Follow me on Instagram and Twitter : @darlasauler

Back-to-Back achievements for Sarah Geronimo : 2012 MNet Asian Music Awards Best Asian Artist - Philippines and AFP's Ambassadress for Peace and Development Efforts!

Friday, November 30, 2012


In fairness talaga sa nag-iisang si Sarah Geronimo. Patuloy niyang pinatutunayan kung bakit deserving siya sa pagmamahal at paghanga ng milyon-milyong tao, at kung bakit hanggang ngayon ay siya ang tinuturing na role model ng maraming kabataan. Back-to-back na naman ang achievements na nakamit ni SG recently.

Una : ang pagkakapili sa kanya ng military para maging ambassadress ng security plan nilang Bayanihan. Ang pagiging perfect example sa kabataan at ang patuloy na pagiging humble raw ni Sarah ay sapat na para ipaliwanag kung bakit siya ang napili ng AFP. Ang mas nakakabilib pa rito, hindi raw nagpabayad si Sarah sa ginawa niyang music video para sa AFP. Ang talent fee dapat ng popstar : P10M! Wow. Lalo tuloy akong napasaludo kay Baby Girl. 

Pangalawa : Kanina lang ay tinanghal naman si Sarah G bilang kauna-unahang Pinoy na makatanggap ng award mula sa MNet Asian Music Awards o MAMA. Siya ang tinanghal na Best Asian Artist - Philippines. Congrats bebe! Patuloy kang maging inspirasyon sa aming lahat. Dedma sa mga kanegahan. 

Read more...

SISTERAKAS Full Trailer

video

Read more...

Love, Love, Love sa Kris TV! Tutok always, Mon-Fri : 8am!

Wednesday, November 28, 2012

Narinig ko lang kanina, from a reliable source raw : nagkabalikan na sina Melai at Jason? True ba to? Paano na lang si Daniel Matsunaga? Hehehe! Sige po itatanong ko sa kanilang dalawa mamaya.

On the other hand, maraming maraming salamat po sa lahat ng laging nanunuod ng Kris TV. Bukas po, mga Pinoys at Heart. Kasama ang three hot men na ito, with Daiana Menezes and Carla Dunareanu (gf of Christian Bautista). 8am po!




CLICK HERE for more photos!

Read more...

Basta't Daniel talaga... Alam na!

Read more...

Angeline Quinto talks about her Mama Bab and her real mom, Nanay Susan.

Monday, November 26, 2012


Mama Bab in one rare interview, talking about how she adopted Angeline and kung paano niya itong pinalaki na parang tunay niyang anak.

Angeline telling Kris her version of the story.

Angeline's biological mother Rose Marie "Nanay Susan" Mabao (right), with Lara (Left) - ang kaibigan niyang tumulong na ma-kontak si Angeline through the Pop Superstar's Fan Club na Angeliners.
Naging mala-teleserye ang paghahanap ni Angeline Quinto sa kanyang biological mother. Sa simula ay na-reveal na sa ating lahat na ipina-ampon at diumano'y ibinenta lang siya ng tunay niyang magulang, sa kinikilala niyang ina ngayon na si Sylvia Quinto o mas kilala bilang si Mama Bab. Pero kasabay ng pagsikat niya ay ang paglaki rin ng kagustuhan niyang mabuo ang kanyang pagkatao, sa pamamagitan nga ng paghanap sa kanyang tunay na ina. Matapos ang mga babaeng nag-claim na sila ang nanay ni Angge, matapos ang kontrobersiyal na DNA testing sa isa sa kanila... finally, Angeline found her real nanay. At kanina sa Kris TV, for the first time at sa isang exclusive interview, humarap sa camera ang umampon kay Angeline na si Mama Bab, at ang kanyang biological mother na si Rose Marie "Susan" Mabao. Para sa buong kwento, at pag-uusap nina Kris, Mama Bab, Angeline at Nanay Susan... CLICK HERE.




Read more...

"My heart is at peace, knowing that merong mabubuting lalaki talaga," KC Concepcion talking about rumored French boyfriend!

Sunday, November 25, 2012


Nagbabalik The Buzz today si KC Concepcion, hindi bilang isang host, kundi para sa isang one-on-one interview nila ni Boy Abunda. Ibinahagi ng bagong Tanduay girl ang kanyang pagharap sa bagong buhay ngayon matapos niyang mag-move on mula sa mga pinagdaanang intriga. 

