)
M: sabi ni angeline mabait si mam kris

K: thank you po 

Angeline Quinto's story :

K: itong years na lumaki ka, hindi mo ever naisip na ampon ka until may nagsabi sayo?
A: yes po.
K: kasi she’s old na, 48 na si Mama Bab nung nakuha ka. Parang di pwede.
A: yun nga po pinagtataka ko nung elementary ako kasi nakikita ko nanay kaklase ko
K: mga bata
A: opo. so inisip ko na nagbuntis nanay ko may edad na sya
K: pero di ka naghanap ng tatay?
A: hindi naman po kasi kilala ko tatay ko nung bata ako
K: pano mo siya magiging tatay kung tyahin nya nagpalaki sayo
A: yun po, dun ako naguluhan
K: see, oh ano
A: hanggang sa may bata nakaaway ko noon, away-bata po, sabi nya ampon ka naman e. so alam po pala nung mga kapitbahay
K: so nung sinabing ampon ka?
A: nagulat po ako kasi bakit nasabi yun.
K: so kanino ka nagtanong
A: sa lola ko po
K: lola na nanay ni papa Pop. Inamin nya?
A: Nung una parang umiiwas sa tanong ko tuwing kakausapin ko hanggang sa 9 years old po siguro ako, inamin na nya sakin
K: at what age did you start asking?
A: 6 po
K: At 6 dun yung question na kung siya nga papa ko ay tyahin ka nya, pano nangyari lahat yan?
A: ang akala ko mag-asawa sila dati
K: fastforward tayo, san nanggaling ang ? Kasi sinabi mama bab 14-17
A: 18 pa nga po ata
K: Oh why? bakit mo pinagdaanan yun?
a: nagsimula po kasi yun sa Star for a Night po
k: nung natalo
a: opo, nung natalo ako kay Sarah
k: ilan taon ka nun?
A: 12
K: 12 ka nun, 14 si Sarah
A: yes po. Tapos di natanggap ng tatay ko, ng kuya ko, ng lola ko siguro di ako nanalo. Pinapaliwag ko na ganun contest po di ba, may nanalo natatalo. Lahat sila nag-iba sakin
K: huh? Meaning? Nadisappoint?
A: nadisappoint
K: at ipinaramdam sayo na disappointed sila? Pati si mama bab?
A: si mama bab hindi, lagi akong nagkukwento kay mama na bakit ganun sila papa sakin, tapos dun nagsimula na nabarkada po ako, natutong uminom, aminado naman po ako dun
K: yan na si grandma, yung sinasabi mo sakin
A: nagkakilala po kami ni grandma, naging bestfriends kami
K: bakit umabot sa point na nagka-college ka, HRM, pero drop ng drop daw sabi ni mama bab
A: di po ako nag-college, 4th year high school
K: pero natapos 4th year high school
A: hindi pa po
K: why?
A: kasi di ako pinagraduate school ko kasi sa Star Power e.
K: so di ka napa-graduate because you joined the contest? Absent ng absent?
A: opo, nakikiusap naman po ako, binigyan akong excuse letter, di nila tinatanggap.

Natigil man sa pag-aaral, tuloy-tuloy naman ang pag-abot ni Angeline sa iba pa niyang pangarap. Kasama na nga rito ang tuluyang pagbuo sa kanyang pagkatao, ang pagkilala sa kanyang tunay na ina.

Nanay Susan's story :