"I'm very happy with the upswing that I'm having right now talaga, sa tingin ko talaga meron talagang dahilan ang lahat. Everything really happens for a reason. Lahat ng nangyayari ngayon ang ganda, ang ganda Tito Boy. Masarap yung pakiramdam ko although syempre hindi mawawala yung mga bashers," panimula ni KC.

Paano niya nga ba hina-handle lahat ng bashers niya? 

"The bashers tinatry ko na lang na magpakabusy kasi may work will speak for itself na lang. And for every person that might hate you or that might bash you, there’s a thousand people that will show their love for you."

Kelan naman siya nasasaktan o naa-apektuhan ng mga pangba-bash na ito?

"Pag pamilya ko na po. When it's to my family, pag ang dali dali nilang magsabi ng judgement, ng dahil lang sa pinanggalingan namin ng mama ko o dahil sa kinalakihan namin, o dahil lang sa kung anong meron kami. Nahihirapan ako pag mga kapatid ko na o pag mommy ko na."

Thankful naman daw si KC dahil binigyan siya ng Diyos ng patience at grace, sa pag-handle sa mga intriga. Kaya kahit ano pa raw ang iharap sa kanyang paninira o mga masasamang comments sa Twitter, kaya niya nang harapin.

"Siguro nadededma ko na rin, kasi sa lahat ng pinagdaanan ko from last year parang feeling ko kahit na lang anong mangyari okay na, kaya ko na yun."

Kamusta naman ang kanyang lovelife?

"Wala pa namang todo todo, Tito Boy."

"My heart is at peace knowing that merong mabubuting lalaki talaga."

On Pierre Emmanuel Plassart.

"Well Pierre is a very kind person na, eto yung Tito Boy na marami tayong nakikilalang lalaking inaral ang pagiging gentleman and that's a great thing. Pero eto talaga simula nung baby talaga hanggang lumaki hanggang sa nameet ko siya tunay. It's the real thing talaga, he’s a true gentleman. Hindi ko yun ever, hindi mo ever mababayaran yun."

"He is into business, it's a family of entrepreneurs. He’s getting into some businesses in Paris and then Singapore."



Katulad ng madalas nating marinig, idinaan din daw ni KC sa dasal ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon - partikular na ang tulad ni Pierre sa buhay niya.

"Ang sabi po kasi nila when you ask God for something, you pray about it and you be specific and you believe with all your heart na it’s as if binigay na niya yun sayo. And I remember praying in December or January na talagang for seven days straight, very intense prayer talaga. I really wrote down in post-it notes lahat ng gusto ko sa isang lalaki, gusto ko ng ganito, ng ganyan ganyan, tapos ipo-post ko sa likod ng bed ko, yung headboard tapos pag meron na naman akong maisip ilalagay ko na naman hanggang sa parang pito o walo yung napost ko dun. Binigay talaga ni God sakin lahat ng nandun sa post-it na yun until the very last detail. So sana, we'll see..."

The best thing about Pierre?

"He’s not giving up."

"Totoong tao, napaka-sincere."

Kelan niya ito tuluyang ipapakilala sa lahat?

"Pag nakapag-decide na ko (Tito Boy) na eto na talaga. Pag di pa ko ready or pag di pa ko talagang set na eto na talaga yun, hindi ko siya i-introduce sayo. And you know what (Tito Boy) honestly yung pagiging single, mas creative ako pag wala kong ibang iniisip. So honestly right now kaya hindi rin ako masyadong open to say that ganito or serious, I want to still explore kung ano yung mangyayari pa habang eto yung independent girl yung mode ko ngayon."

Read more...

Erich Gonzales, ENGAGED na?

Thursday, November 22, 2012



Sa guesting kaninang umaga ni Erich Gonzales sa Kris TV, hindi nakaligtas sa mata ng 26th Star Awards Best Female Celebrity / Showbiz Oriented Talk Show Host na si Kris Aquino, ang suot-suot na diamond ring ng aktres. At tulad din ng una kong tanong kay Erich sa dressing room when I saw the ring, Kris asked her kung engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend. Hindi nag-NO at hindi rin nag-YES si Erich kay Kris. 


Pero sa usapin tungkol sa estado ng kanyang puso ngayon, walang preno naman si Erich in expressing her happiness. Sabi pa nga niya sa pre-interview sa kanya for this guesting, "When I met this guy I am dating right now, siya ang nagbigay ng tamis  sa buhay ko.  I met him 2 years ago.  We started as friends, and then we started dating last year. He is very supportive.   He allows me to be me.   I would say I am at my happiest right now because of him."


Last year pa rin daw ibinigay ng kanyang special someone ang suot niyang diamond ring. Pero isa naman ang siniguro ni Erich, hindi pa siya handang magpakasal dahil marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay niya. At lalo na't nakatakda na siyang magbalik teleserye, details about it ay hindi pa po yata pwedeng i-reveal hehehe. Basta bigatin ang magiging bagong serye niya. 

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Gino Vs. Jao Basketball Game 2!

Wednesday, November 21, 2012

Ayan may game 3 pa dahil nanalo ang Team Gino. Sa Game 3, manunuod na ako! Hehehe! Thank you so much Joan Angeles and Sany Chua for the photos!



CLICK HERE for more photos! Text DARLA ON to 2366!

Read more...

Thank you, Daniel Padilla (=

Tuesday, November 20, 2012

Adik na adik lang ba kay DJ? Pasensya na po kayo hehehe! Dahil alam ng friends at ng writers ko na kapag super stressed ako sa work, nagiging happy ako pag nakikita ko si DJ, eto kinunan niya video si bagets last Sunday hehehe! Thank you so much JC Ruby!

And nga pala, gaya ng sabi ni DJ, bukas po showing na ang "24/7 In Love," watch tayo ha!

video

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : 26th PMPC Star Awards For TV!

Monday, November 19, 2012

Automatic na namang nag-ON ang Fan Mode ko kagabi nang umattend kami sa 26th Star Awards for TV. Kaya pagpasensyahan na ang nakuha kong photos, nataranta kasi ako sa dami ng artista marami sa kanila di ko na nakunan hehehe!





CLICK HERE for more me-the-fan photos! Hehehe!

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Perfect Sunday with Daniel Padilla

Thank you so much JC Ruby for the The Buzz photos of Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. 

Super sweet. Dumaan sa taping namin ng Kris TV to say hi.

CLICK HERE for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PICS! Goo Jun Pyo, AKA Lee Min Ho, of Boys Over Flowers F4 in Manila!

Thank you so much Roch Veron for these photos! Grabe ang gwapoooooo ni Lee Min Ho. Malaking panghihinayang ko I didn't see him in person!




CLICK HERE for more photos!

Read more...

EXCLUSIVE PICS : Regine Velasquez loses voice, gets emotional during her Silver Anniversary Concert!