K: the journey of meeting your biological mother. Di ba parang daming pinagdaanan. Ang haba nung unang DNA
A: na negative po
K: yun nung nangyari anong na-feel mo?
A: naawa po ako e, kay aling Veronica
K: why bakit ka naawa?
A: kasi pakiramdam ko nawawalan siyang dalawang anak. Nagkataon na pareho po, dalawang magkapatid na sinasabing anak nya. pero sabi nya nagdasal na darating araw na makikilala ko nanay ko talaga at si Papa po magsasabi nun 
K: na siya. So tawagin na natin siya ngayon. Let’s call nanay susan to join us. Dito po kayo, sit down
A: kris Aquino, taray
K: hello po… magtatanong po ako sa inyo, nung nakausap ko po si Mama Bab ang sinabi nya nasa loob pa ng tyan si Angeline hiningi na nya
Susan: Totoo ho yun
K: bakit nyo po binigay?
S: nararamdaman kong magulo na kami nung Papa nya, talagang hihiwalay ako naiiyak ako.
K: based sa research nabasa ko, away nang away na umaabot sa nagkakasakitan na. tama ho ba?
S: oho
K: bakit pa kayo nagkaroon ng another baby kung nagkakalabuan na?
S: e nagbalikan ulit kami
K: kasi isang taon lang agwat e
S: sinundo ako ng papa nya sa Pasay, ayun si rudy na ulit sumunod
K: tapos naghiwalay na po?
S: hiwalay
K: ilang taon po si Angeline nung di nyo na nakita papa nya?
S: isang taong mahigit
K: so after ipinananak si Rudy hiwalay na
S: si rudy mag-isang taon iniwanan ko.
K: bakit nyo po iniwan?
S: anu ba yan, mahirap magsalita baka kasi may masaktan. Basta umalis na ko kasi yung mga biyenan ko. Ayoko nagsasama kami isang bubong nagkakailangan kami.
K: how old were you when you gave birth to angeline
S: 19
K: ah 19?
A: nung pinanganak ako nay
S: pinanganak ko si angeline nov26, 1989
K: ilan taon kayo nun?
S: 24
K: yung 19 po?
S: 19 ako nung nag-asawa papa nya
A: 19 po siya nung nag-live in
K: pasensya kung masyadong personal pero may mas matanda pa kay angeline pa
S: opo
K: na naging anak sa isang Hapon. So dati po nagja-japan na rin kayo?
S: hindi. Bale boyfriend ko Hapon
K: dito sa Phils
S: ditto sa Pilipinas. Pero di ako nagpunta ng japan, nabuntis nya ko, yun na nga yun
K: nasaan po son? Daughter?
A: son
K: nasaan po
S: nandyan sa Pateros
K: ilang taon kuya nya?
S: 25
K: two years old than angeline, or 3 years older. Parang di po ata. Kasi that means pinanganak 21 kayo.
S: makakalimutin na, matanda na
K: so after the Japanese, dun pumasok yung Papa po
K: nanay susan para mabring out natin. Its your chance i-defend sarili nyo, sa side ng family ni Angeline sinasabi nagkaroon ng masamang bisyo kaya rin kayo nagkahiwalay. Totoo ho ba yun
S: opo, sa papa nya nagmula yun
K: deretsuhin ko, drugs po?
S: opo
K: you mean Papa nya dati po?
S: oo, parang ano lang, tikim
K: naimpluwensyahan po kayo?
S: opo di itinuloy dahil di maganda ano, kaya umiwas ako sa kanya
K: kaya umalis kayo
K: bilang nanay, hindi ko po hinuhusgahan ang naging desisyon nyo pero nagkaroon ho ba pangungulila at pagka-miss sa anak lalo na nung di na nakikita, di na nasubaybayan pagpapalaki
S: talagang masakit po, kaya gabi gabi ako umiiyak, inalala ko siya. Kasi sanggol pa kinuha na samin sa ospital (starts to cry)
K: pinilit ho ba kayo na kunin sya?
S: di naman po kasi alam ko walang anak si Bab. Alam kong di sya mapapabayaan kung maghiwalay kami ng papa nya, kesa dalhin ko po, magulo ang isip ko, maging kawawa anak ko




Kris: pagkatapos ng paghihiwalay kay papa pop, nagkaroon ng bagong partner?
Susan: opo
K: sa kanya po nagkaroon kayo ng 6 na ank?
S: opo
K: so all in all 9 ang anak nyo?
S: 9.
K: Hiwalay na naman po kayo sa tatay nung anim? (Susan nods)
K: ngayon may bago na?
S: wala na po
K: yung anim na bata ilang taon sila? Yung pinakamatanda, hanggang pinakabata nalang po
S: 19
K: hanggang?
S: hanggang 14
K: ay sunud-sunod
S: oo. Taon-taon akong nanganak e
K: okay, so two years na po siyang sikat pero totoo di kayo nanonood ng abs-cbn kaya di nyo kilala kung sino sya
S: kasi sa totoo lang channel 7 ako e (kris laughs)
S: sorry po
K: okay lang po, kasi yun nakasanayan nyong panoorin. So?
S:  Tapos yung ano nila ni coco, parang nakita ko siya, yung patalastas. 
K: nagka-trailer po ba sila?
S: yung naka-sando siyang puti
A: sa balita po?
s: oo yung pagka-ano sabi angeline quinto. Parang kinutuban ako, anak ko yun, sa isip ko lang, parang anak ko yun. Pero di ako naniwala kasi yun pa rin pangalan nya
k: so nung pinanganak angeline. Tapos quinto si papa pop
s: sa lola nya
A: si mama bab po
K: so coco’s movie and angeline was middle of this year di ba?
A: yes po
K: pano nyo siya hinanap?
S: di kasi mga anak ko nanood sa batangas the buzz ata
K: at least mga anak nyo gusto ang kapamilya, bongga
S: sabi sakin mama anak nyo raw si angleine quinto
K: pano? Bakit naisip kasi susan binanggit na?
A: yes po ni papa po
S: sagot ko una, pano nalaman. Manood ka mama the buzz, binabanggit pangalan mo roon, rose marie mabao
K: ano raw?
A: rose marie mabao po ang pangalan nya talaga
K: Alam nung anim na meron kayong anak previous to them?
S: opo
K: so nung nalaman nyo sa the buzz, pano kayo nag-connect?
S: isang kaibigan ko, pero alam ko anak ko siya kasi sa apelyido, sa papa nya, alam ko siya iniwan ko kay manang bab
K: so sinong friend
S: nandito siya, si Lara,
K: what did she do?
A: tinulungan po si nanay
S: kasi di ako marunong mag-internet
K: so
S: sabi nya ate maawa ka sa anak mo, umiiyak, magpakilala ka naman. So sabi ko wag na baka ayawan ako ng anak ko, magalit sakin kasi iniwan ko nga siya. Wag ganun te, dun mo malalaman, magpakilala ka sa anak mo. Yun siya nagturo
K: sa internet pano?
A: nag-email si ate lara sa angeliners po, fans club. Tapos president ng angeliners nagreply sa kanya. Na parang pano nakakasigurado na kilala ang nanay angeline. Hanggang sa si mam kate sinabi ng presidente ng angeliners kay mama kate so nagkita sila
K: sino muna nakipagkita sa inyo?
A: si mam kate po
K: si kate, di pa ikaw. San kayo unang nagtagpo ni kate
A: sa podium po, yun po yung sumunod ako nung gabi
K: chineck muna ni kate kung tugma ang kwento. Tapos sumunod ka gabi
A: yes po tumawag po ako kay mam kate, tsaka kay papa dido, yun po sabi na may isang fan gustong magpapicture na galing amerika daw so pumunta ako. Pagdating ko nakita ko si nanay susan at ate lara. Akala ko fan talaga. hanggang sa pinakita id na dalawa na may pangalang rose marie mabao tapos umiyak na po si nanay susan tapos tumabi ko sa kanya, umiyak na din ako
K: when did this all happen? Ilang months ago?
A: ilan nga nay?
S: two months ata
K: pasensya po sa tanong ha, bakit po maputi sya?
S: pinaglihi ko sa siopao e
K: biritera raw ho kayo? May boses talaga
A: heeee. Paborito nyong kanta nay
K: kasi obviously may pinagmanahan and si mama bab sinasabi sa kanya nanggaling, parinig naman
S: maluwag ngipin ko anak
K: maluwag teeth
S: baka matanggal
K: wag naman birit na birit simpleng kanta
S: paborito ko all this time e
A: pano nga po yun? (sings) tama po?
(nanay susan sings, duet sila ni angge)
A: yihee
K: tinest ko, nandun may tono talaga. nanay susan syempre alam na sa pagentrada sa buhay ni angeline, may mama bab na nandun all this time, total yun na kanta nyo e. may gusto ho ba kayo sabihin sa kanya?
S: sasabihin ako kay mama bab nagpapasalamat sa kanya, di pinabayaan anak ko, masayang masaya ko. Kundi sa kanya, di maging ganyan anak ko
K: ano ho kinabubuhay nyo ngayon? Anong trabaho?
S: nagbebenta embutido
K: tapos akala ko may kakanin?
S: oo dati. Kasi nga umiitim ako kakalakad kaya mukha ko pumangit, kaya umitim mukha ko
K: so deadma na sa kakanin, embutido nalang. Tapos san ho kayo nakatira ngayon?
S: sa cavite po, sa mother ko
K: mga anak nyo are in batangas kasama tatay nila? bakit di nyo sinama? Bakit kayo umalis?
S: di rin kami magkasundo, nambabae sya alangan namang kunin ko anak ko lahat, wala akong ibubuhay sa kanila
K: si rudy po nakita nyo na?
S: yun po di ko pa nakikita
K: bakit?
S: yun po gusto kong makita
K: ayaw ng papa pop mo. kasi di ba si papa pop ang nagpalaki?
A: yes po, di naman sa ayaw, kumbaga wala sa oras, si rudy kinausap ko naman, gusto nya makita si nanay susan din
K: initially po nung iniinterview ko siya about you, susan lang tawag nya. kelan nabago from susan to nanay susan? Mga ilang usapan yun? Textan?
A: kinabukasan nung nagkita kami, kinuha ko number nya, nagtext ako sa kanya na nanay, yun na po. sabi ko may mama na ko si mama bab, kaya sya nanay ko.


Kris: syempre po may cynical nag-iisip na baka dumating susan kasi may pera na si angeline
Susan: ako sinasabi ko di ko hangad pera, sanay ako sa hirap. Basta masaya ako nakita ko masaya na sya, maganda buhay nya. wala akong hinihingi sa anak ko kahit ano.
K: galit po ba kayo kay Papa Pop?
S: di naman, di naman ako mapagtanim ng galit.
K: tanungin kita ha, nakilala mo na mga kapatid mo?
A: hindi pa po
K: yung nasa batangas. Why?
a: uhm
s: wala pang panahon
a: wala pang panahon
k: wala pang opportunity
k: ngayong nakilala mo siya, anong nabuo sa pagkatao mo?
A: ano pong nabuo? Buong buo na po ang angeline quinto talaga. masasabi ko po yun.
K: kaharap nyo siya ngayon, binenta nyo ho ba talaga anak nyo?
S: ay hindi. Binigyan ako ni mama bab ng panggasto kasi nga bagong panganak ako, pero di ko binenta si angeline. Never.
K: sinabi ni mama bab sinabihan na pag nagtetext, abutan mo
A; opo
K: siya nagsabi nun? That's very generous of her ha kasi. So sinabi nagpadala groceries
A: yes po, mga delata po kasi paborito san marino
K: kukuha ka na naman sa bahay ko
(laughs)
A: oo nga pala
K: kaya yan na naman sinabi mo
K: ganyan ho yan kasi, parang ampon ko yan. Oh tapos pinadalhan mo?
A: yes po pumunta ako puregold
K: namili ka
A: san marino tsaka iba pa.
K: natawa ako sa sinabi ni mama bab na siya may bahay kang ipinapatayo, para sa kanya
A: para kay mama bab, yes po
K: tapos sinabi mo na gusto mo siya mabigyan kahit maliit na bahay
A: para sa sarili nya
K: so isa yun sa goals mo
A: opo naman, di pa po ngayon siguro kasi inaayos ko bahay namin ni mama bab. pag nakaipon ako, gagawin ko naman para kay nanay susan
K: nanay susan nagsorry ho ba kayo kay angeline. For all the years, kasi mag23 sya ngayon, so 22 years mahigit na wala kayo sa buhay nya
S: nagsorry naman po
K: pano nyo sinabi
S: nung nagkita kami, nak sorry kasi naiwanan, binigay kita, nung unang kita naming umiiyak ako, di pa ko masyadong mapakagsalita dahil amsakit e nung nakita ko, natuwa na di ko maintindihan.
K: anong gusto mong sabihin kay mama bab? 
A: kay mama bab, unang una alam ko masaya si mama bab na nagkakilala kami ni nanay susan, gusto ko pasalamat sa kanya kasi simula pinanganak siya tumayong mama ko, parang si mama bab buong buhay binigay sa kin, siya nagpaaral, naiyak ako, ate kris e. birthday ko e
K: okay lang,
A: tsaka kahit walang asawa mama ko, pangako ko na kahit nagkakilala kami ni nanay susan di ko siya iiwan talaga. kasi utang ko buhay ko kay mama bab, kung nasan man po ako ngayon, dahil sa kanya yun. Kahit na sinabi nagrebelde ako dati.
K: hindi siya sumuko
A: lahat napagdaanan ko dati, binago ni mama bab, tsaka siya isang tao di ako iniwan talaga kahit tatay ko dati na nawalan tiwala sakin, akala ko tatanda akong pariwara talaga. so natakot ako, pinaintindi ni mama bab lahat gawin para sa pangarap mo. Yun tumatak kaya siguro nandito ako ngayon
K: sinabi mo na totoo yun, di ka nasasaktan?
S: nasasaktan pero totoo, Masaktan man, talagang siya nagpalaki, malaki utang na loob ko sa kanya
K: sa nakikita nyo ho ngayon, tuwang tuwa kayo sa kinalabasan ni angeline. May gusto ka sabihin sa kanya?
A: happy bday sakin nay. Uhm kay nanay susan, di kayo nagdalawang isip magpakilala sakin. Sobrang natutuwa ako nanay kung alam nyo lang. Lagi akong nagpapasalamt sa diyos kasi 22 years old ako nakilala kayo. Simula nalaman kong ampon ako, di nawala sa isip ko na nasaan tunay kong nanay kahit di magandang naririnig tungkol sainyo nung lumalaki ako, lahat yun di ko pinakinggan e. basta sabi ko sa diyos sana habang nabubuhay, dumating isang araw makikita kita kasi sinasabi nila wala na kayo, naramdamam ko naman nandyan ka e, mga kapatid ko sa inyo kahit madami sila, wag po kayo mag-alala kasi hanggat kaya ko magtrabaho, hanggat may taong nagmamahal sakin, tutulungan ko kayo nay. Sana pag magkita kayo ni papa kahit magkaibigan nalang okay na sakin, yun lang po
K: angge thank you kasi nakita namin kung sino ka. Nakita namin sino nagpalaki, nagmahal, sino nagluwal, nakita ano nangyari sayo kung meron akong napickup pagiging nanay minsan biological, minsan it’s a choice na gagawin mo masi si mama bab pinili, pero pagiging nanay kasing simple ng sinabi mama bab, yung ulam always ready kasi alam nya uuwi ang anak nya, ayaw maguton, gusto maalagaan, alam lilipas anumang bagyo pinagdaanan kasi di nauubos pagmamahal nya
K: nakita natin ang pagmamahal naibubuhos sa anak natin, sa inaruga natin, tignan kalalabasan, mapagmahal na nilalang din. Thank you it took a lot of courage na humarap ka. Hindi madali dahi pribado kang tao pero dahil sikat anak mo, bubuklatin ang pinagdaanan, nanay susan salamat sayo. Kanina kay mama bab salamat sa opportunity binigay nya sakin kasi sa mukha nya dun ko naramdaman sa pagkatao nya, pagiging nanay talga. Pagmamahal kailangan ibigay sa anak. Happy bday
A: thank you ate kris!
S: happy bday nak!

K: maraming maraming salamat po! 



Comments