Saturday, November 17, 2012


Eversince, Regine Velasquez fan na ako, at feeling ko naman halos lahat sa atin. I grew up trying very hard to sing her songs. Birit kung birit. Kaya naman, hindi ko pinalampas ang chance na mapanood siya at maki-celebrate sa kanya sa kanyang 25th anniversary concert. Another milestone in her life na na-delay ng isang taon, dahil nga ipinagbuntis niya si Nate last year. Opening number pa lang napansin na namin na parang iba ang boses ni Songbird. Di kami nagkamali. Dahil right after that number, she revealed that she is sick at "na-traffic" ang kanyang boses. Kaagad siyang naging emotional dahil nahihiya raw siya sa lahat ng pumunta, na nag-expect na marinig siya at her best. Buong show, talagang struggling si Songbird na makabirit at maibigay ang hinahanap ng lahat. Kaya naman hindi niya naiwasang maiyak, tuwing may susubukin siyang ibirit at hindi niya ito magawa. Sa awiting "Dadalhin" unang bumigay si Regine, dahil may isang mataas na part nito ang hindi niya nakanta, ibinaba niya na lang ang microphone sabay napaiyak na siya. Naging very supportive naman sa kanya ang guests niya, sa pangunguna ng asawang si Ogie Alcasid. Suportado siya nina Janno Gibbs, Michael V at ni Lani Misalucha, na talaga namang umalalay kay Songbird during their number. Nandun din sa Arena kagabi ang ilang tagahanga at kaibigan ni Regine tulad nina Kris Aquino, Vice Ganda, Eugene Domingo, Sweet Lapus, Angeline Quinto, Lucy Torres-Gomez, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, at si Aga Muhlach kasama ang mga anak na sina Andres at Atasha. Walang tigil din si Regine sa pagbibigay pugay sa kanyang Baby Nate na later in the show ay kinuha niya from the audience at kinantahan on stage ng "God Gave Me You." Nandun din syempre ang Tatay Gerry niya na ayon kay Regine, kasama ang kanyang ina, ay siyang mas deserving sa mas malakas na palakpakan. Sa isang bahagi ng concert ay tinawag niya rin ang fan at friend at impersonator niyang si Anton Diva, para alalayan siya sa kantang "On The Wings Of Love." In the said number, kahit pa may sakit, ginawa pa rin niya ang "paglipad" na inihanda niya para sa lahat. Pero kahit nagpa-inject na raw siya ng gamot, hindi pa rin dumating ang kanyang boses. Kaya naman sa bandang dulo, sinabi niyang magkakaroon ng FREE CONCERT para sa lahat ng nagpunta kagabi. Itago lang daw ang tickets at libre siyang magco-concert ulit bago matapos ang taon. Kasabay ng pag-iyak, natuwa naman siya ng sabihin ng Mall of Asia Arena na libre rin nilang ibibigay ang venue para sa repeat ng concert. Paglabas namin ng Arena, lahat emotional pa sa naging takbo ng show. Walang nagrereklamo, dahil lahat mas bumilib pa nga sa ipinakita ni Regine. Na-cut short ang show, kaya mas marami pang kanta ang hindi nakanta. Ibig sabihin lang, mas marami pa talaga tayong aabangan sa free concert na gagawin niya soon. Anuman ang nangyari kagabi, we still love you so much Songbird! Ikaw pa rin ang idol namin! 






CLICK HERE for more photos!

Read more...

MORE PHOTOS! Zoren-Carmina : Always, Forever A Wedding Like No Other

Friday, November 16, 2012

Thank you so much G3 San Diego for sharing your photos. Abangan po natin ang Showbiz Inside Report at The Buzz this weekend, para sa special reports about the wedding of Carmina Villaroel and Zoren Legaspi. Mapapanood naman ang coverage ng buong event, mula sa pagpaplano hanggang sa reception, sa isang ABS-CBN Special na ipapalabas sa November 24 right after Maalaala Mo Kaya.

Pero sa ngayon, you may visit www.g3cafe.com para sa isang first hand kwento tungkol sa mga nangyari sa wedding. 





Courtesy : Rochelle Veron

CLICK HERE for more photos! And text DARLA ON to 2366!

Read more...

FIRST HERE! PHOTOS : The Carmina Villaroel-Zoren Legaspi Wedding!

Thursday, November 15, 2012

courtesy : Lui Andrada
Kanina ay naganap na po ang kasal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa Fernbrook. Kakaiba ang kasalang ito dahil proposal diretso wedding ang nangyari. Big surprise ni Zoren at ng kambal kay Carmina ang lahat, na nag-akalang meron lang silang TV commercial shoot. Abangan ang iba pang detalye sa Showbiz Inside Report, at sa ABS-CBN this week. 

courtesy : G3 San Diego

Read more...

MORE EXCLUSIVE PICS! Gu Jun Pyo for The Buzz!!!

Thank you naman Marlon Escalona this time, for the photos!
Abangan po ito sa Sunday sa The Buzz!



Read more...

Boys Over Flowers' Lee Min Ho with Toni G!

Abangan ngayong Sunday sa The Buzz ang paghaharap nina Toni G at ng kinababaliwan nating lahat, si Gu Jun Pyo - Lee Min Ho ng Boys Over Flowers' F4! Thank you so much JC Ruby for these photos!





Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS : Kris Aquino for SISTERAKAS!



CLICK HERE for more!

Read more...

It's raining men! GGV this Sunday!

Wednesday, November 14, 2012


Ang saya lang to see hot kapamilya stars! Hehehe! Yung tipong pag-uwi mo you can still smell their perfume dahil nahug mo sila. Hahaha. Lucky. ツ

Read more...

EXCLUSIVE PHOTOS! Jason Francisco in Korea!




CLICK HERE for more photos! Thanks Jason!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

recent viewers

UNIQUE VIEWS

copyright

  © Blogger template On The Road by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP